“Biyolin” ni Howie Severino

Kamakailan lamang, napanood ko sa internet ang “Biyolin,” isang dokumnetaryo ni Howie Severino sa “I-Witness,” (GMA-7) at sobra akong napamangha sa kuwento ni Aling Lydia Montabes, isang matandang babae na ang kinabubuhay ay ang maglakad ng maghapon sa mga tiyangge at eskinita ng Blumentritt at Baclaran para tumugtog ng biyolin at humingi ng limos sa mga tao.

Kamangha-mangha kasi ang isang fiddler o violinist sa ating kultura ay kalimitang relegated lamang sa mga concert halls gaya ng CCP at PICC. Gaya ng piano, ang violin ay itinuturing na isang elite musical instrument at tinutugtog lang ng mga “cultured” na tao. Pero si Aling Lydia, na natuto raw mag-violin dahil sa matiyagang pagtuturo ng kanyang mga kamag-anak sa Pangasinan, ay hindi mayaman. Hindi rin mataas ang kaniyang pinag-aralan at nakatira siya sa isang maliit na shanty sa isa sa mga squatter areas sa Maynila. Napakalaki na raw kung kumita siya ng dalawang daang piso isang araw, pero ang perang ito ay hindi niya nasosolo kasi kapag dumaing ang kaniyang mga anak na laging kapos sa pera, hindi niya raw sila matiis.

Ngayong mag-uundas, sinamahan  ni Severino si Aling Lydia na umuwi sa Pangasinan para bisitahin ang kaniyang mga kamag-anak, pero nag side-trip muna sila sa Zambales kung saan dinala ng “I-Witness” host ang matandang violinist sa “Sentro ng Sining at Musika,” isang art and music school na itinayo ni Alfonso “Coke” Bolipata, isa sa pinakasikat na Pinoy violinists sa bansa. Graduate ng Julliard school of Music sa New York si Bolipata nguni’t pinili niyang mamalagi sa Zambales para maturuan ng violin ang mga promising young Pinoy fiddlers.

Nakaka-touch ang eksena kung saan nagkita at nagkakilala sina Bolipata at Aling Lydia—dalawang nilalang na magkaiba ang mundo, subali’t iisa ang hilig at passion sa buhay—ang tumugtog ng biyolin. Napansin agad ni Bolipata na imbes na apat, tatlo lang ang kuwerdas ng sira-sirang violin ni Aling Lydia. Kuwerdas pa raw ito ng gitara pero ayon nga kay Bolipata, “You can see the Pinoy ingenuity there.”

Sa obserbasyon ni Bolipata, ipinagpapatuloy pa rin ni Aling Lydia ang pagpapalimos gamit ang biyolin hindi lamang para kumita kundi dahil mahal niya ang musika. “It’s how she defines herself,” sabi nya. “She needs the music as part of her character.”

Nainterbyu rin sa nasabing dokumentaryo si Julian Duque, isang 11-taong gulang na violinist na ilang taon na ang nakaraan ay gumanap kasama ni Bolipata sa “Boses” isang pelikula ni Ellen Ongkeko Marfil na tumatalakay sa kapangyarihan ng musika na makapaghilom ng mga sugat ng kaluluwa. Sa batang edad ni Duque, naihayag niya na mahal niya ang pagtugtog ng violin. “Pag nalulungkot ako, nakakapagpasaya ito sa akin,” ang madamdaming pahayag ng bata.

Isa sa nakaka-touch na eksena ay nang isama ni Bolipata at ng mga child violin prodigies si Aling Lydia para sabay-sabay na tumugtog ng violin sa tabing dagat. Dito sa puntong ito, naikintal ni Severino ang isang magandang mensahe—na mayaman man o mahirap, may edukasyon man o wala, magkaiba man ang relihiyon, at paniniwalang politikal, tayo ay napapagbuklod ng musika dahil ang musika ay unibersal.

Nang dumating sina Aling Lydia sa Pangasinan, nakilala pa ni Severino ang mga kamag-anak nito na pawang mga biyolinista rin. Masaya at sama-sama rin silang tumugtog ng violin.

Minsan pa, ang isang simpleng tema ay nabigyang lalim sa maingat at mahusay na pagkakahabi ni Severino ng kanyang dokumentaryo. Isa sa mga dahilan kung bakit siya ang paborito kong male broadcast journalist sa Pilipinas.

Subukan ninyong panoorin ang “Biyolin” at maiintindihan ninyo kung bakit ito nakakaantig.

http://wowhaneptv.com/2011/gma-7/i-witness-october-31-2011

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Personalities, TV. Bookmark the permalink.

2 Responses to “Biyolin” ni Howie Severino

  1. Kapapanood ko lang ng pelikulang THE SOLOIST starring Jamie Foxx and Robert Downey Jr. tungkol sa isang true-life story of a former cello prodigy who studied at Julliard and is a homeless man wondering the streets of LA’s skid row. Talagang music can transcend all boundaries.

  2. Salamat, Marge for reading this. I took note of the film. Sana mapanood ko `yan dito. Keep in touch!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s