“Committed”

Kahit sa kanyang naunang bestseller hit na “Eat. Pray. Love.,” kapansin-pansing may mga mabibigat talagang issue at hang ups si Elizabeth Gilbert sa kanyang buhay. Sa sumunod nyang libro na “Committed,” na sequel ng kanyang naunang libro, mas naging pronounced ang mga issues na ito.

Kung familiar kayo sa ending ng kwentong “Eat. Pray. Love,” (o kung napanood ninyo ang movie version  nito na pinagbidahan ni Julia Roberts), maaalala ninyong pagkatapos ng isang taong paglalakbay, pagdadasal, pag-me-meditate at pagpapakasasa sa pagkain, nakilala ni Gilbert sa Indonesia si Felipe, isang Brazilian na divorcee na eventually ay naging lover nya. Sa librong “Committed,” napagkasunduan nina Liz at Felipe na hindi sila magpapaksal, hindi sila magkakaanak at magsasama na lang sila sa Amerika. Kaso, sa pagpunta nila sa Amerika, naharang ng US Homeland Immigration Office si Felipe at sinabing hindi na siya pwede pang pumasok sa Amerika. May technical fault sa kanyang visa status at ang paraan lang daw para muling makapasok si Felipe sa Amerika ay ang magpakasal siya kay Gilbert.

Up to this point, maganda pa ang takbo ng salaysay ng sikat at premyadong author. Pero sa mga sumunod na chapter kung saan naglagalag ulit ang dalawang lovers sa Southeast Asia, naging dragging na ang kwento ni Gilbert dahil sinimulan na niyang isalaysay ang kanyang mga research findings tungkol sa kasal: kung papaano ito nagsimula; ang iba’t-ibang rituals ng kasal sa buong mundo, maging ang relasyon ng mga ibong tulad ng seagulls na ang sabi ni Gilbert ay siya daw “bedrock ng psycho-biological differences” ng mga tao. Naging text bookish na ang kanyang diskusyon at minsan nga, ang pakiramdam ko, ang tangi lang kino-convice ni Gilbert sa kanyang mahabang explanasyon tungkol sa marriage at commitment ay ang kanyang sarili. Hindi siya kasi naniniwala sa kasal at ayaw niyang magkaanak—bagay na kahit paulit-ulit niyang sinabi ay di ko rin gaanong “masakyan.”.

Sa tingin ko, masyadong na-intellectualize ni Gilbert ang topic ng commitment gayong sa aking palagay  ay simple lang naman ito. Kung nagmamahalan ang dalawang tao, nagpapakasal sila. Di ba’t ganun lang `yun? Pero para kay Gilbert, hindi raw ganung ka-simple yun. Bago siya mag-commit, kailangang maintindihan muna niya ang relasyon niya sa nanay niya. Nag-devote siya ng isang chapter tungkol dito at ang kanyang konklusyon, hindi niya kaya ang ginawang sakripisyo ng nanay nya para ma-workout ang isang marriage. Sa katunayan, hanggang ngayon, di pa rin daw niya maipaliwanag ng lubusan kung bakit naging isang failure ang una nyang marital commitment.

Bagama’t marami rin namang magagandang insights si Gilbert tungkol sa marriage, commitment and relationships, kalimitan ay naguguluhan ako sa kanyang mga argumento. Marahil nga ay dahil sa marami siyang mga issues at insecurities kaya’t bagama’t napaka-articulate niyang tao, hindi pa rin niya ma-clarify ang mga multo na tila nag-b-block sa kanyang kakayahang mag-commit.

Finally, sa katapusan ng libro kung saan nakapag-commit na nga sina Liz Gilbert at Felipe, parang nakahinga na rin ng maluwag ang kanyang mga readers dahil matapos niyang i-discuss ng pagkahaba-haba ang kanyang mga agam-agam tungkol sa pagpapakasal ay nag-take din siya ng risk para subukan muli sa pangalawang pagkakataon ang scaramento ng kasal.

Habang binabasa ko ang librong “Committed,” paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili kung bakit hindi na lang humanap si Gilbert ng professional help para mas nalinawan niya ng maigi ang kanyang mga issues sa buhay. Ang feeling ko lang, she could have saved a lot of time and money if she had sought a therapist to understand herself better. Pero kumabaga sa taong may mga nararamdamanang sakit sa katawan, nag self-medicate siya imbes na tumakbo sa doktor upang matukoy kung ano talaga ang ugat ng kanyang karamdaman.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

2 Responses to “Committed”

  1. Permskee says:

    Parang death ang turing niya sa marriage – masyado niyang ino-over analyze. Cultural practices, view of life after-death…near death experience..o di kaya near-marriage experience – nabitin, nadala, natakot…

    …kain uli tayo.

  2. likhakho says:

    Agree na agree ako sa iyong last paragraph Ronald. Therapist ang kelangan niya kaya lang baka kasi wala siyang pambayad kaya nagsulat muna siya ng libro … siguro, by now, she is financially prepared to pay for a therapist for her and for her Felipe. BTW, until now unfortunately, di ko pa nababasa ang aklat or napapanood itong movie. Aywan ko, I guess my life is more than enough to handle at hindi ko pa kelangan ng isa pang storya na baka mabaliw ako sa kaiisip sa kanyang mga commitment issues.😉 Supladita yata ako.😉 Nagiging true lang po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s