Taipei 101

Sabi ng mga kaibigan kong Taiwanese, sa susunod daw na may darating na malakas na lindol dito sa Taipei, ang pinakamagandang lugar kung saan malaki ang chance kong makaligtas ay kung nasa loob ako ng  Taipei 101. Ang building na minsang tinaguriang pinakamataas na gusali sa buong mundo (bago napunta ang titulo sa Burj Khalifa building sa Dubai noong 2010) ay may 101 floors at itinuturing na isang architectural marvel ng mga urban planners. Talagang ginawa syang matibay para hindi basta-basta mawasak ng bagyo at lindol. “Built in postmodern design, Taipei 101 is a landmark icon not only in Asia but all over the world,” yan ang nakalagay sa isa sa mga brochures promoting the building.

Paki-explain nga kako ng ibig sabihin ng “postmodern?” tanong ko sa mga kaibigan ko. I often hear the term but I don’t really understand what it means. Walang nangahas na mag-paliwanag sa akin. Come to think of it, sino nga ba ang nakakaintindi sa term na “postmodern?” Raise your hands please!

Mayroong 10 beses na siguro akong nakaakyat sa itaas ng Taipei 101, at bago matapos ang taon, aakyat pa ako siguro ng mga tatlo o apat pang beses kasi may mga ine-expect akong bisita na aking i-t-tour sa darating na mga holidays. Maganda naman talaga ang view kapag ika’y nasa itaas ng 101 building (ang view deck ay nasa 89th-91st floors kung hindi ako nagkakamali). Makikita mo ang buong siyudad ng Taipei at pag ikaw ay nagpunta sa gabi, parang mga iba’t-ibang makikinang na mga alahas ang mga city lights. Sa itaas, nagpapalit-palit ang kanilang mga exhibit every now and then. Malimit ay mga photo exhibit tungkol sa kasaysayan ng Taiwan o kaya’y ang mga magagandang tanawin na makikita sa buong isla. Mayroon ding gift shop kung saan pwedeng makabili ng mga iba’t-ibang souvenir items mula sa mga Chinese Buddhas hanggang sa mga popular na kakanin gaya ng pineapple cake na talaga namang pinipilahan ng mga turista.

Speaking of tourists, nitong mga nakaraang buwan, saksakan ng daming tao ang umaakyat para magpunta sa taas ng Taipei 101. Kalimitan ay mga 10-15 bus loads of tourists na galing Mainland China ang pumaparada sa tabi ng building. Lahat sila ay iisa ang pakay: ang makita ang view sa itaas ng 508.0 meters na gusali. Kung ang mga Pranses ay may Eiffel Tower, at ang mga Malaysians ay mayroong Petronas, ang mga Taiwanese naman ay may ipinagmamalaking Taipei 101. Sa katunayan, kasabihan nga na para kang hindi nagpunta ng Taipei kapag hindi mo man lang nasilayan ang Taipei 101 building.

Nung isang araw, nanaginip ako. Tourist guide daw ako at nag co-conduct ng mga walking tours sa Xinyi district ng Taipei kung saan nandoon ang Taipei 101. Daig ko pa raw sina Ivan Dy at Carlos Celdran habang ipinapaliwanag ko ang kasaysayan at salient features ng nasabing gusali. “This used to be called the Taipei World Financial Center and was built during the time of Chen Shui Bian’s term as city mayor,” ang buong giting ko raw sabi sa mahigit na 15 turista. Pagkatapos noon, nagising na ako.

“Uy, magandang raket yun, ah,” sabi ko sa sarili habang nag-iinat at humihikab. “Pwede!”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Taipei 101

  1. likhakho says:

    Magandang pangitain, Ronald! Type na type ko rin ‘yang trabahong ‘yan. Go! At bagay na bagay ‘yan sa ‘yo since you are well-read and well-informed. Bukod doon, eh magaling ka pang photographer so may extra pay pag magpapa-Kodak sa ‘yo ang iyong future clients.😉

  2. thanks, connie. talagang magka-align lagi ang ating mga hilig at gusto. everytime kasi akong umaatend ng mga group tours at may touris guide na nag-e-explain, lagi kong sinasabi sa sarili ko: i can do better than them! pero professional toursit guides here undergo training for one year. actually, naipagtanong ko na yan sa mga nagtatrabaho sa museums dito.hehe

  3. likhakho says:

    Ganun pala … may professional tests and qualifications pa … parang mga duktor at engineers … naku, eh hindi naman yan propesyon na matter of life and death (baka nga naman hindi ko nakikita ang anggulo na nakikita ng mga nag-decide na i-professionalize ito) … basta nakikita ko eh maligaya ako (“tayo” for that matter since isa ‘yan sa ating mga dream professions) na mag-share ng ating kaalaman tapos, yung mga turista naman eh natutuwa kasi may “value added” info silang nakukuha mula sa tourist guides. at kung tayo ang guides, am sure, may kasama pang lambing and comedy. o saan sila makakakuha ng guides na ganyan na kulang na nga lang eh dalhin ko pati portable toilets for my (our) clients’ convenience. Iba tayong mag-asikaso! Nakikita ko na ang ating service motto: Tried and tested tourist guides with free toilets everywhere you go! kulang pa sa punch😉 next time, babawi.

  4. marami akong pwedeng makwento tungkol sa mga tourist guides kasi sumasali ako dati sa mga walking tours ni ivan dy sa old manila noon. nakakwentuhan ko na rin ang ilang tourist guides sa palawan at interesting nga ang trabaho nila. i guess ang isang qualification nila ay dapat interesado ka talagang magturo at magbiyahe. may exam din sila before they become accredited guides ng DOT. pero yun na nga–career na yung ganong level. siguro tayo, mag p-practice muna tayong mag guide sa ating mga kaibigang dadalaw sa atin.🙂

    • likhakho says:

      That’s a good suggestion Ronald. Siguro pag di ako naging successful sa aking second career, back-up ko ito aside from my dream to have a soup-coffee-cookie shop. Kulang yata ang next 20 years for that. Anyway, good luck sa iyong “other” career. At least, you are already “in training”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s