Awit Kapal

Insecure akong editor at writer. Nahihiya ako kapag pinapakilala akong writer kasi  kahit kelan hindi ko yata kayang ihanay ang aking sarili to the likes of Nick Joaquin and Stephen King. Oo nga’t may talent akong magsulat pero ang pakiramdam ko,  tone-tonelada pang asin ang aking kakainin para maging mahusay na writer..

Pero pag inintroduce akong singer, ahem…medyo secure ako dyan. Di nga. Kung may isang talent na secure at confident ako, yun ay ang kakayahan kong kumanta. Hindi ako the best pero kapag naririnig ko ang mga recording ng kanta ko, nahuhusayan ako sa sarili ko. Sa totoo lang, kung may isang field of endeavor na nag-e-enjoy ako talagang gawin, yun ay ang kumanta.  Call me a singer at hindi ako mahihiya. Dapat pala yun na lang ang nakalagay sa calling card ko. Ronald Mangubat: Singer. Naks!

Pero as a singer, frustrated pa rin ako. Kasi, high school pa lang, pangarap ko ng maging rock singer. Sa katunayan, idol ko noon sina Billy Joel, Rick Springfield at ang The Police, kung saan nagsimula si Sting. Kanya lang, hindi ako bagayan ng rock songs. Asiwa daw akong pakinggan na bumabanat ng rock. Talagang balladeer daw ako. Pang Frank Sinatra at Nonoy Zuniega. E sa videoke bars, lahat na yata ng lalaking Pinoy kaboses ni Nonoy, papaano pa ako makakapag-establish ng identity nyan?

Di bale, andyan naman sina Michael Buble at Josh Groban–yan. Kaya ko ang repertoire nila.

Isang classic na kuwento tungkol sa kakapalan ng mukha ko sa pagkanta ay nangyari sa Thailand. Yun yung time na umattend ako ng VIV Journalism Program at kasama ko ang may 20 agri-journalists all over Asia.  May kasama akong Pinoy, si Arianne, na based sa Singapore. Yung last night ng socials namin, tinawag lahat ng delegates isa-isa sa stage para daw kumanta.

“Naku, Manong,” bulong sa akin ni Arianne. “Patay tayo dyan! Ikaw kakanta, ha.”

“Ngek, ba’t ako? Dyahe ako.”

Sinasabi ko pa lang yun, eto na’t nag-announce na ang emcee. “Our representatives from the Philippines, please…”

Naku eto na. Medyo, iiling-iling pa ako kunyari.

“Ronald, just one song,” sabi ni Lada, ang aming Thai  organizer.

So tayo ako. May kinuha lang sa bag. Bago umakyat sa stage, may binigay ako sa DJ. “This is my CD. Please cue cut number eight.”

Professional si Manong DJ. In less than 10 seconds, tumunog ang minus one ng “The Way You Look Tonight” na version ni Martin Nievera. At buong kakapalan kong ni-render ang kanta with matching smooth smiles and  gestures. Nag-wild ang audience. They liked my song!

Naloka si Arianne. Pero di rin sya nagpatalo. Pumili din ang bru ng isang rock song at bumirit on stage.

Mga Pinoy talaga, basta kantahan. Talaga naman.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Humor, Reflections, Travels. Bookmark the permalink.

9 Responses to Awit Kapal

  1. Aida says:

    Yan ang tinatawag na Laging Handa. Boy Scout ka ba dati Ronald? … Seriously, I enjoyed reading your story. Can’t wait to “click” your other blogs.

  2. Permskee says:

    Sa title pa lang napangiti na ako! I totally enjoyed reading this blog. I will definitely bookmark this web page.

  3. Maraming salamat, Aida and Daye. Kantahan tayo pag-uwi ko.🙂

  4. VVV says:

    RM, super galing k talaga kapag s kantahan,,i remember pa nung ikaw ang kumanta s wedding namin ng nasira kong husband,,masyado ako na in love s kanta mo,,,he he he,,s kanya pala

  5. salamat, ate vi! yes, naaalala ko yun. sa may intramuros, di ba? memories!

  6. nymfs says:

    hi ronald! galing naman! talented ka pala! i didn’t know back in IDC na singer ka…. sa writing, magaling ka din…. mag-eenjoy ba kami mga readers mo if di ka good writer?

  7. salamat, nymfs. sayang, sana nagpang-abot tayo dito sa Taipei. saya siguro.

  8. mavic echavez says:

    “bakit ako?” Iiling iling ka pa kunyari nung tawagin ka para kumanta….
    pagtayo mo naman e sabay kuha ng CD at bigay sa DJ
    “This is my CD. Please cue cut number eight..”
    nakaready pala! Hahahahahaha!

    Dami ko alala sa’yo mga scenariong ganito…
    tapos habang papunta sa stage lilingon ka at uumis sa amin…
    umis na parang sinasabing “yes! kakanta ako!”
    may munting kindat, kuning kuning na shyness but super excited! LOL
    naaalala ko at namimiss ang mga umis mo na yun..
    kasama na ang bagpack na lagi mong karay karay
    at yes…ang mga di nawawalang CD within! LOL

    When can I listen to your songs again, my friend?
    …in time… 😀

  9. grabe ka, mavic. sobra kitang na-mi-miss!!!! naaalala mo ba nung nag record pa tayo ng kanta ko sa bahay mo? I miss those days!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s