The Journey, So Far

May bago akong pang-relax–ang makinig sa album ni Lea Salonga na “The Journey, So Far.” Ito ang live recording ng concert ni Salonga sa Cafe Carlyle, New York City, mga buwan ng Pebereo at Marso nitong taong ito. Noong mabasa ko ang column ni Salonga sa Inquirer noong isang taon na sinabi niyang mag-co-concert siya sa New York, naging interesado na ako. Gusto ko kasi si Lea. Bagama’t marami ang nagsasabing isnabera at elitista sya, okay lang sa akin kasi ang hinahangaan ko naman sa kanya ay ang kanyang talino at talento.

Binasa ko ang review ng New York Times tungkol sa Cafe Carlyle concert ni Lea at lalo akong naintriga. Kasi maganda ang mga review. Kaya laking tuwa ko nang malaman kong downloadable ang nasabing concert sa I-Tunes. Ang buong album ay naglalaman ng 16 na kanta, 2 rito ay mga awiting Tagalog–ang “Salamat, Salamat Musika,” isang komposisyon ni Gary Granada na unang inawit ni Nanette Inventor at ang classic na “Waray Waray,”  komposition naman ni Juan Silos, Jr. na pinasikat ni Sylvia La Torre. The rest are mainly broadway songs and movie themes, mga music genre na talagang angkop sa boses ni Lea. Syempre, hindi mawawala ang mga kantang identified sa kanya. Ang “Reflection” na theme song ng Disney animation film na “Mulan” at ang “A Whole New World.”

At paano nga ba nilalarawan ng mga critics ang boses ni Lea Salonga? Kalimitan kong nababasa ang term na “bell-like.” “Salonga’s bell-like voice,” ganyan. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay di ko buong ma-grasp at mainitindihan yun. Ibig bang sabihin nito ay boses kampana si Lea? Hmmm….Ewan. Para sa akin, malinaw, matagingting, cultured at aral ang boses ni Lea. Na re-relax akong pakinggan ito, lalo na kapag ballads ang kanyang kinakanta (sa album, subukan nyong pakinggan ang “Someone to Watch Over Me” ni Gershwin and you will know what I mean).

Kanina nga ay pinapakinggan ko ang buong album sa aking headphone habang tinatapos ko ang powerpoint presentation ng aking boss. Ginanahan akong magtrabaho. Bukod sa mga live songs, marami ring adlib si Salonga sa kanyang concert–mga kuwento nya tungkol sa pagsisimula niya sa showbusiness, ang nanay nya, ang pag-audition nya sa Miss Saigon, ang pagkakilala niya sa asawa niyang si Rob Chien, at marami pang iba.

Sa dinami-dami ng Pilipinong singer na kung tutuusin ay mas maganda pa ang voice quality kay Lea, bakit sya katangi-tangi? Kasi nga, world-class sya. Primera ang kalidad. Kumbaga sa bag, Hermes. Kung sa relo, Cartier. Kung sa damit, Valentino. Kung sa Sapatos, Blahnik at Choo. Oo, may class si Lea, and that separates her from the rest.

Sa youtube, may dalawa akong comment na nabasa tungkol sa live concert nya sa Carlyle Cafe. Galing ito sa mga foreigners. At sa palagay ko, they pretty much sum up what I want to say about Lea. Eto ang mga sinabi nila:

“Not many popular American singers can do this….. a live concert in an intimate setting. it takes pure unadulterated talent to pull this off flawlessly.”

Eto naman ang sabi nung isa: “Lea: Beautiful, intelligent, charismatic, accentric (British accent, American accent, Filipino accent), lovely, smart, gorgeous, sweet, awesome, cute, attractive, pretty, graceful, delicious . . . .”

Take a bow, Lea. You are truly loved.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Music, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to The Journey, So Far

  1. Itong CD na ito was taken from her first Cafe Carlyle gig on March 23, 2010. The New York Times reviewed Lea Salonga’s concert in June 2011 and which covered a different set list. Here’s her set list:
    Opener: Orange Colored Sky/The More I See You/How About You?
    I See Your Face Before Me
    I’ve Been Everywhere
    Femininity/I Enjoy Being a Girl
    Love, Look Away
    Blackbird/A Quiet Thing
    How Do You Keep The Music Playing?/How Deep Is The Ocean?
    Nearsighted
    Nice Work If You Can Get It
    Everybody Says Don’t
    Our Love Is Here To Stay

    And a snippet of her live show: http://www.youtube.com/watch?v=dlFYgQlJytg

  2. Thank you so much, Marge! Just replied to your latest email. Maraming salamat in advance!!!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s