Haybol for One

Mahigit na sa 20 taon simula nung binili ko ang librong “Living Alone and Liking It,”ni Lynn Shahan (Warner Books, 1981, 221p). Naaalala ko, binili ko ito sa halagang Php70 sa National Bookstore nung nagsimula akong tumira ng mag-isa sa UPCO housing sa UP Los Banos. Nahilig akong magbasa ng mga self-help books at ang pakiramdam ko, sa pagbili ko ng libro ni Shahan, parang armado na rin ako sa pagtahak sa buhay nang nag-iisa. Matagal nang  nakatago sa aking bookshelf sa bahay namin sa Paranaque ang libro ni Shahan. Nitong huli kong uwi, kinuha ko ulit ang libro at dinala rito sa Taipei. Feeling ko, kailangan ko ulit siyang basahin.

Nahahati sa tatlong bahagi ang libro: Una, ang “The Adjustment to Living Alone;” pangalawa, “Making Your Own Fun;” at pangatlo, “Practical Aspects of Living Alone.” Sinasabi sa libro na sa totoo lang, hindi naman talagang madaling mamuhay ng mag-isa. Kasi pinanganak tayong social animals. Kailangan natin ng kasama, kausap, kaakibat, ka-partner sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Pero bakit ayun din sa libro, mas dumarami ngayon ang mga taong gustong mamuhay ng mag-isa?

Kung ako ang tatanungin, hindi na ako naniniwala sa kasabihang you need someone to complete you. Si Jerry Maguire lamang ang nagpasikat nyan at marami sa atin ang naniwala. Hindi totoo yun. Tayo mismo ang kukumpleto sa ating mga sarili at hindi guarantee na pag may kasama ka o katambal ka sa buhay e kumpleto ka na. Dumarami ang namumuhay ng mag-isa kasi iba ang pakiramdam na ikaw at ikaw lamang ang accountable sa sarili mo. Magagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin nang walang sumasaway, nagbabawal at kumukutya sa `yo.

Pero yun nga. May gestation period bago mo mapag-aralang masayang mamuhay ng mag-isa. Isa na nga rito ang pagdating ng holidays at weekends. Let me quote from the book. Sa page 89, sabi ni Shahan: “Holidays can produce moments of acute depression for the person alone. Even for people who live alone happily, holidays can be difficult. There is a feeling that “everyone’s having a good time except me. I am happy to report, however, that this is changing.”

Maraming suggestions si Shahan kung papaano ka mabubuhay ng mag-isa. Kailangang maka-cultivate ka ng hobbies. Kailangang planuhin mong maigi ang yong mga holidays and weekends. At, kailangan ka ring mag-establish ng iyong circle of friends. Hindi mo naman sila papatirahin sa bahay mo. Pwede mo silang imbitahan sa bahay mo paminsan minsan o pwede rin kayong magkita sa labas. Ang hindi ko pa lang yata nagagawa at tila hindi ko masakyan ay ang suggestion ni Shahan na mag-celebrate ka ng party kahit nag-iisa. Parang hindi ko yata trip yun. Party for one? Kayo, kaya nyo?

Anyway, sa mga tulad kong single and “singular,” makinig kayo. Napapag-aralang maging masaya kahit nag-iisa. In fact, ito nga ang paulit-ulit kong sinasabi sa mga kaibigan ko. I have never been happier than I am now. Lalo na nung namumuhay na akong mag-isa sa ibang bansa. Totoo, may mga sandaling matindi ang dalaw ng lungkot, takot, pangamba. Pero ganun lang naman ang buhay, di ba? If you’re down, there’s no way to go but up.

Hindi ko alam kung subconscious ko ang nagdikta nito, pero sa isang script na sinulat ko ng matagal na, may isa akong character dun na nagpayo sa kanyang pamangkin. Tanda ko pa ang buong linya nya verbatim: “Alam mo,” sabi nung tiyo sa pamangkin nya. “Dapat matuto kang mag-isa. Dapat marunong kang makipag-usap sa yong sarili. Ang tao, pinanganak ng mag-isa, mamamtay ding mag-isa. May nakita ka na bang dalawang tao na nagsukob sa iisang kabaong?”

Yun na.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Entertainment, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s