My “Lush” Bathtub Adventure

Lumaki ako sa isang middle-class family sa Pilipinas. Kung pagbabasehan ang aming gross monthly family income, marahil ay mali pa nga ang pagka-categorize ko sa aming social status. Siguro, sa lower middle-class kami nabibilang. Having said that, bagama’t malinis naman ang aming banyo sa bahay, wala ito ng mga accouterments ng mga banyo na nakikita sa mararangyang tahanan. Wala kaming hot and cold shower. Gaya ng tipikal na Pinoy, tabo lang at timba ang nakasanayan kong gamitin sa panliligo. Nagpapainit kami ng tubig sa stove kung gusto namin ng warm bath. At, wala kaming bathtub.

Nang  magtrabaho ako rito sa Taipei, isa sa mga perks na ibinigay sa akin ng aming opisina ay ang libreng tira sa isang condo unit na mayroong…tsaran!…. bathtub. Hindi naman siya marangyang bathtub. Tama lamang siya para sa isang tao. Pero dahil sa produkto ako ng Third-World psyche, big deal na ito para sa akin. Kasi, sa Pinas, kailan lang ba ako nakakapag-bathtub? Kapag nag-pa-pa-spa ako o kaya ay na bi-billet sa magagandang hotel. So, in-announce ko ito sa aking mga close friends. In one of our usual conversations, nasabi ko minsan: “May bathtub ako sa Taipei.”

Itong matalik na kaibigan kong si Jean, sobrang intuitive. Mabilis ang kaniyang pick-up. Unti-unti nang kumakalat ang lakas ng kaniyang sixth sense. Alam agad niya na gusto ko ng bubble bath soap kahit hindi ako nagsasalita. Nitong huli kong uwi sa Pinas, binigyan nya ako ng going-away gift. Dalawang pieces ng bubble bath soap—from Lush, ang handmade cosmetics company na ang main headquarters ay nasa Poole, Dorset, UK. Mayroon itong 600 stores sa 43 bansa, kasama syempre ang Pinas. Katumbas na ng isang disenteng dinner ang presyo ng isang Lush na sabon. Syempre, big deal din ito sa akin. Kasi kahit nung maayos naman ang kita ko sa Pinas, di ko pa rin maatim bumili ng Lush soaps. Ang mahal kaya nun.

So, eto na. Nung isang linggo, sinubukan kong gamitin ang isa sa dalawang lush bubble bath soaps. Syempre, like any newbie, excited ako. Pinaghandaan ko ang lahat. Sa Pinas pa lang, tinanong ko na sa saleslady ng Lush kung paano ko ito gagamitin. “Dudurug-durugin nyo po ang sabon. Gagalaw-galawin nyo po ang tubig para bumula,” buong lambing na sabi ng mabait na saleslady. Syempre, bago ko gawin yun, pinuno ko muna ng maligamgam na tubig ang bathtub. And just like in the movies, nagsindi pa ako ng maraming scented candles para buo, makulay at dramatic ang epek. And then, I slowly soaked my body into the tub dala ang Lush bubble bath soap at dahan-dahan ko nga siyang dinurog sa tubig. Nagsimula nang bumula ang tubig, pero di tulad ng sa mga pelikulang napapanood ko, hindi siya gaanong mabula.

Eto ang train of thoughts ko habang nakababad akong parang pasas sa bathtub. 1) May mali. May mali sa procedure ko. Dapat mabula. Napanood ko sa isang lumang pelikula ni Nora Aunor at Cocoy Laurel, gumamit pa sila ng egg beater para bumula ng husto ang bathtub. Kunin ko kaya ang egg beater sa kusina?; 2) Ang arte naman ng bathtub ritual na ito. Sa Pinas, tabo lang at timbang may tubig, na-d-distress din naman ako; 3) Dapat successful ito para maikuwento ko kay Jean. 4) Parang kulang sa init ang tubig! Sa “Fatal Attraction” ni Glenn Close at Michael Douglas, umuusok ang tubig sa bathtub!

