Kris TV

Hindi ko gusto si Kris Aquino dahil sa maraming dahilan. Unang una, masyado syang popular at mayroon akong aversion sa mga bagay at tao na masyadong sikat. Pangalawa, isa ako sa maraming Pilipino na naartehan sa kanya. Pangatlo, tactless nga siya. Pang-apat, self-indulgent siya. Kapag nag-iinterbyu sya, sa kanya napupunta ang atensyon imbes na sa kanyang iniinterbyu.

Pero hindi ko alam kung bakit nitong dalawang buwan ay araw-araw kong sinubaybayan sa internet ang kanyang morning show na “Kris TV.” Araw-araw itong ine-ere sa ABS-CBN from 9:30am to 10:30am. By 12 noon, naka-upload na ito sa internet at habang kumakain ako ng tanghalian, pinapanood ko siya. Inaamin ko, ang dati kong inis ay unti-unting napalitan ng amusement at dahan-dahang paghanga. Hindi ko sinasabing fan na ako ng kapatid ni P-Noy. Ang sinasabi ko, gusto ko na siya ngayon.

Bakit nga ba? Siguro kasi napansin kong ang laki na talaga ng inimprove nya as a television talk show host. At bagama’t nandun pa rin ang kanyang pagka taklesa, ito ring trait na ito ang nakaka-endear sa kanya sa kanyang mga tiga-subaybay. Ina-admit kong ako man ay natatawa sa kanyang mga soundbites lalo na kapag siya mismo ang nakapuna sa kanyang sarili. Gaya ng minsan, sasabihin niya: “Naku, pagagalitan na naman ako ni P-Noy dahil sa kadaldalan ko. Pero di bale, nasa eroplano siya ngayon at di na niya ito mapapanood.”

Ayon sa isang artikulo ng YES magazine, isa sa mga dahilan kung bakit naging number one product endorser  si Kris Aquino ay dahil daw sa kanyang pambihirang honesty. Ang buong buhay niya ay isang bukas na libro at alam ng buong bansa ang halos lahat ng kanyang pinagdaanan. Warts and all, tinanggap siya. Pinatawad siya. Hinangaan siya.

Sa “Kris TV, “kapansin-pansin na mahal ng anak ni Cory at Ninoy ang kanyang trabaho at sobrang masipag niyang ginagampanan ang kanyang role bilang TV talk show host. To the point na minsan, kapag bumibisita siya sa mga featured nilang bahay ng kanilang mga celebrity guests, siya mismo ang nag-di-direk sa cameraman kung saan i-a-anggulo ang camera. “Oy, kunan nyo ito. I-close-up mo,” sasabihin nya sa cameraman.

Ang pakiramdam ko, kinareer talaga ni Kris Aquino ang kanyang pagiging number one product endorser at TV talk show host. And it shows. Kung ako nga na dati ay nangingiwi kapag nakikita ko siya sa TV ay naaaliw na sa kanya ngayon, palagay ko, mayroon talaga siyang nagagawang tama at mabuti.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, TV. Bookmark the permalink.

3 Responses to Kris TV

  1. meg says:

    aminin na kasi na fanka na at kalahi ka na ni amj hehehe🙂

  2. sorry, solid sharonian lang ako, gemma. pag pumayat si mega aamin ako.🙂

  3. TagoFabic says:

    Agree. Sabi nga ng kaibigan ko, “the reason why people love her is the very same reason others hate her.”😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s