Si Aling Meding

Quiapo, Manila, 2007—Bumili ako ng mga pirated DVDs at napadaan sa simbahan ng Quiapo upang magdasal. Mga 5 o 10 minutes lamang ako sa loob ng simbahan. Matapos kong magpasalamat sa mga biyaya at humingi ng guidance sa Diyos ay naglakad na ako palabas upang mag-abang ng jeep pabalik ng Pasay, Rotonda. Sa aking paglalakad, napadaan ako sa hanay ng mga manghuhula. Kahit kelan, hindi ako na-engganyong magpahula. Bukod sa hindi ako naniniwala sa kanila, lagi kong sinasabi sa sarili kong mas gusto kong tahakin ang misteryo ng buhay ng walang nagsasabi sa akin kung ano ang mangyayari. Dapat laging may element of surprise. Yan ay hanggang tawagin ako ni Aling Meding.

“Oy, halika, pahula ka!” sabi ng matandang babae na sa isang tingin ko pa lamang ay para akong nagayuma. Tumigil ako.

“Magkano ho?” ang mahinahon kong tanong.

“Singkwenta lang, may libreng dalawang tanong.”

Nag-hesitate ako ng ilang sandali kasi bigla kong naisip na kakatapos ko lang magdasal sa simbahan at heto ako’t iaasa ang kapalaran ko sa isang matandang babae. Hindi ba kasalanan yun? Pero may angking charisma ang manghuhula. Expressive ang mga mata niya at ang unang sumagi sa isip ko ay pwede syang maging mahusay na dramatic actress.

What the heck. Trip lang. Don’t take it seriously. I only live once, sabi ko sa sarili habang umupo ako sa isang maliit na bangko at tumabi sa matandang babae na nagpakilala sa akin. “Ako si Aling Meding,” sabi niya. “Kanina pa kitang napansin nung lumabas ka ng simbahan. Ano bang gusto mo? Baraha o babasahin ko ang kamay mo?”

“Pwede ho bang pareho?” tanong ko.

“Aba, pwede. Tutal, matumal naman ang customer ngayon. O, eto, i-cut mo ang baraha.”

Tarot cards ang nilabas ni Aling Meding at hinati ko nga ito sa dalawa. “Isa pa,” utos ng manghuhula. Tapos, pinapili niya ako ng tatlo pang baraha. Nagkaroon ng mga 15 seconds of silence. Binasa ni Aling Meding ang baraha.

“Nakapag-abroad ka na,” una niyang sinabi. Nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita. Nakaka-impress ang una niyang basa kasi imbes na prediction ang kanyang sinabi, binasa nya ang aking nakaraan.

“Tama ba o hindi? Ang sabi dito, ang lapit-lapit lang sa Pinas,” pahayag ni Aling Meding.

“Tama po,” sagot ko. And mentally, I took note. Between 1998 and 2002, nasa Taiwan ako.

“Babalik ka dun. Tandaan mo yan. Hindi ako maaring magkamali,” sinabi ni Aling Meding with certainty.

Pagkatapos noon, sunod-sunod na ang hula niya. “Ang lalim mong masaktan. Ang tindi mo ring magalit. Pag-ingatan mo ang puso mo.”

Aba, this is getting interesting, sabi ko sa sarili. Literal ba o figurative ang kaniyang ibig sabihin? Hindi ako nagtanong.

“Marami kang kinakaing bawal. Mag-ingat ka rin kasi baka yan ang maging problema mo. Ang kalusugan mo. Medyo, na-turn off ako rito kasi cliché na para sa isang manghuhula ang sabihing “pag-ingatan mo ang kalusugan mo.” Hindi ba kung sa equation ay given na yun? Pero ang sumunod nyang sinabi ay nakaka-impress na naman.

Marami kang kaibigan pero mabibilang lang ang totoong nakakakilala sa `yo.”

Parang gusto kong sumigaw ng “Waaahhh! Tama na!” Sa katunayan, at one point, ang akala ko’y nasa “Wow Mali” TV show ako at biglang magpapakita ang cameraman at producers ng show. Pero tuloy-tuloy lang si Aling Meding. Actually, nalimutan ko na ang iba pa niyang sinabi kasi parang bina-block ko siya sa aking isip. Kasi nga, ayokong seryosohin si Aling Meding.

Ang naaalala ko lang ngayon, sabi niya na tubig daw ang signos ko kaya mag-iingat akong tumawid sa mga ilog at dagat. Mabait daw ako kaya maraming mag t-take advantage sa kabaitan ko. Marami raw akong mapupuntahang lugar at sa mga darating daw na taon, kakailanganin kong mag-decide kung sa Pilipinas o sa abroad ako mamamalagi.

Hindi na ako nakapagtanong. Ang naaalala ko, imbes na fifty pesos, dinagdagan ko ng trenta pesos ang bayad ko kay Aling Meding. Nagpasalamat ako at umalis.

