Double Standard

Tinanong ako kamakailan ng kaklase kong foreigner kung ano ba daw ang ibig sabihin ng term na double standard. So ako naman, kinareer ko ang sagot. Naalala ko, ni-report ko itong topic na ito nung college, so nagsimula ako na i-define ang term. Sabi ko, “it is a rule applied more stringently to one party than to others.” Kinokonsider kako ito na hindi makatarungan dahil lumalabag ito sa prinsipyo ng hustisya na kung tawagin ay “impartiality.” Tapos inexplain ko na pwede yang mangyari sa workplace, sa eskwelahan, sa bahay, kahit saan.

Nakakunot ang noo ng kaklase ko. “I don’t get it,” sabi nya.

O sige, kako. Sabi ko sa wikang ingles. Magbibigay ako ng halimbawa. At ikinuwento ko na nga ang classic na istorya na lagi kong ibinibida sa mga kaibigan ko. Lahat ng kinuwentuhan ko nito ay napapatawa. Ganito yun.

Kasagsagan ng presidential campaign noon sa Pinas noong 2010. Pauwi na ako sa bahay at nag-aabang ng taxi sa may Makati. Sa kabutihang palad ay may pumara sa aking taxi at pumayag si Manong driver na ihatid ako sa amin sa Paranaque kahit matindi ang traffic. Habang umaandar ang taxi, napadaan kami sa grupo ng mga kabataang nagbibigay ng political flyers. At dito na nga nagsimula ang nakakatawang conversation namin ni Manong driver.

Sabi ko, “Manong, sinong iboboto mo bilang presidente?”

Sumagot si Manong habang nakatingin sa akin sa side mirror.  “Ha? Ako? Erap pa rin.”

Ako naman, nagtanong ulit.  “Ganun? Bakit naman?”

“E walanghiya lang yang si Arroyo e,” sagot ni Manong.  “Wala namang kasalanan si Erap, pinakulong-kulong niya. Para sa akin mahal talaga ni Erap ang mahihirap na katulad ko. Nangurakot man siya, e ano ngayon? Meron bang presidente na hindi nangurakot?

Naramdaman ko agad na medyo pointless nang makipag-argue kay Manong. So ang sabi ko, “Akala ko pa naman iboboto nyo si Noynoy.”

Sumimangot si Manong. Bahagyang tumaas ang boses ng matanda. “Naku, iboboto ko na lahat, mapwera yang si Noynoy!”

“Sobra naman kayo. Bakit naman?” Tanong ko.

Nagpaliwanag si Manong. Tingnan mo, ha. Kung hindi ba naman abnormal yang si Noynoy. Anong  edad na nya? Di ba may 50 na? Para sa akin, pag ang tao pumalo na sa edad na 40, at wala pang asawa, abnormal yun! Mayroong hindi tama sa kanya. E siya, may 50 na, wala pa ring asawa?

Ako naman ang sumimangot ngayon. Parang nainsulto ako pero di ako nagpahalata. “Manong naman, bubusina ka,” pabiro kong sabi. “May 40 plus na ako. Wala pa rin akong asawa. Ibig mo bang sabihin, abnormal ako?”

Nagkaroon ng 5 seconds of silence. Saka sumagot si manong.

Tapos nakangiti siyang sumagot.  “Aba, e siguraduhin mo lang na di ka kakandidato!”

Di ba ang witty ni Manong?

Yun kako ang double standard. Sa mundo ni Manong, as long as hindi kakandidato ang tao sa pulitika, pwede syang maging single and still be accepted as normal. Pero pag single ang isang tao at kumandidato, di sya katanggap-tanggap sa  kaniyang daigdig.

Weird.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

6 Responses to Double Standard

  1. nymfs says:

    thanks for a good laugh! ;D

  2. Rey Manalo says:

    buhay pa ba si manong?🙂

  3. hahahaha. hindi worth it, rey. sabi nga nila, choose your own battles. meron syang karapatan sa kanyang maling opinyon.🙂

  4. likhakho says:

    Nice one! Love this.😉

  5. hahahA natawa ako sobra nUn aHH ganon poe pla ang double standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s