Mga Leksyon sa Buhay ni Steve Jobs

Minsan lang daw sa isang linggo kung maligo si Steve Jobs, yan ay ayon sa librong “Steve Jobs: The Exclusive Biography” ni Walter Isaacson. Hindi rin siya gumagamit ng deodorant kaya balitang balita ang kanyang BO sa kanyang mga kasamahan sa Apple, ang kompanyang kanyang pinagharian ng maraming taon. Isa lang yan sa kanyang maraming shortcomings bilang tao, subali’t tingnan nyo naman, sa buhay at kamatayan, sinasamba ng buong business community si Steve Jobs.  Classic na ang kuwento kung paano nya napabangon ang Apple nang siya’y bumalik bilang CEO ng kompanya ng ito’y nalugi ng $US104 billion nung 1997. Sa loob lamang ng apat na buwan, nabawi ng kompanya ang kanyang pagkalugi sa galing ng pamamahala at marketing genius ni Jobs. Obsessed sya sa improvement ng kanyang mga produkto kesa sa pagkita ng pera. At obviously, kung maganda at exceptional ang  mga produkto, automatic na bibilhn ito ng mga consumer.

Weird na tao si Steve Jobs. Hindi sya madaling makasundo at hindi rin sya madaling dalhin. Yan ay ayon na rin sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Malimit nyang dayain ang kanyang mga kaibigan sa pera. Tinaggalan niya ng stock options ang ilan sa kanyang mga collegaues. For no particular reason, pina-fire nya ang kanyang mga staff. Parang wala lang.  Trip lang. Alamat na rin ang kanyang pagtataray sa mga waiters, pag-insulto sa kanyang mga business contacts at ang panghihiya niya sa mga iniinterbyu nya sa mga aplikante ng Apple. Wala syang pakialam kung may masasaktan sya. Tinatawag niya ang kanyang mga colleagues  na”fucking dickless assholes” at “brain-dead.” Pero sa kabila ng mga ito, mayroon din daw syang pusong mamon. Sa katunayan, “cry-baby” nga raw itong si Jobs. Nang hindi nya nakamit ang “Man of the Year” cover ng TIME magazine  noong siya’y 27 taong gulang pa lamang, humagulgol si Jobs na parang bata.

Sabi ni Isaacson, hindi naman daw visionary o talented electronic engineer si Steve Jobs. Sa katunayan, college dropout siya. Pero pambihira syang negosyante. May focus, may intuition at malakas ang pulso para sa kanyang intended market. Noong una niyang ni-launch ang iTunes, na-predict ng mga marketing people na bebenta ito ng one million songs sa loob ng anim na buwan. Anim na araw pa lang, na-hit na ni Jobs ang one million songs. Ganoon siya katindi. Sa buong libro, paulit ulit na sinabi ni Isaacson ang salitang “passion” sa paglarawan kay Jobs. “Steve’s passion for perfection,” “passion for industrial design,” “passion for awesome products.” Kumbaga sa apoy, naglalagablab si Steve Jobs. Ayaw paawat.

Pero pitong taon din siyang nakipaglaban sa cancer. Sabi nga ng mga doctor, kung nag avail sya ng mainstream medical treatment, malamang na buhay pa siya hanggang ngayon. Pero nag alternative medicine siya, Hindi siya nagpa-surgery. Pinagpatuloy nya ang pagiging vegan. Kahit sa kanyang personal lifestyle, inadapt pa rin ni Jobs ang kanyang motto na: Think Different.”

Pinalaki tayo sa notion na dapat lagi tayong maging nice, straight at mabait para magtagumpay. Si Steve Jobs daw ang nagpatunay na hindi ito laging totoo. Sa katunayan nga raw, noong 2008, nang i-p-publish na ng Fortune magazine ang isang damaging article tungkol kay Steve Jobs, nilusob niya ang managing editor ng magazine at buong tapang na sinabi: “So you’ve uncovered the fact that I’m an asshole. Why is that news?

Ano ka? Ikaw na ang maging Steve Jobs.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Personalities. Bookmark the permalink.

3 Responses to Mga Leksyon sa Buhay ni Steve Jobs

  1. akona says:

    so tama na ang bait-baitan? hehehe

  2. Korek. At huwag ka na ring maliligo o gagamit ng deodorant.🙂

  3. Ang talambuhay ni Steve Jobs ay matalinghaga. Sabi nila, masyado daw siyang perfectionista, mapagmagaling kaya hindi maintindihan ng ibang tao. At sa katigasan ng ulo niya, hindi siya nagpagamot kaagad sa kanyang sakit na pancreatic cancer, He refused potentially life-saving surgery for 9 months. Sayang at sana buhay pa siya ngayon. Pero respetuhin na lang natin ang kanyang kontribusyon sa buong lipunan. Gone too soon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s