50/50

Paano kung isang araw, ang isang masayang binata na wala pang 30-taong gulang ay na-diagnose ng isang rare form ng cancer of the back, pinayuhang mag chemotherapy at sinabihang 50/50 ang chance nya para mabuhay? Ito ang premise ng pelikulang “50/50,” na pinagbidahan ni Joseph Gordon-Levitt (500 Days of Summer) sa iskrip at direksyon ni Will Reiser base sa kanyang karanasan bilang isang cancer survivor.

Para kay Adam (Levitt), staff ng isang radio broadcasting company, wala naman talagang choice kundi harapin niya ang kaniyang karamdaman. Cool lang niya itong hinarap bagama’t halatang kabado siya talaga. Una niyang sinabihan ang kanyang live-in partner na si Rachel (Bryce Dallas Howard), tungkol sa kanyang karamdaman. Sumunod ang kanyang best friend na si Kyle (Seth Rogen) at ang kanyang ina na ginampanan ni Angelica Huston, na ang kalbaryo naman sa buhay ay mag-alaga sa kanyang asawang may sakit na Alzheimer’s. Pagkatapos niyang i-announce ang kanyang kondisyon, nagsimula na siyang mag chemotherapy at komunsulta kay Katie (Anna Kendrick), isang therapist, para ma-proseso nang mahusay ang kanyang emotional at psychological self sa paglaban sa Big C.

Dinaanan ni Adam lahat ng stages ng taong na-diagnose na may cancer. Nandyan ang shock, denial, anger, etc.–mga stages of grief and loss na unang pinasikat ni Dr. Elizabeth Kubler Ross, isang kilalang psychologist. Dumagdag ang problema ni Adam nang isumbong ng kanyang bestfriend na hindi pala faithful ang kanyang girlfriend sa kanya. Bagay na inamin naman ng girlfriend ni Adam at sinabing hindi madaling mag-alaga ng boyfriend na may cancer, marupok siya at nadala sa tukso. Double whammy ito para kay Adam pero tinaggap niya ang lahat.

At sa tulong ng kanyang bestfriend na si Seth, ang kanyang ina at ang kanyang therapist na si Katie, na unti-unting naging close sa kanya, naging mas magaan kay Adam ang pagharap sa cancer.

Marami ng pelikula na nagawa tungkol sa struggle ng mga tao na labanan ang cancer at karamihan sa mga ito ay talagang heavy drama. Punong-puno ng iyakan, ngalngalan at pamamaalam. Naiiba ang “50/50” dahil bagama’t may mga dramatic na eksena din ang pelikula, overall, light at may pagka-comedy ang treatment sa istorya. Maraming eksena ang nakakatawa gaya ng pagpapakalbo ni Adam, ang mga gimmick nila ng kanyang bestfriend na si Seth, ang mga awkward niyang therapy sessions kay Katie, at ang bonding niya sa kanyang mga co-cancer victims sa ospital.

Nagtagumpay ang director sa kanyang attempt na gawing isang “dramedy” ang pelikula dahil na rin sa natural at solid performances ng cast, lalo na sina Levitt, Rogen at Kendrick na kapani-paniwala ang pagganap sa kanilang mga papel. Parang sinasabi ng pelikula na bagama’t life threatening ang cancer, hindi ito nangangahulugan na kailangang ma-drama lagi ang pagtanggap natin dito. Hindi rin ibig sabihin na titigil na ang buhay natin dahil may cancer tayo. Tuloy-tuloy lang dahil maaaring may sorpresa at pag-asa pa rin sa dulo.

May pagka-carino brutal nga lang ang epek ng buong pelikula dahil matapos mong matawa sa isang eksena ay maluluha ka naman sa susunod. Pero yun nga siguro ang punto ng pelikulang “50/50”: hindi dapat puro iyakan lang ang buhay sa gitna ng life-threatening na karamdaman. Kahit sa gitna ng matalas at nakakatakot na pangil ng cancer, pwede ka pa ring tumawa, matawa,  magbiro, maniwala at umasa.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

One Response to 50/50

  1. Permskee says:

    I must see this movie…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s