Do’s & Don’ts sa Taiwan

Huwag kang magreregalo ng relo, payong, panyo o puti at dilaw na mga bulaklak sa mga Taiwanese. Huwag kang  mahihiyang humingi ng “take-out” na pagkain kapag dumalo ka sa isang Taiwanese wedding banquet. Kung ikaw ay babae, huwag kang papasok sa temple kung ikaw ay nireregla. Sa kabilang banda, ugaliing mag-alis ng footwear at magyapak kapag papasok ka sa bahay ng isang Taiwanese. Kung ikaw ay foreigner na lalaki, huwag ma-di-disapoint kung hindi ka pakasalan ng Taiwanese na babaeng minamahal mo. Chances are, ayaw ng magulang niya sa yo at marami sa kababaihan sa bansang ito ang ayaw sumuway sa gusto ng magulang. Ilan lamang yan sa mga daan-daang “Do’s and Don’ts in Taiwan,” ang bagong libro ng British author na si Steven Crook.

Sa mahigit na 200 pages, tinalakay ni Crook ang iba’t-ibang aspeto ng buhay sa Taiwan at gumawa siya ng mga guidelines sa mga foreigners na naninirahan dito. May chapter tungkol sa mga guidelines sa pagpasok ng bansa, pagkain sa mga restaurant, pagbibigay ng regalo, love and courtship, holidays and festivals at marami pang iba. Very informative ng libro bagama’t dahil nga sa hindi Asian si Steven Crook, na s-shock sya sa ilan sa kanyang mga obserbasyon tungkol sa mga Taiwanese na sa ating mga Pilipino ay ordinaryo na lamang. Halimbawa, gulat na gulat siya na marami daw sa mga batang Taiwanese ay basta na lamang umiihi sa mga ilalim ng puno. E sa atin, hindi lang bata ang gumagawa nun. O kaya bakit daw saksakan ng dami ng Taiwanese ang nahihilig magtatatambay sa mga KTV bars. Sabi ko sa sarili, subukan nyang tumambay sa Maynila at mas magugulat siya sa haba ng mga pumipilang Pinoy sa Music 21 at iba pang videoke bars.

Marami  sa mga paliwanag ni Crook tungkol sa buhay sa Taiwan ay enlightening. Halimabawa, madalas ko ngang mapansin sa mga temples dito sa Taipei na hindi gaanong solemn ang ginagawang pagsamba ng ilang Taiwanese. Mayroong ilan sa kanila na magkasabay na sumasamba at tsumitsika o kaya’y parang walang focus sa pagdarasal. Sabi ni Crook, sa Chinese societies daw, ang “orthopraxy” o ang tinatawag na “going through the motions” ay mas mahalaga kaysa “orthodoxy” o ang taimtim na pagdadasal.

Gusto ko ang unang chapter na sumasagot sa tanong na: “Who are the Taiwanese?” Sabi ni Crook, bigkasin mo raw ang tanong na: “Ang mga Taiwanese ba ay Chinese?” sa 12 tao at makakakuha ka ng apat na uri ng sagot. 1) Oo. Chinese ako. 2) Oo, pero bago yun, Taiwanese ako. 3) Proud ako sa aking Chinese culture pero gusto kong makilala ako ng mundo bilang Taiwanese. 4) Syempre, hindi. Ang mga Chinese ay galing China, at ang Taiwan ay hindi kasali sa China. Pagkatapos noon, nagbigay ng paliwanag ang author tungkol sa kasaysayan ng Taiwan at kung bakit may mga bahagi sa kanilang history na hindi pwedeng pag-usapan. Halimbawa, bakit bawal itanong ang kahulugan ng “3-19” o March 19, 2004 shooting incident sa mga Taiwanese? O ang “2-28”–February 28, 1947. Wala rin yang pinag-iba sa mga Germans. As much as possible, hindi na natin itinatanong sa kanila si Hitler at ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa mga Jews noong World War II.

Hitik sa impormasyon ang librong “Do’s and Don’ts in Taiwan” at tama lamang para sa isang katulad kong foreigner na naninirahan sa bansang ito ang basahin ang buong libro. Kakalungkot nga lang dahil sa page 35, paragraph four, nang tinatalakay ng author ang kalimitang pagtrato ng mga Taiwanees sa mga foreigners, may nakalagay doon: “A banker from the Philippines may not get treated quite so well as a 22-year-old-fresh-out-of-college English tutor from California, but he’ll certainly be seen in a better light than a Filipino maid or a Thai construction worker.  Many of the Filipino guest workers in Taiwan are college-educated professionals in their home country, but Taiwanese laws and prejudices restirct them to menial jobs.”

Napakasakit, Kuya Eddie. Kainis.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Entertainment, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to Do’s & Don’ts sa Taiwan

  1. agnes says:

    Kakainis nga dahil napapagkamalan akong maid diyan. Pero siguro kasi din minsan wala akong pakialam sa suot ko kasi nasanay ako dito sa Melbourne na walang pakialaman sa kasuotan. ganun pa man, na mi-miss ko pa rin ang Taipei:)

  2. hahahaha. at na-mi-miss din kita, agnes. ang dami pa natin sanang na-explore kung na-extend pa kayo ni rene.totoo ngang nakakainis pero ang take ko rin dyan, lahat namang mga lahi ay may bias talaga. depende na rin sa tao yan. so far, so good. di ko pa naman na feel ma-discriminate dito. knock on wood.🙂.

  3. Rey Manalo says:

    RM…hindi ko ma-feel kung pagmamalaki ba o simpleng pahayag ng pagka-dismaya sa asal ng marami mong kababayan, yung sinabi mong hindi lang ang mga bata ang umiihe sa lilim ng mga puno sa Pinas. at pati yung pagkahilig ng mga taiwanese sa videoke at nasabi mo ring baka ma shock pa yung author ng book kapag nakita niya kung gaano kahaba ang waiting sa nabanggit mong music 21 at iba pang videoke bars sa Pinas? anu-t-anuman, wag kang iihe sa salawal! 🙂

  4. hi rey! simpleng pahayag lang yun. di ako proud dun sa pag jingle natin sa tabi-tabi.🙂 ang ibig ko ring sabihin, kung mahilig kumanta ang mga taiwanese, palagay ko mas mahilig tayo. nasabi ko lang yun kasi British yung author at ang mga ordinaryong bagay para sa mga Asians ay kakaiba para sa kanya. wag kang mag-alala. wala pa naman akong prostate problem. hahaha. thanks for reading!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s