Kuwentong Barbero

Kapag foreigner ka sa Taipei at hindi ka marunong magsalita ng instik, ang pagpapagupit ng buhok ay maaaring maging isang major production. Nose bleed ang pag-e-explain sa mga barbero kung anong istilo ng gupit na gusto mo. Dapat master ka ng art of sign language. O kaya magaling kang mag-drawing. Nung una akong magpagupit dito, saksakan ng hirap i-explain sa matandang babae na gumugupit ng buhok ko na gusto ko ng patilya pero ayaw ko ng mahabang patilya. Di ko alam kung na-ge-gets nya ang ibig kong sabihin. Medyo marunong siya ng  konting ingles pero nang mag-attempt akong inglesin ang gusto kong sabihin, napatigil ako.

Kasi, bigla akong napaisip: Ano nga ba sa ingles ang patilya? Sideburns nga ba? Kung sabihin ko yun, maiintindihan naman kaya ako?  Kung sa Pinas, ang daling sabihin na–gusto ko yung katulad nung patilya ni Martin Nievera. Ayaw ko nung kay FPJ. Pero yun na nga. Balik kami sa sign language. Nagkapatilya naman ako pero hindi yun ang gusto kong haba at hitsura nya. Never mind, sabi ko sa sarili ko.

Dahil mag-iisang taon na akong nainirahan dito, natutunan ko na rin ang pagpapagupit ng hindi masyadong nag-e-effort. Ang ginagawa ko, nag-re-research ako sa internet ng gusto kong style ng buhok. I-p-print ko ito at siya kong ipapapakita sa taong magugupit ng aking buhok. Buti na rin lang, mahusay mag-ingles ang aking landlord. Siya ang nagturo sa akin ng mga barbershops at hair parlors na pwede kong puntahan sa aming munting neighborhood sa Section 3 ng Heping East Road.

Nag-r-range ang presyo ng ordinary haricut sa NT$150-NT$300. By ordinary, ang ibig kong sabihin ay yung barbero lang talaga sa kanto. Hindi sya salon or parlor. Kung sa Pinas, Php300-Php600 na halos ang katumbas nun. Ka-ka freak out, di ba? Sa atin, presyong Henry Calayag na yan o Jessie Mendez. Kapag nag-avail ka ng mga NT$250-NT$300 na gupit, may kasama na yung shampoo, ahit, gupit sa buhok sa ilong at linis ng tenga. Pwede na rin. Pag first timer kayo, magugulat kayo kasi  ang pag-s-shampoo ng buhok dito ay ginagawa habang kayo ay nakaupo. Di ba sa atin, pahihigain tayo sa tabi ng lababo at doon na tayo i-sha-shampoo? Dito, hindi. Nakaupo ka talagang sha-shampoohin. Pagkatapos nun, papupuntahin ka sa lababo kung saan hindi ka pahihigain. Pahaharapin ang mukha mo sa labobo so binabanlawan ka na para kang nakatuwad. Totoong nakaka freak out sa una, pero makakasanayan mo rin.

Eto pa ang nadiskubre ko. Marami raw sa mga barbershops sa Taipei ay hindi totoong barbershop. Front lang daw ito  sa prostitution. Sa labas, mga lalaking barbero ang naka-front. Pagnagpapagupit ka na, papakitaan ka na nila ng menu nang mga babae at ang kanilang mga corresponding na services. Nalaman ko ito sa isa sa aming Taiwanese workshop participants na nakakuwentuhan ko minsan nang kami’y nag-di-dinner sa Korea. Pero ang sabi ng kaibigan ko, hindi na raw mabenta ang ganitong gimick sa mga barbershops kasi matatanda na raw ang mga putatsing rito. “How old?” Tanong ko.

“Around 40,” sagot nya. Sa loob-loob ko. Hayop na to ah. 47 na ako. Ibig bang sabihin, ermitanyo ang tingin nya sa akin?

“You will not like them,” sabi niya sa akin.

Natawa naman ako. “What makes you think that I am interested to go to places like those?” Tanong ko sa kanya.

Siya naman ang natawa. “Well, every man is interested, although I think you look very holy.”

Sa pagkakataong ito, napahalakhak naman ako. Ayan na naman. Pang-sampung beses ko nang narining. You look like a priest. You look holy. You look so reverend.

Hahahahaha. Sa loob-loob ko. Kung alam niyo lang.

Pero sa totoo lang, miss ko ang mga kuwentuhan at tsismisan ng mga barbero sa Pinas. Minsan nga, tapos ka ng magpagupit, tatambay ka pa para lang makinig ng tsikahan ng mga mama at ale sa mga latest happening sa pulitka, showbiz, sports at kung ano-ano pa.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to Kuwentong Barbero

  1. Rey Manalo says:

    Hi, RM, para discreet…hahaha ‘kaw naman, ang una mong topic, may kaugnayan sa buhok at shampoo…salamat, ha! di ko po need ‘yan! obyus naman, db? for good ka na dyan sa lamyerda mo? sosyal. pero parang mas hirap ang buhay diyan, eh. gupit pa lang, halos nasa 600 peysos na dito sa pinas ang bayad! wow! madami ng kuwento ang kabuntot ng 600 dito sa atin. ilang bibig na ang makakanguya ng kanin at ulam dito sa halagang yaan. ingat ka dyan at hindi ka mukhang holy, ha? hahaha…assurance po ang comment na iyan na hindi ka nga holy. “ano ba”?sige na po.

  2. HIndi ito una kong topic, Rey. Pang 38 post ko na ito. Basahin mo rin yung mga nauna. Maraming salamat!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s