10 Dahilan Kung Bakit Dapat Kayo Magpunta sa Noel Bazaar

Simula nang magsimula ang Noel Bazaar mahigit na sa isang dekada ang nakaraan, minsan o dalawang beses lang yata akong pumalya na hindi nakapunta dito. Sa katunayan nung mga unang taon na ginanap ito sa may Makati Polo Club, sumali pa ako one time bilang isa sa mga tiga benta ng bag at women’s bracelets kasama ng aking mga kaibigang sina Anet at Rainy. Dumaan ang mga taon at nakita ko kung paano lumaki ng lumaki ang Noel Bazaar. Ma-mi-miss ko ang pagpunta rito ngayong taong ito dahil naging bahagi na ng aking X’mas routine ang dumaan sa Noel Bazaar at mamili. Kaya gusto kong hikayatin ang lahat na nagbabasa nito na magpunta kayo sa Noel Bazaar ngayong taon. Eto ang mga dahilan:

  1. Kung kayo ay tulad ko na ayaw ma-stress sa pamimili ng regalo ngayong Pasko, aa Noel Bazaar na kayo magpunta. Lahat ng kailangan nyo mula X’mas decors to gift items, corporate give aways, hanggang sa handa ninyong pagkain sa mga X’mas parties at Noche Buena, nasa isang lugar na. Hindi nyo na kailangang magpalipat-lipat ng mall na sa totoo lang ay aksaya sa energy, oras at pera.
  2. De kalidad ang mga produkto. Hindi nyo makikita sa mga ordinaryong mall ang mga gift items na narito. Pramis. Saksi ako kung paano pinili, sinala at dumaan sa butas ng karayom ang mga concessionaires dito. Discounted pa ang presyo kumpara sa mga regular outlets nila.
  3. Mura ang mga damit at sapatos. Hindi ako nag-e-enjoy bumili ng mga damit at sapatos pero sa Noel Bazaar, na-e-enjoy ko siya kasi convenient para sakin dahil andun na lahat. May ATM doon so pag naabusan ka ng cash, madaling mag-withdraw.
  4. Mas secured ang feeling mo na namimili ka sa World Trade Center kumpara sa Divisoria, Tutuban o Greenhills na huwag ka lang malingat ay wala na ang pitaka o cellphone mo.
  5. Accessible. Of course am speaking for myself. Tiga Paranaque ako kaya madali lang sa aking pumunta sa World Trade Center. Pero kahit pa dalhin yan sa QC o sa ibang area, pupuntahan ko pa rin ang bazaar na ito.
  6. Ito ang bazaar na dinudumog maski ng mga celebrities so kung mahilig ka sa mga artista, value-added na yun. You can shop while seeing stars!
  7. Sarap ng pagkain. Sa tulad kong mahilig kumain, andito na lahat ng masasarap ng pwedeng matikman mula sa X’mas hams hanggang sa gourmet tuyo. Pag dating ko ng bahay at may bitbit akong kakaibang food products, alam ng mga kasamahan ko sa house na namili ako sa Noel.
  8. Nakaka-haggle ka sa presyo. Ito kanya-kanyang diskarte na. Ang tip ko, subukan nyong mamili kapag papasara na ang bazaar. Marami sa mga produkto doon ay ayaw ng iuwi ng may ari ng stalls so bagsak presyo talaga.
  9. Courteous at accommodating ang organizers nila. Hindi katulad sa ibang bazaar na susungitan ka o di papansinin kapag may ini-inquire ka.
  10. Yung entrance fee mo, alam mong napupunta rin sa kawang gawa. In effect, you are shopping for a cause.

Kaya mga tsong at tsang, mga kaibigang balikbayan o sinumang mapapasyal sa Maynila ng Nov. 18-27, daan kayong “Noel Bazaar” sa World Trade Center. Kung di naman kayo aabot, meron pang sequel yun sa Dec. 9-18 sa PICC Forum Tent.

To  my  CUT Unlimited friends,  I miss all of you!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Events, Memories of Home. Bookmark the permalink.

One Response to 10 Dahilan Kung Bakit Dapat Kayo Magpunta sa Noel Bazaar

  1. Aida says:

    thanks for the kind words ronald. mami-miss ka namin this year. added feature pa ng bazaar ang celebrity ukay-ukay sa picc forum (dec. 9-18) where the shoppers can buy “worn” clothes and “used” shoes/bags ng mga celebrities, not only from kapuso but also mga kapamilya at kapatid😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s