Autumn in Taipei

Magkasunod na tumunog ang dalawang alarm clock na pareho kong sinet sa 6:00am kagabi. Nag-inat-inat pa ako. Ang sarap pa sanang matulog kasi malamig. Nitong nakaraang linggo, hindi na ako nagbubukas ng aircon. Tamang-tama lang ang temperature para sa akin. Malamig, pero di matalas. Di nanunuot. Mas gusto kong gumising ng maaga kasi relax kong napapaghandaan ang araw. Hindi ako nagmamadaling maligo, magbihis, mag-almusal.

Ngayong umaga, relax na relax akong nag-almusal ng cereals habang nanonood ng CNN. Hindi masaya ang balita. Lumulubog sa baha ang Bangkok at dumarami ang bilang ng mga earthquake victims sa Turkey. Ayokong paapekto sa balita kaya nilipat ko ang TV channel sa Discovery Lifestyle Channel kung saan palabas ang “Fun Taiwan” kasama ang paborito kong Taiwanese TV host na si Janet Hshieh. Pilit kong kinakalkal sa memory file ng aking utak kung sino ang counterpart nyang TV host sa Pinas. Yung bata na matalino at articulate na sexy at maganda pa. Wala akong maisip. Walang kapantay si Janet Hshieh.

On the dot, sinundo ako ni Mr. Ho, ang company driver namin, ng 8:15 am. “Chao,” ang masaya nyang bati. “Good morning,” ang nakangiti kong sagot. “No sha-yie, today?” Tinanong ko kung uulan ngayon. “No, no, no,” sabi ni Mr. Ho. Today, weather hen-hao (very good).

At sinimulan na naming lakbayin ang 3.3 km na distansya mula sa bahay na tinitirhan ko hanggang sa opisina. Una kong napansin, halos lahat ng taong nadaanan namin ay naka jacket o sweater na. Pero yung mga light jackets lang. Hindi yung makakapal. Maraming nakapilang tao sa Starbucks,  Dante at Ikari coffeeshops. Marahil ay kailangan nilang bumili ng kape o tsaa para mainitan ang kanilang mga sikmura. For the nth time, nakasabay na naman namin sa highway itong mag-amang naka-motor. Yung tatay ay siguro’y in his early `40s, matipuno at mukhang nagtatrabaho sa bangko dahil naka office attire. Yung bata naman, siguro mga eight years old na tabachoy. Naka school uniform ito at naka-backpack. Angkas-angkas siya ng kanyang ama. Marahil ay ihahatid muna sa school ang bata bago pumasok ang tatay sa opisina.

Kapag napadako na kami sa Da’an park, alam kong minuto na lang ang bibilangin at nasa office na ako. Nag-red ang traffic light kaya napatingin ako sa mga taong nasa park. Karamihan ay mga matatanda, nag-j-jogging o nag-b-brisk walking. Yung ilan, nag-t-tai-chi. May mangilan ngilan ding bagets na pinapasyal ang kanilang mga aso. Wala kaya silang pasok? Baka mamaya pa.

Napatingala ako sa mga puno. Nagbabagong kulay na rin ang mga dahon. Parang sa Korea. Autumn na rin sa Taiwan. Nagiging pula at dilaw na ang mga dahon. Naalala ko. Ni-research ko yan nung isang araw. Sabi sa google: “In some trees, like maples, glucose is trapped in the leaves after
photosynthesis stops. Sunlight and the cool nights of autumn cause the leaves to turn this glucose into a red color. The brown color of trees like oaks is made from wastes left in the leaves. It is the combination of all these things that make the beautiful fall foliage colors we enjoy each year.”

Boring ang technical scientific explanation. Basta sa akin, ang autumn ay pagbabagong dahon–literally and figuratively, nagbabagong anyo at nag-iiba ang lahat: ang klima; ang puno; ang dahon; ang damdamin; ang pananaw; ang puso.

Nakarating din kami sa wakas sa opisina. Bumaba ako sa sasakyan at huminga ng malalim. “I love autumn,” bulong ko sa sarili.

May malakas na hangin na sumalubong sa akin. Nangiti ako. Bago ako pumasok sa elevator, nakita ko ang sarili ko sa glass do0r ng building. Parang iba ang hitsura ko ngayong umaga.

“Anong iba? bulong ng kaliwa kong utak. Pagbali-baliktarin mo man, mataba ka pa rin.

“Mataba nga, pero masaya. Inspired. In the mood,” sigaw ng kanan kong utak.

Humahalakhak akong pumasok sa elevator. Natawa sa akin ang guwardya. “May sayad siguro tong Pinoy na to.”

Baliw.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s