2 Iron Ladies

May dalawang pelikula akong inaabangan at biro ko nga sa mga ka-chat ko sa YM, karamdaman, kalamidad at kamatayan lamang ang makapipigil sa akin para panoorin ko ang dalawang pelikulang ito. Pareho halos sila ng titulo at tema at parehong ginampanan ng dalawa sa mga paborito kong  artista. Ang mga pelikulang “The Lady” na pinagbibidahan ni Michelle Yeoh at ang “The Iron Lady” na pinagbibidahan naman ni Meryl Streep ay parehong tumatalakay sa buhay ng dalawa sa pinakamakapangyarihang babae sa ating kontemporaryong panahon. Sina Aung San Suu Kyi ng Burma at si Margaret Thatcher ng UK. Mauunang ipalabas ang “The Lady” sa mga sinehan sa buong mundo sa katapusan ng Nobyembre.

Palihim na ginawa at shinoot ang pelikulang “The Lady” sa Thailand at Burma. May tentative title itong ” Freedom From Fear” dahil nga kontrobersyal ang tema ng buhay ng 1991 Nobel Price Winner na si Aung San Suu Kyi na noong mga panahong iyon ay naka house arrest sa mahigpit na military rule ng Myanmar. Sa ilalim ng direksyon ni Luc Besson, marami raw sa mga eksena sa pelikula ay totoong  footage ng mga nangyayari sa mga lansangan ng Yangoon, Burma. Noong June 22, 2011, na-deport si Michelle Yeoh dahil nabuking na ng mga military officials sa Burma na ang ginagawa  nilang pelikulang “Freedom from Fear” ay tungkol sa  buhay ni Suu Kyi at si Yeoh ang gumaganap sa papel ng dating lider ng Burma na hanggang ngayon ay nakikipaglaban para sa kalayaan ng kanyang bansa. Hindi na raw pwede pang bumalik si Yeoh sa Burma hanggang ang bansa ay nasa ilalim ng batas militar..

Sa kabilang banda, ang “The Iron Lady” naman na naka iskedyul ipalabas sa mga sinehan sa buong mundo sa December 30, ay tumatalakay sa buhay ng dating British Prime Minister Margaret Thatcher at ang mga pangyayari sa 17 araw patungo sa kontrobersyal na Falklands War noong 1982. Sa ilalim ng direksyon ni Phyllida Llyod, ngayon pa lang, ang pelikulang “The Iron Lady” ay nababalot na sa mga batikos ng mga kritiko dahil daw sa diumano’y hindi realistic na pagkakalarawan ng buhay ni Thatcher. Na hindi kataka-taka dahil gaya ng sinumang kontrobersyal na lider, may mga pros and cons ang lahat ng kanilang desisyon at depende na nga lang kung nasaang panig ka ng political spectrum, maaari mong mahalin o kasuklaman ang isang iron figure.

Parehong matindi ang ginawang paghahanda ng dalawang bida ng mga nasabing pelikula. Sa “The Lady,” matiyagang pinag-aralan ni Yeoh ang salitang Burmese para magmukhang realistic ang kanyang portrayal kay Suu Kyi. Nagpapayat din sya ng husto para maging kahawig niya ang payat at balingkinitang katawan ng Burmese leader. Sa kabilang banda, pinayagang manood at umupo si Streep sa House Commons para panoorin niya ang mga protocol at galaw ng mga miyembro ng British Parliament.

Naka-post na sa youtube ang trailers ng dalawang pelikula. See for yourselves at alamin kung bakit kailangang mapanood ng lahat ang 2 natatanging pelikula tungkol sa dalawang iron ladies ng Burma at United Kingdom.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to 2 Iron Ladies

  1. Permskee says:

    Oscar nomination for Michelle Yeoh, perhaps?

  2. sana nga. i certainly hope so.🙂

  3. likhakho says:

    Interesting movies. Want to watch. Like you, bilib rin ako sa mga strong women leaders. I hope gumawa ng movie rin about the IMF leader.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s