The Adventures of Tintin

Ang unang sumagi sa aking isip nang nanonood ako ng “The Adventures of Tintin,” sa Vie Cinema dito sa Taipei ay ito: bakit wala akong nakikitang bata sa loob ng sinehan? Karamihan ay mga middle-aged people at senior citizens ang nakaupo sa loob ng punong movie theater. Hindi ito ang ine-expect kong audience para sa isang animated film na hinalaw sa comic strip ng Belgian artist na si George Remi (pen name: Herge). Limang minuto pa lang tumatakbo ang pelikula, naiintindihan ko na kung bakit malakas ang appeal ng bagong obra maestra ni Steven Spielberg sa mga middle-aged na taong tulad ko. Hindi exclusive na pambata ang appeal ng pelikula. Umiikot ito sa kwento ng batang journalist na si Tintin at ang kanyang pag-iimbistiga sa mga nawawalang kayamanan sa isang lumubog na bapor ilang daang taon na ang nakalipas. Ang pelikula ay naganap noong 1930s sa Brussels, Europe at punong-puno ito ng umaatikabong aksyon–habulan, agawan at bakbakan.

Sabi nga ng mga kritiko, pinaghalong “Pirates of the Caribbean” at “Raiders of the Lost Arc” ang “The Adventures of Tintin.” At totoo nga naman. Ang pagkakaiba lang, animation film ang pelikula ni Spielberg pero hindi ito basta animation. Hindi ko alam kung bakit patindi ng patindi na ngayon ang animation technology na parang iisipin mong totoo na talagang mga tao ang gumaganap. Kita mo na ang mga detalye: ang mga balahibo sa kamay ni Tintin ( boses ni Jaimie Bell) habang gumagalaw kapag nadadapuan ng hangin, ang mga kulubot sa mukha ng kontrabidang si Red Rackham (Daniel Craig) at libo-libo pang mga detalyadong bagay na napansin kong hindi lang ang mga ito iginuhit ng lapis at kinulayan ng pinta. Totoong nakakamangha.

At totoo ngang nag-react ang may mga edad ng Taiwanese na nanood ng “The Adventures of Tintin.” Pumapalakpak sila sa mga makapigil-hiningang eksena habang hinahabol ng mga kaibigan sina Tintin, ang kanyang alcoholic na kaibigang si Capt. Haddock at ang matalino niyang asong si snowy. Tumatawa rin sila at humahalak sa mga punchlines na dine-deliver ng mga characters sa istorya–patunay sa angking kagalingan ni Spielberg na maka-entertain ng mga tao.

Pero hindi lang yun. Kitang-kita sa buong pelikula ang sense of childlike wonder ni Spielberg habang hinahabi nya ang kwento ng mga pakikipagsapalaran ni Tintin. May isang mahabang eksena kung saan pilit na inaagaw ni Tintin ang mga sacred messages na nakasulat sa papel at nakaipit sa tuka ng isang ibon. Maka-pigil  hininga ang eksena dahil bagama’t alam mo naman na hindi mamamatay ang bidang si Tintin, ang makita siyang mabilis na nakikipaghabulan sa isang magulong Middle Eastern town ay talagang nakakapatalon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit wala akong pinapalagpas na pelikula ni Steven Spielberg. Kahit doon sa mga pelikula niyang hindi gaanong nag-hit, naaaliw pa rin ako.

Here’s the good news, ngayon pa lang, ginagawa na ang sequel ng “The Adventures of Tintin.” At ang bagong mag-didirek? Isa ko pa ring paborito. Si Peter Jackson ng “Lord of the Rings” at “Kingkong.” Di ba ang saya-saya?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s