On hindsight, nakakatuwang isipin na sa pag-b-bathtub ko, mga pelikula ang aking nagiging reference. The power of films!

Anyway, in summary, kalahating oras akong humilata sa bathtub. Nilagyan ko pa ito ng bathoil at bath salt kaya nag-iba-iba ang kulay ng tubig. Pinikit ko ang aking mga mata habang naririnig ko sa background ang pinatutgtog kong spa music na dinownload din para sa akin ng kaibigan kong si Carmela. At na-relax naman ako. Pakiramdam ko nga, para akong nag-amoy spa nang umalis ako sa bathtub. At naghitsura ring binabad na pasas ang katawan ko sa tagal ng hinilata ko sa bathtub.

Maraming salamat, Mary Jean Pacheco for giving me those Lush bubble bath soaps. Aabangan ko pa ang mga pangako mong regalo sa akin ngayong Pasko—more Lush bubble bath soaps! Kumpletuhin mo na kaya para todo level na ang fantasy—lakipan mo na ng isang toy rubber ducky ang mga lush soaps na dadalhin mo rito!

Love you, Jean! Can’t wait to see you here. I’m counting the days!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

7 Responses to My “Lush” Bathtub Adventure

  1. Jeannie Pacheco says:

    ronsky!!!! so sweet naman your blog…. ang dagdag ko lang ay ang katawa tawang plano na sorpresahin ka ng barkada– a failed attempt since i texted everyone to surprise you with lush soaps…kaso sabi ng isa pwede daw ba kahit hindi Lush, sabi naman ng isa, pass muna siya, at yung isa naman…pwede ako na lang daw ang bumili at babayaran na lang niya ……anubayannnnn… anyway im so glad you enjoyed pampering yourself… love you too and am so excited to see winter Taipei…. and yes, i promise to bring more Lush, and that rubber ducky…too..

  2. Hi Jeannie! Hahaha. Kilala ko na kung sino-sino sila. Kailangang ipabasa mo sa kanila ang blog na ito🙂 Di bale, kahit failed attempt, the message was put across and our bonding was great. Tawagan kita ulit one of these days! Mwah!🙂

  3. nymfs says:

    hi ronald! hehehe….hindi tayo close, pero kc pampaalis ng stress ang blog mo… break muna ako from social networking/marketing…. kaya heto comment na naman….

    naka-identify ako sa post na ito. lower middle class din kami. although meron na kaming shower sa banyo years before ako makarating ng taiwan at nakapag 5 star hotel na rin many times… so happy din ako sa unang tinirhan namin haus na may hot and cold water at bath tub… at may i buy agad ng bubble bath sa watson’s for my then 6-yr-old daughter… malapit ang haus namin sa taipei doon sa bilog na mall. i forgot the name… ano na ba yung mall na yun?

    pag-transfer namin after a week to neihu district, wala nang bath tub ang condo, pero hi-tech naman ang shower! apat o limang klase ng shower na parang pang water spa. so enjoy din kami even without the bath tub.

    at isa pang nagustuhan ko ay hindi lang sa banyo ang hot and cold water. lahat pati sa diswashing and laundry area…. at hindi na problema maubusan ng gas or LPG kc parang kuryente na kasama na sa monthly bill.

  4. bogodoy says:

    Sanlaksang hahaha ang ibinigay mo sa akin sa post na ito, Ronald. Thanks for the laughs.

  5. Maraming salamat, Joy! Sobrang saya ko rin na napasaya kita.🙂

  6. Jennyfer C Beredo says:

    Tawang ako nang tawa ghabang binabasa ko ito. bathtub, wala kami sa Pinas tabo lang at batya pero nang maayos naang banyo wala ring bathtub, tub pa rinat tabo. nang magjoin ako sa tupperware doon ako nakaranas magbathtub sa 5 star hotel sa manila, cebu at davao. dine sa tate kahit me bathtub kami, timba pa rin at tabo ang gamit kasi istorbo, maraming seremonya e laging in a hurry kaya nevermind na lang. sngkatutak na ha, ha, ha, ha na naman RM wala akong masabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s