Breaking Dawn

Maikukwento ko ang buong plot ng “Breaking dawn,” ang  Part 1 ng pang-apat na installment ng “Twilight Series,” sa apat na pangungusap lamang. Kinasal sina Edward at Bella, nag-honeymoon sila sa South America at kaagad-agad na nabuntis ang asawa ng bampira. Kaso, naging komplikado ang kanyang pagbubuntis at nanganib ang kanyang buhay kaya galit na galit ang karibal ni Edward na si Jacob, gayundin ang kampon ng mga werewolves. Napaaga ang panganganak ni Bella sa isang sanggol na babae, pero sanggol lang ang nakaligtas. Pero namatay nga ba ang asawa ng bampirang si Edward? Without revealing the ending, yan ang buong thread ng pelikula na dinirek ni Bill Condon.

Nag-enjoy naman akong panoorin ang “Breaking Dawn” pero gaya ng “Harry Potter,” pinaka-enjoy pa rin ako sa unang installment ng pelikula. Yung mga sumunod ay parang mahinang bersyon lamang ng mga naunang  kuwento. Ano ba ang maganda sa pang-apat na bahagi ng Twilight series? Maganda ang production design ng pelikula lalo na ang kasal nina Edward at Bella. Never pa kasi akong nakakita ng kasal na punong-puno ng orchid vines. Overwhelming ang kanyang epek. Gustong gusto ko rin ang setting ng kanilang South American honeymoon. Ang galing din ng kanilang prosthetics lalo na nang magkasakit na ang buntis na si Bella. Parang totoo.

On the debit side, kahit sa unang bahagi pa lamang ng “Twilight” series, hindi ko na talagang gustong umarte si Kristen Stewart, ang artistang gumanap bilang Bella. Wala siya gaanong expression at maya’t-maya, para syang sumisinghal. Nabasa ko sa isang magasin, nakuha lang daw talagang gumanap si Stewart bilang Bella kasi kahawig na kahawig siya ng description ng character ni Bella base sa nobela ni Stephanie Meyer. Kanya lang, hindi ko siya talaga maramdaman. Pangalawa, bagama’t alam kong isang buong love story ang series, at totoong mayroon naman talagang mga nakakakilig na eksena, hindi ko lang masakyan ang premise na ang isang babae ay mai-in-love ng todo sa isang bampira at maguguluhan pa siya kasi mayroon din siyang damdamin para sa isa namang werewolf (Taylor Lautner).

Ang pakiramdam ko kasi, may topak ka sa ulo kapag tao ka pero hati ang iyong damdamin para sa isang bampira at sa isang werewolf. Pero yun na nga siguro ang punto ng pelikula: love conquers all–mythical creatures included. Pero kahit na. Kaya nga ang daming nangiwi doon sa eksena kung saan para manumbalik ang lakas ni Bella sa kanyang pagbubuntis ay pinainom siya ng pamilya ng mga bampira ng dugo na nilagay sa baso na may straw. Na ininom naman ni Bella na parang grape juice lang.

Kahit ang werewolf na si Jacob ay napangiwi rin at di kinaya ng kanyang powers na tingnan ang kanyang minamahal na umiinom ng dugo. Werewolf na yun ha. Nandiri pa. Tao pa kaya?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

5 Responses to Breaking Dawn

  1. likhakho says:

    Hindi ko po type panoorin ang movie so wala akong K mag-comment pero dun lang ako sa love angle, Tito Ron …
    As an “amateur” psychologist and as a student who took all her HS religion classes seriously (nagbuhat pa ng bangko, pasensya na), possible for someone to think or to fall in love with two persons pero am sure, different kinds of love ang nararamdaman niya — hindi ko na maalala ang mga technical terms dahil 19-kopong-kopong pa yun. Pero eto for one, interesting to read describing the different kinds of love we can all experience in our lifetime:
    http://www.examiner.com/ny-in-new-york/15-different-types-of-love

    and then, there is also that angle that we have different needs as a person … one person, for example the boyfriend in the movie cannot fulfill ALL those needs so hinahanap nung tao yun sa iba … sabihin na natin driver na hindi as witty ni manong na kinuwento mo dun sa previous blog mo yung naging BF, yes, baka physically, driver can fulfill the needs of the girl but then, kung matalino si girl, she has this intellectual need so possible na hanapin nya yun sa ibang tao. for example sa isang propesor pero not necessarily na sing alab ng nararamdaman nya dun ke driver dahil magkakaiba nga ang needs naman niya. Ngayon, nasa sa kanya na yun kung ke propesor o ke driver sya mag-dedecide mapunta or kung may capability siya to distinguish kung alin ang true love for her (if she will decide using her heart or her mind or both?)… As i have observed in many of my friends’ relationships and mine too, I think kung aling kind ng personal need ang mas kailangan o mas naghahari sa tingin nya if she is forced to decide at that moment, that will lead her to her final decision (remove the “final”, nang-edit pa). Now, time is also a factor. Sabi nila, time heals all wounds. Dadagdagan ko: I think time also helps clear one’s head and heals that gap in one’s head (“katangahan”, pardon the word). I think postponing decisions at a later time may also help the person see things in a better perspective. Eto hindi na religion class galing, sa management class na galing.

    Now, since bata pa yata yung mga bida dito sa movie, eh mukhang mapusok sila sa kanilang damdamin😉 so baka pede may sequel ito na matatanda na sila tapos, malalaman dun kung ano ang nangyari sa love triangle na ito. Pero still hindi po ako interesado panoorin … kasi hindi na ako yuppie, type ko comedy na or medical drama. Ilang stars ba for you itong movie? With 5 as the rating for strongly recommended. Baka magbago isip ko hehehe kasi ni-recommend mo. type ko basahin yung Iron Ladies na blog mo pero sa kaka-type ko dito eh nawalan na ako ng time. Sige, luluto pa ng lunch. Andito pa si bulilit ko, gutom na. Baka ok mailuto eh dinuguan hahahaha kasi na-inspire ako sa last few sentences mo hehehe.

    • THANK you for your insights. natutuwa ako at nakakapag provoke pala ang blog ko ng mga love reflections na ganyan. i do not recommend you to watch the movie if you have not watched Part 1 of Twilight. di mo sya ma-a-appreciate.

  2. Permskee says:

    Mas inaabangan ko pang ang True Blood series sa HBO kesa sa Twilight. Kasi naman, Kristen Stewart’s facial expression/acting is so monotonous. Lagi shang nakayuko pag nag-uusap sila ni Pattinson. Tsaka, Taylor Lautner’s nose bothers me. I see Miss Piggy every time I see him. So annoying.

  3. Connie says:

    When I was younger, I was thinking about being a Margie Holmes kasi type ko talaga i-analyze yung mga relationship problems at nag-e-enjoy ako. would want to go one step higher like Dr. Holmes yung tinatalakay yung “intimacy” problems too. Kaya pati movie plot eh hinihimay ko, pinag-iisipan bago magluto ng dinuguan hehehe😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s