Better than Sex

Masyado raw overrated ang sex. Yan ang famous quote  ng isa sa aking mga favorite Pinoy singers na si Rachel Alejandro nang minsang nainterbyu siya ni Mo Twister sa kanyang controversial radio program. Naisip ko lang yun ngayon kasi binabasa ko ang librong “Committed” ni Elizabeth Gilbert. Siya ang author ng sikat na librong “Eat, Pray, Love” at ang “Committed” ay sequel ng librong yun. Ang buong libro ay isang dissertation tungkol sa marriage at medyo nagtaka lang ako, konting konti lang ang diskusyon niya tungkol sa sex, gayong ayon sa mga experts, napakahalaga nito para mapanatiling nag-aalab ang relasyon.

Anyway, underrated man o overrated ang sex, gumawa ako ng aking listahan ng mga bagay na maituturing kong mas okay pa kaysa act of making love (or making lust). Walang plastikan. Sa edad kong ito, I would gladly trade the following activities for sex:

  1. Foot massage. Para sa akin, mas orgasmic pa ito kesa sex. Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang hilig ko sa foot reflex pero as far I can remember, simula nung nagtrabaho ako more than 20 years ago, ito talaga ang aking pang-relax. More often than not, nakakatulog ako kapag minamasahe ang aking mga paa;
  2. Magandang libro. A gripping novel, mind-boggling essays, travelogues, short stories,  poems, etc. Nalilimutan ko lahat kapag nasa gitna ako ng isang magandang nobela. Nalilimutan kong kumain, uminom, matulog kapag sobra akong engrossed sa aking binabasa;
  3. Photography. Na-adik ako sa photography simula nung binili ko ang aking unang DSLR camera. Na-ha-high ako kapag kumukuha ng picrtures. Para akong sinasaniban. Di ko iniinda ang pagod at init kapag kumukuha ako ng shots ng mga tanawin, tao, pangyayari. Bili ako ng bili ng photography books at magazines. Minsan, kinakailangan ko nang pigilan ang aking sarili kasi sobra na akong na-o-obsess;
  4. Running. Wala na yatang sasarap pa sa pakiramdam nung endorphin rush kapag tumatakbo. Simula nang nahilig din ako sa running, hinahanap-hanap lagi ng katawan ko ang post-running feeling. Yung umiinom ka na ng tubig at nag-c-cool down exercise. Di yun kayang bayaran ng pera;
  5. Great sceneries. Nang una kong maramdaman ang pino ng puting buhangin sa Boracay at masaksihan ang kanyang glorious sunset, napapadasal talaga ako sa Diyos. Sobrang galing at ganda ng kanyang creations. Minsan nga, magmasid lang ako ng clouds habang ito’y nagbabagong anyo, na-ha-high na rin ako;
  6. Good food. Tuyo na sinawsaw sa sukang may sili tapos mainit na kanin, asim ng sinampalukang sinigang, magkalaban na lasa ng asim at alat sa adobong manok o baboy, tulingang isda, salt-and-pepper grilled na sugpo, eat-all-you-can dinner sa Yakimix o sa Dad’s. The list goes on and on. Basta chibugan, lagi akong ganado;
  7. Nature sounds: patak ng ulan sa bubong; kokak ng palaka at tunog ng kuliglig sa gabi; agit-it ng punong kawayan; paghampas ng alon sa dalampasigan;
  8. Dark mint chocolates. ito recent discovery ko pa lang. Napagtripan ko lang bumili nito sa supermarket. Ibang klaseng sarap kapag natutunaw ang mint dark chocolate sa yong dila. Sabi nga ng matatanda, maisusumpa mo ang iyong biyenan;
  9. Malinis at mabangong bedsheets at punda ng unan. Para sa isang taong mahilig matulog na gaya ko, langit para sa akin ang humiga sa malambot, malinis at mabangong beddings;
  10. Good conversations. Mahilig akong makipagkwentuhan (confession: frustrated talk show host ako–hahaha) at na-ha-high din ako kapag  maganda ang takbo at daloy ng usapan lalo na kapag kakwentuhan ang mga kaibigan. I could go on and on and not be tired.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Hobbies, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Better than Sex

  1. this is from my classmate who said way back that nothing could be better than sex… and i wondered back then, bakit may experience na ba sya? but you were young then… as you grow old… there are so many things better than sex.. may i add?

    being alone with your thoughts undisturbed

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s