Minamahal ko si Janet Hsieh

Base sa aking  obserbasyon, si Janet Hsieh, ang TV host ng “Fun Taiwan” sa Discovery Living Channel, ang maaaring maging next superstar ng Taiwan. Naglipana na ang mga product endorsements nya sa TV, print at mga billboards dito sa Taipei. Na hindi naman katakataka. Simula nang una ko syang mapanood sa isang episode ng “Fun Taiwan,” na-magnetize na ako sa kanya.

Kombinasyon si Hsieh ng youth, beauty, brains, sunshine personality at gift of gab. Mahirap makita sa iisang tao ang tamang timpla ng nasabing kombinasyon. Confident si Hsieh pero hindi mayabang ang kanyang dating. Natural sya sa harap ng camera. Madali syang nakakapag shift from Mandarin to English and vice versa. At nang nalaman ko na nakakapagsalita pa pala siya ng tatlo pang languages (Spanish, French, Taiwanese), mas lalo akong humanga sa kanya.

Bukod pa rito, nang mabasa ko ang kanyang brief background sa kanyang official website, hindi lang ako napahanga. Ang pakiramdam ko, minamahal ko na siya. Isa-isahin natin. American Born Taiwanese ang 31-taong gulang na si Janet Hsieh. Ang tatay niya ay tiga Kaoshiung at ang nanay naman niya ay tubong Taipei pero ipinanganak ang batang si Janet sa Houston, Texas. Limang taong gulang pa lang siya nang magsimula  siyang tumugtog ng violin. Classical music ang isa sa kanyang landas na tinahak at naging miyembro siya ng Texas Young virtuoso kung saan nakapag perform na ang grupo sa buong Amerika at Europa, at minsan ay sa White House pa noong Presidente pa ng Amerika si George Bush. Pero ang pagiging violinist ni Hsieh ay isa lamang sa kanyang maraming talento. Biology major talaga siya (with minor in Spanish) at sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) lang naman siya nag-graduate. Nag-aral din siya sa Universidad de Buenos Aires sa Argentina at briefly, sa UCLA.  Hindi lang yun. Taekwondo black belter din si Hsieh, trained sushi chef at isang circus performer.

Ang pagkakapasok niya sa mundo ng telebisyon ay isa lamang aksidente. Nagpunta siya sa Taiwan para maging medical intern. Natural, dahil sa kanyang angking ganda at cheerful personality, nakuha siyang model ng mga advertising agencies dito sa Taipei at sumunod na nga doon ang offer para maging host siya ng sikat na programang “Fun Taiwan” sa Discovery TLC, kung saan siya rin ang sumusulat ng iskrip ng nasabing programa.

Noong isang taon, na-publish din ang kauna-unahan niyang libro na pinamagatang “Traveling with 100 Toothbrushes.” Hinahanap ko pa sa mga bookstores ang libro ni Hsieh pero hindi ko ito makita. Ano pa ba namang talento ang hindi kaya ng babaeng ito? Mapa science, arts, writing, hosting. sports, nasa kanya na yata lahat. At pag pinapanood ko siya sa programang “Fun Taiwan,” sinasabi ko talaga sa aking sarili  kung bakit  nung nagsabog ang Diyos ng sanlaksang talino at talento ay tulyasi at bilao yata ang dala ng nanay niya. Some people just have all the luck.

Nasabi ko na rin yata minsan sa isa kong blog na wala akong maisip na counterpart niya sa Philippine television. Kalimitan sa mga hosts na naiisip ko ay magaganda lang pero  wala silang substance or the other way around. Sana maging benchmark ang mga katulad ni Janet Hsieh ng mga TV executives at talent scouts sa Pinas. Para naman hindi puro mga talking heads lamang ang nakikita natin sa ating mga TV screens sa araw-araw.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Personalities, Taiwan Life, TV. Bookmark the permalink.

4 Responses to Minamahal ko si Janet Hsieh

  1. popoy palaboy says:

    wow… inlove c sir sa isang artista =) pwd yan maging nothing hill sir =)

  2. likhakho says:

    malay mo Ronald. Ikaw lang pala hinihintay nya. Multi-talented … napapanganga rin ako. naku, kung guy lang ako eh karibal mo ako hehehe😉 nang-agaw pa ba ng eksena. sowee!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s