Robert Alejandro: The Travel Sketcher

Noong 2002, nainterbyu ko si Robert Alejandro sa bahay nila sa Quezon City para sa isang article na sinulat ko sa Philippine Daily Inquirer (PDI). Yun yung panahon na isa pa siya sa mga aktibong host/reporter ng “Probe,” ang investigative show ni Cheche Lazaro. Pero bukod sa pagiging TV reporter, mas kilala sa Robert bilang isang visual artist. Graduate siya ng UP Fine Arts. Dati rin syang nagtrabaho sa McCann Erickson bilang art director. At syempre, kilala rin siya bilang anak ng may ari ng Papemelroti, ang craft/art store na pinamamahalaan ng kanyang buong pamilya.

Natatandaan ko, pagkatapos kong masulat ang article tungkol sa kanya at na-publish ito sa PDI nung August 31, 2002, nag-text sa akin si Robert at sinabi niyang isa ito sa pinakamagandang artikulo na nasulat tungkol sa kanya. (Eto ang link sa article ko na nakita ko kamakailan sa webpage ng papemelroti: http://www.papemelroti.com/08-31-02.htm) “Nahihiya ako,” text niya sa akin. Pagkatapos noon, nawalan na ako ng kontak kay Robert. Except after two years, nakasalubong k0 siya sa isang bookstore at saglit lang kami nagkuwentuhan. Sinabi niya na wala na nga siya sa telebisyon at balik siya sa pagiging visual artist.

Thanks to Facebhook, nakikita ko ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ni Robert at isa na nga rito ay ang paborito niyang hobby, ang travel sketching. Nang minsang mag backpack travel siyang mag-isa sa Europa, dinala niya ang kanyang maliit na moleskin sketchpad at drinawing ang mga magagandang sites na napuntahan niya sa Paris, Prague, Berlin, Greece at marami pang lugar.. Mixed media ang kaniyang medium. Pinaghahalo-halo niya ang sketches, paint at mga mumunting bagay gaya ng mga bus tickets at museum brochures para makabuo ng  isang magandang visual impression ng iba’t-ibang  lugar. Nung una ko itong makita, napa-wow talaga ako. May mga taong mayroong gift of gab. Magaling magsalita. Mayroon namang mga taong, mahusay maghabi ng mga salita. Mga henyong magsulat. Pero si Robert, gifted na visual artist talaga. Gusto kong i-share ang ilan sa kanyang mga travel sketches na makikita rin sa kanyang blogsite na www.thesketchingbackpacker.blogspot.com

Salamat at mabuhay ka, Robert Alejandro, saludo ako sa iyong talento. Your artworks never fail to make my day!

NOTE: Ang nasa picture ay galing sa blogsite ni Robert Alejandro

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Robert Alejandro: The Travel Sketcher

  1. robert says:

    Maraming maraming salamat Ronald! I am humbled by your kind and encouraging words! God bless ALWAYS!!!!!

  2. bobbyjonc says:

    Naalala ko nung nagho-host sya sa Art Is-Kool. I learned a lot of techniques in drawing and artworks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s