Pinoy Spotting sa Taipei

Ayon sa umiikot na statistics sa cyberspace, may 90,000 Pinoy na raw ang naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan ngayon. Pero mismong ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) natin dito sa Taipei ang nagsasabing maaaring doble na ang figure na ito ngayon dahil sa dami ng nag-T-TNT (tago ng tago) na Pinoy sa buong isla.  Sa bawa’t sulok yata ng Taiwan, may Pinoy. Majority sa mga narito ay mga factory workers,  mga domestic helpers at mga caregivers. Karamihan nga sa kanila , kapag natapos na ang dalawang taong kontrata ay di na umuuwi at dito na nagtatago.

Iilan lang sa mga Pinoy na narito ang may white-collared jobs at nagtatrabaho sa mga opisina. May nakapagsabi nga sa akin na mayroon daw isang University Professor dito na purong Pinoy. Rare case yun, kasi wala pa akong alam na Pinoy na legitimate na nagtuturo sa mga University dito.

Ang totoo nyan, bibihira akong maka-i-spot ng Pinoy dito sa Taipei. Maliban na nga lang kung talagang sasadyain ko ang St. Christopher Church sa may Minquian station na may kalayuan sa bahay na tinitirhan ko. Ang nasabing Katolikong simbahan ay nasa isang kalsada na kung tawagin ng lahat ay Philippine street. Dito nagkakalibungbungan ang mga Pinoy kapag araw ng linggo at animo’y piyesta sa kalsada pagkatapos ng misa. Pero sa araw-araw kong paglalakad sa mga lansangan ng Taipei, bihira akong makasalubong ng Pinoy.

“Baka naman di ka marunong umispot ng kapwa mo Pinoy?” sabi ng kaibigan kong instik sa wikang ingles.

“And you know how to spot them?” Tanong ko naman.

Yes!” sagot nya. “If they wear Levis jeans, chances are, they are Filipinos. Because Thais, Malaysians and Indonesians seldom wear Levis.”

Matagal ko na itong narining at ang akala ko talaga ay joke lang `yun. Seryoso pala. Tapos natawa ako kasi naalala ko nang una akong magpunta rito, wala akong dalang maong na pantalon. Puro office trousers lang ang dala ko. Kaya sa una kong sweldo, jeans agad ang binili ko and true enough, Levis nga ang binili ko sa Sogo Department Store. Original Levis na nagkakahalaga ng $NT4,200. That’s almost Php8,000. Pero eto ka. Nang dumating ako sa bahay at siniyasat ko ang nabili kong Levis jeans, ang nakalagay sa maliit na tarheta. “Made in the Philippines!”
Ngayon whether we Filipinos are genetically inclined to buy Levis jeans is an entirely different story

Ayon sa kaibigan kong Taiwanese, eto pa raw ang mga palatandaan na Pinoy ang nakakasalubong niya sa daan o nakakatabi niya sa bus o train:

  • May kasamang matanda. Kasi nga, yung mga caregivers, kalimitan ay pinapasyal ang kanilang mga alaga sa parks. May mga nakikita nga ako sa mga park na mukhang Pinoy na may hila-hilang matanda na nakasakay sa wheelchair. Baka naman kako Thai ang caregiver. Pero ano ka. Uupo sya sa bench at magbabasa ng YES magazine. Hindi naman siguro pwedeng maging Thai o Malaysian yun. At ang reaction ko: at least, intelligent showbiz magazine ang binabasa ni Ate. Hindi tabloid na tulad ng “Bulgar,” “Bandera” at “Tik-Tik”
  • Umaalingasaw sa bango. Malayo pa raw ay maamoy mo na ang cologne, rexona body spray o either mamahalin o cheap na pabango nang naglalakad na Pinoy. “Too strong,” sabi ng kaibigan kong Taiwanese. Sa pagkakataong ito, naaalala ko ang classic quote ng aking nasirang ama: “Ang mga nagpapabango, may itinatagong baho!”
  • Malakas na halakhakan. Kahit di mo sila marinig na mag-Tagalog. Pero pag may naghahalakhakan ng ubod lakas, Pinoy daw yun. Ito napatunayan ko na nang minsan akong sumakay sa train. May narinig agad akong malutong na halakhak sa malayo, and true enough nang nilapitan ko ang source of laughter, tumambad agad sa aking paningin si Ate. Maiihi na sya sa katatawa habang nagkukwento ng knock-knock joke sa kanyang kausap.May kasama pa yung kalabit, hampas at kurot.
  • Picture ng picture. Mahilig din naman ang mga Taiwanese na magpakuha ng litrato, but they are nothing like the Pinoys. Naku, tayo, terrible. Pose ng pose kahit saan. May paghawak pa sa mga dahon, sanga ng puno, bato, kabibe at bulaklak. Lahat ng pagkain kinukunan (pang Facebook) at di lang yun, talagang tatawag pa ng di nila kakilala at makikiusap…”excuse me, can you please take our picture?” At di pa matutuwa sa isang shot lang.Mag-re-request pa ng pangalawa, pangatlo at minsan ay pang-apat na shot!

Ibang klase talaga tayo.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Pinoy Spotting sa Taipei

  1. Rey Manalo says:

    well, love the ways of our kababayans na lang. libangan na nila yaan. at saka, culture ba. di ka dapat mahiya sa mga taga dyan kasi yung mga kalahi naman nila, dumadahak sa harap ng kausap. kahit nasa restaurant ka pa at sarap na sarap kumain, kapag gustong saidin ang plema sa lalamunan, dadahak at dadahak talaga. spit everywhere din sila. kaya mild pa ang ipinapakitang pagka-malasado ng ating mga kababayan. dami silang problema dito sa atin kaya kung iyan ay makakabawas sa kanilang dinadalang problema…kunsintihin na lang. hahaha. abangan mo ulit yung nagbabasa ng yes mags., next time toro at banat na babasahin niyan sa park. naubusan lang siguro yun sa kanyang peborit newstand nung araw na makita mo siya. God bless!

  2. nymfs says:

    congrats sa nakakaaliw na blog!

    medyo nakakatawa at nakakainis na experience ko sa Bihu Park sa Neihu district kung saan marami namamasyal na Pinay caregivers/babysitters with their alaga…. napagkamalan ba naman ako yaya ng anak ko…. huhuhu… mukha daw kc intsik my daughter…. pero in fairness hehehe… kaya naman pala inisip na yaya ako kc english daw conversation namin ng bata

  3. Connie says:

    This is cute, Ronald! Naaliw ako sa description mo ng Pinoy … I read this post right after I had my morning meditation.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s