Ang totoo nyan, nung una kong narinig na may job opening dito sa Taipei nung unang bahagi ng taon, si Aling Meding ang unang pumasok sa isip ko. Nang matanggap ako sa trabaho rito, naisip ko ulit si Aling Meding. Pag nakukuwento ko ito sa mga kaibigan ko, mixed ang reaction na nakukuha ko. Mayroong nagsabing may sa demonyo daw si Aling Meding. Nasa Bible raw yun. Beware of false prophets. May nagsabi naman na naging instrumento daw si Aling Meding para nga basahin ang kapalaran ko.  May limang taon na ang nakakaraan simula nang magpahula ako sa Quiapo at hanggang ngayon, naiisip ko pa rin si Aling Meding. Nasaan na kaya siya?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Memories of Home, Personalities, Reflections. Bookmark the permalink.

11 Responses to Si Aling Meding

  1. Rey Manalo says:

    ikaw pala yung nakita ko dun? hahahaha! RM, ayaw ko magpahula dahil ayokong may iisipin akong mga signos at mamamahay sa puso ko ang takot. basta’t dito sa buhay ko, lakad lang ako ng lakad. kung saan may bukas na kalye, pupuntahan ko. and habang naglalakad ka, may sangandaan kang makikita. pipili ka na naman ng tatahaking landas…at kapag hindi mo nagustuhan ang daan pwd kang bumalik na hindi paatras ang hakbang kundi pasulong pa rin! a blessed sunday!

  2. Tama ka, Rey! Iyon ay minsang “trip” lang na ayaw ko nang ulitin. Mas maganda ang dinidiscover mo ang buhay mo ng walang nagsasabi kung anong mangyayari🙂

  3. Connie says:

    Hi Ronald. Nag-enjoy naman ako basahin ito. Ano ka ba! Na-inspire mo akong mag-blog … ayan, baka pag magaling na pneumonia ko eh, mag-blog na ako, finally! Though mas type ko talaga mag-journal lang.

    Tungkol sa mga manghuhula … ay naku, pareho ang feeling natin sa kanila … personally, I think these are people who are good at reading faces … it is a skill so ako talaga, di ako masyadong nagpapaniwala dyan at wala pa rin akong experience na magpahula ever since the world began. Kahit tingnan kita eh ganun rin sasabihin ko.

    Pero glad to know you are a member of the HSPs … highly-sensitive people of which am also a “member” of.😉

    BTW, sulat ka pa ng marami ha (cough-cough-cough).

    • Salamat, Connie! Mag-blog ka na rin. Follow kita.🙂 Nasa Japan ka pa ba o nasa Pinas na?

      • Connie says:

        Andito pa rin sa Land of the Rising Sun, fortunately or unfortunately (di ko ma-tell kung alin sa dalawang feeling ang na-fe-feel ko ngayon).

        Eto pumuputi buhok ko at masakit ulo kasi matagal na ‘kong di maka-express ng sarili sa pagsusulat (kasi naiingayan ako sa aking paligid though there are coffeeshops around town pero timatamad lately lumabas) kaya nga maybe blogging is the answer. baka nga i-title ko eh plus ten, minus ten (life in Japan after 10 years). ayoko ng positive lamang na perspective, gusto ko honest, truthful and balanced reporting este blogging (o ayan nag-quote pa ng journ prof).

        Kakabasa ko lang sa stinky tofu mo. natawa ako dun sa part about your personal take on why you do not like to eat durian and then, in the end … what you really, really hate is what you really, really love.

      • hahaha. basta aabangan ko blog mo, connie. believe me, it has its intrinsic merits🙂

  4. ruel says:

    hahanapin ko nga yang si Aling Meding he he. ang galing ng mga istorya…

  5. Nymfa Aranas says:

    hi ronald! may counterpart din ang mga “manghuhula” sa Christians…. sila yung merong gift of prophecy. pero kailangan super close ka kay Lord sa prayer, worship, meditation and Bible reading, bago ma-exercise ito…. ako meron akong gift, pero masiyado bagito sa area na ito dahil sa kawalan ng disiplina… ouch…. kadalasan nakukuha ko lang ay mga dreams na nagkakatotoo…wala masiyado for the benefit of others.

    pero last wednesday, narevived ang aking spirit and i spent some time in the evening listening to worship songs and praying…. i don’t know pero ipinaalala ka sa akin ni Lord and i prayed for you…. tapos merong revelation that you are a “fertile soil.” nasa prable of the sower ang word na ito sa matthew. pero i don’t really know kung ano ang interpretation nito for you…

    from your perspective, how do you see yourself as a fertile soil?

    • hi nymfs. nakakaintriga naman ang message mo. thanks a lot for praying for me. “fertile soil?” gee, i dunno. but i’ve laways been praying that God uses me so that i can help people in need. salamat talaga.

  6. Jennyfer C Beredo says:

    Nagpahula na rin ako noong dalaga pa ako. sabi noong manghuhula mag-aabroad daw ako. napatagal na yun. ngayon ko narealized na totoo yun kasi nga narito na kami. pero nakakalungkot naman kasi hindi ko kasama ang anak ko. me totoo at meron hindi sa panghuhula pero ay bahagi na rin ng ating paniniwala at walang masama doon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s