Toast

Friendly warning: huwag kayong manonood ng pelikulang “Toast” kung kayo ay gutom. Chances are, mapapakain kayo ng todo pag natapos nyong panoorin ang pelikulang dinirek ni S.J. Clarkson base sa autobiography na pinamagatang “Toast: The Story of A Boy’s Hunger.” Ang nasabing memoir ay sinulat ni Nigel Slater, isang kilalang food writer at TV cooking show host sa UK. Ang buong pelikula ay tumatalakay sa buhay ni Slater—ang kanyang kabataan, ang kanyang pamilya at higit sa lahat, ang love affair nya sa pagkain.

Imbes na mga girlie magazines ang pinagkaabalahang siyasatin ni Slater sa ilalam ng mga bed covers nung siya’y nagbibinata, cookbooks ang kanyang nakahiligang basahin sa ilalim ng ilaw ng flashlight. Kapag nakakatikim siya ng masasarap na ulam, para siyang nag-o-orgasm. Langit sa kanya ang pagluluto at sa school, siya lamang ang katangi-tanging lalaki na nag-enroll sa home economics class kahit pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklaseng babae.

Nang mamatay ang ina ni Slater (ginampanan nina  Oscar Kennedy at Freddie Highmore) dahil sa lung ailment, nagkaraoon ng relasyon ang kanyang biyudong ama (Ken Slott) sa kanilang cleaning lady (Helena Bonham Carter), na eventually ay naging stepmother ng promising chef. Ang siste, napakasarap ding magluto ng stepmother ni Slater kaya naging malaking kompetisyon para sa kanya at ng kanyang madrasta ang pagluluto. Nakakatawa ang mga eksena kung paano palihim na dinidiskubre ng batang si Slater ang lemon pie meringue recipe ng kanyang stepmother at kung paano siya nag-e-eksperimento para makagawa ng kanyang sariling bersyon ng nasabing recipe.

Kung familiar kayo sa pelikulang “Billy Elliot,” kapansin pansin ang pagkakapareho ng kwento nina Billy at Slater. Uminog nga lang ang buhay ni Billy sa daigdig ng ballet classes samantalang si Slater ay umikot ang mundo sa kusina. Tamang tama, nang aking i-check, si Lee Hall, ang screenwriter ng “Billy Elliot,” ang siya ring sumulat ng screenplay ng “Toast”

Entertaining ang buong pelikula dahil marami mang angst at issues si Slater sa kanyang kabataan, light ang treatment ng kanyang kwento. Labis ding nakakaaliw panoorin ang passion at obsession ng isang tao sa pagkain at ang pagluluto ng mga ito. Ang nakakapaglaway na mga potahe at ang katakam-takam na mga desserts ay napakakulay na pinakita sa pelikula. Higit sa lahat, malinaw ding naipaabot ang mensahe ng papel ng pagkain sa ating buhay, hindi lang para ma-nurture ang ating mga katawan, kundi para maranasan din natin ang pleasures of eating at ma-uplift din ang ating mga spirits. Marami sa mga eksena sa pelikula ang tumutukoy sa popular na kasabihang: “The way to a man’s heart is through his stomach.”

Syempre, on a more personal note, dahil mahilig talaga akong kumain at magluto, hindi kataka-takang nag-enjoy akong panoorin ang pelikulang “Toast.” At huwag nyo na ring itanong kung kumain ba ako ng marami after watching the movie dahil alam nyo na ang sagot.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Movies and tagged . Bookmark the permalink.

2 Responses to Toast

  1. Rey Manalo says:

    ay, panoorin ko nga iyan. mahilig din ako sa pagluluto. pero sariling recipe lang. minsan sinusubukan ko yung nakikita ko o naririnig na pinag-uusapang recipe. madalas naman ay pumapasa sa panlasa ng mga kasambahay ang niluluto ko lalo at pinamili kong mag-isa yung niluto ko…may hirit na isa pa nga pagkatapos kumain. masarap nga kaya ang luto ko o dahil nalibre na naman yung mga boarders ko ng isang meal? hhmmmm.

  2. hahaha. am sure masarap kang magluto!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s