Going Green

Kapitbahay ko sa Paranaque sina Butch at Julie. Mag-asawa silang parehong galing sa corporate world. Si Butch ay dating nasa isang aquaculture firm at si Julie naman ay isang banker pero pareho silang nag-avail ng early retirement para ma-enjoy nila ang kanilang buhay, maaalagaan ang kanilang kaisa-isang anak at maggawa ang mga bagay na gusto nilang gawin sa buhay habang sila ay bata pa. Isa na doon ang mag home gardening. Tuwing umaga, habang papalabas ako sa subdivision namin, nadadaanan ko ang mag-asawang parehong abala sa pagdidilig, pagbubungkal ng lupa, pagwawalis, o di kaya’y pag-aalis ng damo sa kanilang maliit na garden.

Nodding acquaintance lang kami nung una, pero nang mabalitaan nilang editor at writer ako ng isang agribusiness magazine, tinatawag nila ako malimit para magtanong. Ano ba daw ang tamang pamamaraan ng pag-a-apply ng abono para mabilis na tumubo ang gulay? May alam ba daw akong paraan para masugpo ang sakit ng kanilang alagang orchids at anthurium? Saan ba nakakabili ng murang garden soil? Ine-explain ko sa kanila na hindi ako expert sa agriculture, pero tuloy pa rin sila sa pagtatanong. “Di ba UPLB graduate ka?” Tanong ni Butch. “E di alam mo siguro kung anong type ng soil meron kami sa garden?” Titingnan ko ang lupa nila at mabilis kong kakalkalin sa utak ko ang mga natutunan ko sa kolehiyo noong kumukuha pa ako ng crop science at horticulture. Paminsan-minsan, ang feeling ko ay nasasagot ko naman ng tama ang kanilang mga tanong pero paulit-ulit kong sinasabi na mas maiging sa totoong agriculturist sila magtanong, dahil yung konting nalalaman ko sa agrikultura ay base lamang sa mga naiinterbyu kong  farmers.

Naging interesado ako sa mga taong katulad nina Butch at Julie nang minsang magsulat ako at mag-research tungkol sa urban agriculture na cover story ng magasin namin. Dito ko nadiskubre na sa Maynila pala, unti-unti na ang bilang ng mga taong nag-a-avail ng early retirement para maging farmers. Yung iba, nagsisimula lang magtanim ng kamatis sa paso, hanggang sa tatamnan na nila yung kapirasong lupa nila sa likod ng letsugas. Yung iba naman, hobby lang daw para sa kanila ang farming sa una, hanggang sa maghahanap na sila ng kapital o kasosyo upang magsimula na ng kanilang maliit na farm. Ngayon, nagbebenta na sila ng gulay sa mga weekend markets sa Taguig.

Nasulat ko ito kasi mahigit na 20 taon na akong nagsusulat tungkol sa agriculture at parati kong tinatanong ang aking sarili kung bakit sa dinami-dami na ng aking mga nainterbyu at nakausap tungkol sa paghahalaman, hindi ko pa ito talaga nasusubukan.  Inaamin kong sa loob ng 20 taon, pinilit kong ibahin ang aking mundo subali’t tila pilit akong ibinabalik ng kapalaran sa agrikultura. Lahat ng mga taong nakikilala ko lalo na dito sa Taiwan ay may kaugnayan sa farming. Mayroon sigurong ibinubulong ang Diyos sa akin.

Hindi ko alam ang konkretong mensahe ng mga maliliit na agriculture stories na aking nakakalap sa simple kong buhay, pero sa gitna ng mga malalaking isyu ng ating panahon–ang climate change at global warming, ang carbon emissions at kakulangan natin sa tubig, food safety at food security, siguro nga ay may dapat akong gawin.

Kaya sinimulan ko ang pagkukwento tungkol kina Butch at Julie dahil para sa akin, nakaka-inspire ang kanilang ginagawa. Isang araw, sabi ko sa sarili, magiging farmer din ako at masusulat ko ng buong-buo ang intrinsic joys of tending a farm. Kahapon, sino-sort ko sa aking email inbox ang mga personal na email na aking natanggap nitong taon at nabuksan ko ang lumang mensahe nang isang dati kong ka-klase sa college na ngayon ay naninirahan na sa Amerika. Sabi niya, nang pumalo na daw siya sa edad na 45 , ang isa sa tunay na nakapagpapaligaya sa kanya ay ang pagmasdan ang mga lumalaki niyang halaman sa kanyang maliit na garden sa California. “I find such peace in seeing my garden grow. Let’s all go green,” yan ang kanyang pagtatapos.

I truly agree. Let’s all go green.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Going Green

  1. Rey Manalo says:

    talagang masarap pagmasdan ang itinanim mo na tumutubo at unti-unting lumalago, RM. lalo na at aanihin mo na ang bunga ng iyong pananim. dito sa atin napakadaling magpatubo ng halaman dahil maganda ang ating lupa. yung iba naman, kasi daw, green thumb yung nag tanim. di ko masyadong pinapansin yung ganun. kasi kahit pa lahat sa kanya green kung di maganda yung lupa, hindi rin uusbong ang binhi para tumubo hanggang lumago. 🙂

  2. salamat, rey. mukhang may hardin ka ring inaalagaan ah.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s