Engot Moments

“Stan,” sabi ko sa kaopisina ko nung nagtatrabaho pa ako sa call center ilang taon na ang nakakaraan, “nawala na naman ang cellphone ko.”

“Ay naku,” sabi ni Stan. “What else is new? Isa lang ang masasabi ko sa `yo. Dala yan ng katangahan, katangahan, katangahan!”

Aray ko, talagang sinabi pa ng tatlong beses for emphasis. Oo na. Pagdating sa gamit, talagang may pagkatanga ako. Hindi lang may pagka….talagang tanga.

May 12 na yatang cellphones ang naiwala ko. Naiiwan ko ang mga ito sa taxi, sa tricycle, sa mga restroom, sa library at iba pang public places. Mga tatlong beses, nadukot ang mga ito sa MRT, sa jeep at sa bus. Syempre, sabi nga ng kaibigan kong si Stan, dahil daw yan sa angkin kong katangahan.

Kung 12 cellphones ang naiwala ko, i-multiply nyo sa tatlo at yun naman siguro ang bilang ng mga payong, susi at caps na naiwala ko na. At least mura lang ang mga yun kumpara sa cellphones.

May tatlong beses na rin akong nadukutan ng wallet. Ito talagang traumatic kasi di bale na nga yung cash (hindi naman talaga ako naglalagay ng malaking amount sa aking wallet). Pero yung mga IDs, ATMs, credit cards—yun ang hassle mawala kasi effort na malaki ang palitan ang mga ito. May time pa nga na kilala na ako ng teller ng bangko kasi pag nag-re-report ako ng lost ATM card, ang sabi nya: “…na naman?”

May isang beses pa nga, na-withdraw halos lahat ng laman ng isa kong ATM card! Sobra akong bumilib sa nakadukot ng aking wallet kasi paano nya nahulaan ang aking PIN? Tapos bigla kong naisip, birthday ko ang ginamit kong PIN. At ang birthday ko, naka-print sa aking company ID.

Ang smart ko, di ba?

Minsan naman, sa SM Megamall, nag-decide akong manood ng sine ng mag-isa. Alas tres yun ng hapon at ang next showing, mga 4:30pm pa. So ang ginawa ko, bumili na agad ako ng ticket para hindi na ako pipila ng mahaba. Ikot-ikot muna ako sa mall. Dumaan ako sa power books at nag browse sa mga libro. Nakinig din ako ng mga CDs sa record shop at nang tumingin ako sa relo, mag-fo-four thirty na. So balik ako sa cinema. Nang papasok na ako, hinanap ko ang ticket na binili ko. Ang alam ko nilagay ko ito sa wallet ko. Wala. Kinapa ko sa lahat ng bulsa ko. Wala rin! Hinalughog ko ang backpack ko. Shyet, wala nga!

Bili ulit ako ng ticket. Parang twice ko tuloy pinanood ang pelikula.

“Ang cute mo talaga!” Yan ang kalimitang sarcastic na remark ng aking mga kaibigan.

So one day, I decided to wage a war on my katangahan episodes. This series of unfortunate events has to stop! Yan ang sabi ko sa aking sarili. Ang una kong ginawa, naglista ako ng reminders para sa aking sarili at dinikit ito sa aking kwarto sa bahay at sa opisina. Sinulat ko rin ito sa aking planner. At minsan ay ginawa ko pang wallpaper ng aking cellphone screen at laptop. Nakalagay dun: “Don’t forget: Keys, umbrella, cellphone and wallet! Place them inside your bag—not on your pocket!”

Pinag hiwa-hiwalay ko ang aking cash para mawala man ang wallet ko, hindi malilimas lahat ng pera ko. May pera ako sa bulsa, sa medias, at sa loob ng aking back pack. Iniiwan ko na ang ATMs at credit cards sa bahay kung hindi ko naman ito gagamitin.

At simula nga noon, nabawasan na ng malaki ang aking mga engot moments. Ang huli kong cellphone na nawala ay noong 2008 pa. Ang wallet, nung 2007. Dito sa Taipei, sa awa ng Diyos, ay wala pa naman akong katangahan incident.

Knock on wood!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Memories of Home. Bookmark the permalink.

3 Responses to Engot Moments

  1. likhakho says:

    Ay, type ko yata Ronald na magkaroon ng ganitong experience. Di pa ever ako nakawala ng kahit ano … kasi ba naman eh super checker ako, basta important, susi, cellphone at wallet, check-check maya’t-maya … the problem with my ka-ka-check, di ko ma-enjoy buhay ko! para mabawasan ang aking kaka-check eh nag-belt bag ako, well, nakatulong sa pagiging less praning.

    Pero now,mas madalas na akong mawalan not big things but forms na kelangan i-submit sa school ng anak ko eh ayaw na ayaw ko pa naman na nahingi ng bagong forms … pag nagiging madalas na ibig sabihin eh kelangan ko ng mag-declutter at kelangan kong mag-slow down sa aking activities kasi ibig sabihin di na ako maka-concentrate, wala ang isip sa ginagawa. Beep, beep na yun for me or another possible explanation for this is: talagang tumatanda na ako hehehe

    • hahaha. thanks, connie. dapat nga ang original title nito ay senior moments.🙂 naku marami pa akong experiences. nawalan na rin ako ng passport sa macau one time. sobrang comedy din yun. saka ko ikukwento.

  2. Jean Cabrera says:

    Nawalan na rin ako ng pitake kc ba naman yung bag ko e nadal palang maslash. nasa palengke ako at namimili magbabayad na ako nang makita ko ang aking bag na warat na, wala na rin ang pitaka. naroon pa naman ang aking kaisa-isang picture noon maggraduate ako ng college, hay, minsan kasi nakaktaranta. anyway ingat lang at tandaan lagi ang mga gamit natin, ok.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s