Divorce: Taiwan Style

Ang nakikita nyong picture sa post na ito ay kuha ko sa harap ng Taipei 101. Malimit akong makakita ng ganitong eksena rito sa Taipei–mga grandeng production para sa wedding photos kasi dito sa Taiwan, big deal ang wedding photo albums. Gumagastos talaga ng daang libong dolyar ang mga Taiwanese para ma-preserve ang kanilang mga wedding memories. Pero nakakalungkot isipin na sa kabila ng ganitong wedding hype, ayon sa mga pag-aaral, next to South Korea, ang Taiwan ang may pinakamataas na divorce rate sa buong Asya.

Una ko itong narinig sa dati kong Taiwanese boss nang minsang mapag-usapan namin ang topic ng divorce. Sabi nya, dumarami nga raw ang bilang ng mga mag-asawang gustong makipaghiwalay sa Taiwan. At ang nakakagulat, marami sa mga naghihiwalay ay mga senior citizens. Bakit nagkaganun? Nag-research ako ng konti at eto ang aking mga napag-alaman. Mga 25% hanggang 30% ng mga marriages sa Taiwan ay nauuwi sa hiwalayan. Ito ay mahigit pa sa doble ng bilang ng mga naghiwalay sa  buong isla 10 taon na ang nakakaraan. Noong isang taon na lang, mahigit na 60,000 mag-asawa ang nag-file ng divorce. Ito ay 6% na mataas kaysa figure nung 2009. Ayon sa records ng Directorate General ng Budget, Accounting at Statistics ng Taiwan, 61% ng mga nakipaghiwalay ay hindi pa umaabot sa kanilang ika 10 anibersaryo bilang mag-asawa. Kung dati raw, ang tingin ng mga Taiwanese sa kasal ay panghabang buhay, hindi na ito ganoon ngayon. Ayon sa kanilang mga sociologists, normal na lang ang makipag-divorce sa bansang ito.

Bakit ito nangyari? Sabi din sa aking mga nabasa, habang nakikipagbuno ang mga Taiwanese sa kanilang kalayaang pampulitikal, ang mga kababaihan naman ay unti-unti nang nagdedeklara ng kanilang kalayaang pampersonal. Kalayaan sa kanilang mga asawang nangangaliwa, mga asawang itinuturing nilang walang kwenta at mga asawang wala na silang ka-respe-respeto. Aray! Sa madaling salita, naging empowered na ang mga Taiwanese housewives. So much so na pati ang mga senior citizens na babae na dati rati ay oo lang ng oo sa kanilang mga asawa ay naging palaban na rin! Marami nga raw sa mga matatandang Taiwanese housewives ang biglang nagkakaroon ng epiphany na maigsi lang ang buhay at kailangang habang humihinga, gawin na ang mga bagay na makakapagpaligaya sa kanila. Hence, the continuous filing of divorce cases in Taiwan.

Dalawang linggo lang ang nakakaraan, nakilala ko si Mr. Liu (hindi tunay nyang pangalan) sa isang meeting. Thirty years old pa lang siya at nang itanong ko kung may asawa na siya, ang sagot niya ay: “Yes. I have been married for ten days.”

Bago pa man ako maka-react, sinundan pa ni Mr. Liu ang kanyang sagot: “But don’t ask me if I’m happy because I am not. I think I made the greatest mistake of my life by marrying my wife.”

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung papaano ako mag-re-react kasi hindi ko naman ka-close si Mr. Liu pero sinasabi na nya ang mga napaka personal na bagay tungkol sa buhay nya. Ang tangi ko lang nasabi ay: “I’m sorry to hear that.”

Natawa si Mr. Liu: “Don’t be. I can handle it. Anyway, I can always divorce my wife tomorrow. Relax.”

Sa loob-loob ko: Gagong `to. Ako pa ang pinapag-relax e siya itong miserable ang buhay.

At any rate, napag-alaman ko  kay Mr. Liu na sa Taiwan daw, tumataas na rin ang bilang ng late marriages. Kung dati, nasa 20s lang ang mga nagpapakasal, ngayon, pumapalo na sa 30s at 40s ang edad ng mga nagsisipag-asawa.

Na dapat lang naman. Kasi kung sa divorce din lang uuwi ang mga maagang nagsipag-asawa, bakit pa sila magpapakasal?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Relationships, Taiwan Life, Trends. Bookmark the permalink.

2 Responses to Divorce: Taiwan Style

  1. Rey Manalo says:

    exciting pala buhay may asawa diyan. at yung mga senior na nakikipag dvorce, at least, na realize nila yung tamang magpapaligaya sa kanila. kalayaan. RM, i am not in favor sa divorce pero lalong hindi ako pabor sa pagsasamang wala nang katuturan. sacred yung kasal para sa atin at siguro sa kanila din….kaya, kung gawin man nila ang pakikipag-hiwalay sa huling yugto ng kanilang buhay mag-asawa, at iyon ang nakikita nilang makapag-papa-gaan ng kanilang pakiramdam, suporta na lang. 2 tao ang nag-di-divorce, db? kaya pareho silang may pananagutan sa Diyos sa kanilang mga gawa.🙂

  2. we can never blame them. it was the legislators who approved the bill.let us pray na hindi ito mangyari sa ating bansa. kapag mahina ang foundation ng pamilya tiyak in the end ang bansa natin as a whole ay magiging chopsuey at pakbet….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s