High Tech Kid

Ipagpaumanhin ng kung sinumang kumuha ng picture na ito kung nakopya ko ito rito sa aking blog. Kumakalat ito sa cyberspace at nakita kong naka-post sa aking Facebook home. Bukod sa pagbabasa ng libro, mahilig ako sa photography at nang makita ko ang picture na ito, napatigil at napamangha ako—hindi dahil sa maganda ang lighting at composition ng picture kundi ang dami nyang isinasalaysay na istorya. If a picture could paint a thousand words, libo-libo nang salita ang naipahayag ng larawang ito.

Hubo’t-hubad na bata na nakupo sa sementadong hagdan at may binabasa o may pinaglalaruan na laptop na nakapatong sa kanyang mga binti. Obvious na hindi well-off ang bata pero computer literate sya. Maaari pa ngang computer genius. Maraming “dualities” na makikita sa larawan: tradisyon at modernity; inosenteng pag-iisip at matalinong makina; ngayon at bukas; kayamanan ng impormasyon at karukhaan, pagbabago at di-pagbabago at marami pang iba.

Sa puntong personal, pinaalala ng picture na ito kung gaano na ako katanda. Nung bata kami, lata, bao ng niyog, karton, at saltik ang mga nilalaro namin. Black and white ang mga TV sets, koreo o snail mail ang pagpapadala ng mensahe. Hindi pa naiimbento ang salitang internet o cyberspace.Walang makakaintindi kung may magsasalita ng terms na gaya ng “gigabyte,” “blue tooth” at “pixels.”

Ang anak ng kaibigan ko, wala pang tatlong taong gulang pero marunong nang gumamit ng I-phone. Nakakatawag na siya sa kanyang ama kahit hindi pa siya matatas magsalita. Sa train station dito sa Taipei, nakasalubong ako minsan ng isang baby na nakasakay sa stroller at hila-hila ng kanyang ina. Pinaglalaruan ng baby ang I-Pad ng kanyang Mommy. Sabi ko sa sarili ko, in two to three years, naka-eyeglasses na ang batang ito.

Sa isang banda, natutuwa ako kasi ang mga batang gaya ng nasa larawan ay maagang na-e-expose sa makabagong pamamaraan ng information
technology. Sila ang mga future Bill Gates, Steve Jobs at Mark Zuckerberg ng mundo.

Sa kabilang banda, there is something about today’s kids that disturbs me. Nang minsang mabasa ko ang shoutout ng isang 7-taong gulang sa
Facebook na nagsulat na: “I hate this world. I wish I were in the Manga world,” labis akong nagambala. Sa internet café, may nakatabi na akong eight-year-old kid na ang ni-re-research sa cyberspace ay mga modelo ng kanyon at baril.

Na-de-deprive kaya ng mga high-tech gadgets ang mga kabataan ng kanilang kamusmusan? Na imbes na mag-enjoy at maglaro sila sa mga playground at park, sila ay nagmumukmok sa mga madidilim na mga sulok ng internet cafes? Oo nga’t kay bibilis ma-develop ng kanilang mga psychomotor skills, sumasabay rin kaya ang kanilang mga emotional quotient para lubusang ma-proseso ang mga
nangyayari sa kanilang mga buhay at kapaligiran?

Kahanga-hangang isipin ang kapangyarihan ng isang larawan para makaantig ng isip at damdamin.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Technology. Bookmark the permalink.

3 Responses to High Tech Kid

  1. Aida says:

    i agree with you ronald. my 2 y.o. niece, daig pa akong gumamit ng ipad, itouch at iphone (modesty aside). parang nagulat pa siya when she asked me if i have those stuff and i said no coz i don’t have money to buy them😉 hirap mag balanse sa bata ngayon. good thing that my niece is also into “play” and outdoor activities kaya di sya potato couch.

  2. tama ka ayds. ang gusto ko actually na i-imply e yung laki ng responsibility ng parents ngayon to guide their children given all these hi tech gadets and equipment. thanks for reading!

  3. Rey Manalo says:

    ganda yung topic. here, pwd nating balikan ang ating kabataan kung saan naka-asa tayo sa sinasabi ng ating magulang… mga solusyon sa mga bakit, paano at ano? pero sa panahong ito na kahit pintig ng puso ng fetus ay maari nang i-record, ano pa kaya ang kayang ikubli sa siyensiya sa panahong ito? may lie detector test na, kapag nagsisinungaling ang isang tao. may DNA na kapag pinag-dududahan ang pagkatao ng miyembro ng pamilya….pero katulad ng nasabi mo, RM, parang nawawala yung puso sa mga batang ito na maagang namumulat sa madyik ng teknolohiya. nakakatuwa na makita silang naglalaro gamit ang laptop pero sandali lang siguro ang katuwaang iyon, parang nakakatakot ng isipin yung mga kasunod pang pangyayari. manhid na puso, malikot na pag-iisip at magaslaw na pagtuklas. ahhhh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s