Stinky Tofu

Tinatawag itong chou doufu ng mga instik pero para sa mga foreigners, kilala ito sa tawag na stinky tofu. Stinky, kasi ayun nga—malayo pa, amoy mo na ang alingasaw ng parang nabubulok na basura. Fermented kasi siya at hindi man ako culinary expert, palagay ko yung reaksyon ng kaniyang starter bacteria ang nakakakapagpatindi sa kanyang amoy. Minsan nang maamoy ko ito sa night market, pinikit ko ang mga mata ko para ma-visualize ang aking naaamoy. At ang pumasok sa isip ko: mga lamang loob ng baboy o baka na nabubulok. Marami pa akong pwedeng makwento tungkol sa naiisip ko kapag naaamoy ko ang stinky tofu, pero hindi na siya wholesome at printable. So, let’s move on.

Sa kabila ng kanyang nakakasulukasok na amoy, pinipilahan dito sa Taipei ang stinky tofu. Mabentang-mabenta. Ang feeling ko, parang durian din yan: smells like hell but tastes like heaven. Sa katunayan, ngayong taon, diniklera siyang pang 41 sa 50 pinakamasarap na pagkain sa buong mundo ayon sa CNN.go. O, ha. CNN na ang nagsabi nyan. May credibility.

So ako namang si curious, pinangako ko sa sarili na one of these days, titikman ko yang stinky tofu na yan. Actually, natikman ko na siya more than 10 years ago at hindi ko gusto ang lasa niya. Pero sabi ko sa sarili, baka naman may innovation nang ginawa sa pagluluto ng stinky tofu. At saka mas open minded na ako ngayon sa mga exotic food. Kaya nang minsang maimbitahan ako sa isang official function sa isang restaurant kung saan isinerve ang stinky tofu, sinamantala ko na ang pagkakataon para husgahan ang lasa ng stinky tofu. Malayo-layo pa ang waiter ay amoy ko na ang alingasaw ng kontrobersyal na pagkain. Walang pagbabago. Pero ang ginawa ko, sa bibig ako huminga at hindi sa ilong.

Sinerve sya ng may sabaw sa isang maliit na soup bowl. Kumuha ako ng kapirasong slice ng tofu gamit ang chopsticks at dahan-dahan ko itong sinubo. Kung nakakapagsalita ang tastebuds ko, ganito ang kanyang sasabihin: Aba, may innovation nga. Nung una ko siyang tinikman, wala siyang anghang. Ngayon, meron. At kumakagat sa dila ang anghang! Maalat-alat siya na maasim-asim. May kakaiba nga siyang flavor. At ang texture ng tofu mismo, malambot. Almost creamy nga. Pero, sorry, lasa pa rin ang amoy. Di ba super high tech itong mga Taiwanese? Wala bang technology na makapagpapatanggal ng amoy niya?

Pagkatapos noon, na-realize ko na tulad ng ating bagoong, dinuguan at tuyo, ang stinky tofu ay hindi “nasasakyan” ng lahat sa simula. Lalo na ng mga foreigners. Acquired taste yan. So ang aking verdict, pwede ko naman siyang “masakyan” pero hindi ko siya hahanaphanapin. Kung andyan siya at kasubuan na, go. Kakainin ko siya. Pero kung madadaanan ko siya sa palengke o makikita sa mga menu sa restaurants, hindi ko siya oorderin.

Ganyan din ang sinabi ko sa durian noon pero tingnan nyo naman, durian lover na ako ngayon.

Eto ngayon. Isa ako sa mga Pilipino na hindi kumakain ng balot. Pakiramdam ko kasi, cannibal ako pag kumakain ako ng ibon na minsan ay nararamdaman ko pa ang balahibo. So ang tanong ko sa sarili. Between stinky tofu and balot, ano ang preferred kong kainin?

Walang duda: stinky tofu!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Stinky Tofu

  1. Permskee says:

    HInde ka pala kumakain ng balut? hahaha! Favorite ko ito nung nasa elementary pa ako. My Mom’s cousins in Compostela Valley has the biggest balut factory in the province. Eat-all-you Balut palagi run tuwing dumadalaw kami. My uncles will pass on to me yung chicks – pero it’s so tiny kaya easy to swallow. I remembered eating 15 pieces of those. Hahaha.

    As for the stinky tofu…I can imagine sing-bantot ng moldy blue cheese.

    Your verdict on the stinky tofu is similar to mine when it comes durian…pwede ko naman siyang “masakyan” pero hindi ko siya hahanaphanapin. Amen.

  2. Rey Manalo says:

    RM. text mo daw kung reply pa!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s