When October Goes

Ilang oras na lang at tapos na ang buwan ng October.  Sa aking CD player, kinakanta ni Lea Salonga ang napaka sentimental na awitin ni Barry Manilow na “When October Goes.” Haunting ang melody at makabagbag damdamin ang lyrics ni Johnny Mercer. “I should be over it now I know/It doesn’t matter how old I grow/I hate to see October go.” Napasilip  ako sa labas ng bintana. Makulimlim ang panahon. Nagbabadya ang ulan. Kumbaga sa pelikula, magandang eksena ito para mag roll ang end credits. Tapos na naman ang isang buwan.

At di ko na naman mapigilang maging philosophical. Kung tutuusin, pang apatnapu’t-pitong October ko na ito sa mundo. Ano na nga ba ang nangyari sa apatnapu’t-pitong taong yun? Narinig ko sa isang local celebrity, naniniwala daw siya na kapag tayo’y namatay at humarap sa Diyos, ipapa-account at ipapa-enumerate Niya sa atin ang ating accomplishments sa buhay. Kung sa akin mangyari yan ngayon, di ko alam kung papaano ko i-re-report ang naging buhay ko sa Diyos. Madali yun sa ibang tao. Pwede nilang sabihing nag-raise sila ng pamilya. Apat o limang bata ang kanilang napalaki at napagtapos sa kolehiyo. Mayroon namang ilan, pwedeng mag-enumerate ng kanilang sterling accomplishments sa kanilang career, negosyo at religious o charity work. E ako? Wala naman akong asawa. Wala rin akong career highlights. Wala rin akong na-acquire na property o kayamanang matatawag. Bukod sa nanalo ako sa declamation contest nung grade 5, wala akong matatawag na major accomplishment.

Ten years ago, from 180 pounds, nagawa kong magbawas ng 30 pounds sa loob ng anim na buwan. Major accomplishment ba yun? Baka patalsikin ako ng Diyos it ideklarang persona non-grata  dahil sa aking kababawan. Pwede ko kayang i-report na meron akong 1,400 friends sa Facebook? Baka batukan ako ni San Pedro.

Sabi ng kaibigan kong si Toni, kung hindi ko raw maihanay ang sarili ko sa mga sikat na writers, ihanay ko na lang ang sarili ko kay Carlo J. Caparas. Tutal, National Artist for Literature si Caparas. Toni, hindi pa rin, e. Mahigit pa sa 200 nobela sa komiks ang naisulat ni Caparas. Ako, kahit maikling kwento, wala pa. At wala pa rin akong nagagawang massacre movies.

Come to think of it, may kahirapan nga yatang mag account ng buhay. Nandyan pa ang guilt at panghihinayang. Noong bata pa ako, mayroon din akong weird na paniniwala na sa araw ng paghuhusga, i-re-rewind ng Diyos ang naging buhay natin na naka record pala sa isang DVD. Yaiks, nakakahiya. May mga bahagi sa buhay ko na censored. May mga bagay din na kahit kailan, ayaw ko nang balikan.

Nitong unang bahagi ng taon, nang matanggap ako sa aking bagong trabaho dito sa Taipei, na-realize ko na 13 taon na lang pala ang aking working years at mag-re-retire na ako. That is, assuming na  hindi agad ako matitigok. Noong 20 years old ako, akala ko, ang tagal-tagal pa bago ako magkaroon ng senior citizen card. Ngayong 47 years old na ako, 13 years na lang pala, magkakaroon na ako ng discount card sa Mercury Drug.  Lesson learned? Maigsi lang ang buhay. Make the most of it. Work hard. Save. Touch a lot of people’s lives as much as you can. At gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa yo–kahit taasan ka ng kilay ng buong mundo. Siguraduhin mo lang na di ka makakasagasa ng kapwa.

At kung batuhin ka ng ibang tao, batuhin mo rin sila ng tinapay. Pero siguraduhin mo lang na ang tinapay ay nakalagay sa garapon. Joke.

Three or four years ago, sa influence ng alcohol, nakwento ko sa isang matalik na kaibigan ang mga frustrations ko at ang aking mga failed relationships. Nakinig lang sya. Nang pabalik na ako sa bahay at nakasakay sa taxi, nag-text ang aking kaibigan. Limang salita lang ang laman ng kanyang text: “Just be better next time.”

Tapos na ang magandang buwan ng October. I am sure that November will even be better.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s