I Don’t Know How She Does It

Mahal manood ng sine sa Taipei. $NT350-$NT380 ang bayad sa ticket depende sa kung anong pelikula ang papanoorin mo. Katumbas nito ay halos Php700 na. Kung sasamahan mo pa ng popcorn, softdrink at hotdog, kulang na lang ng konti at isang libong piso na ang halaga ng panonood ng isang sine. Nung una akong manood ng sine sa Tainan nine years ago, mabibilang mo ang taong nasa loob ng maliit na sinehan. Kasi nga, mahal. Pero ngayon sa Taipei, nakakagulat. Kahit na mahal ang sine, ang haba pa rin ng pila lalo na kung box office hit sa Hollywood ang pelikula. Nagiging adik na yata sa sine ang mga Taiwanese.

Kung sabagay, hindi ko sila masisisi. Ako man, adik sa pelikula. Katunayan nga, pigil na pigil ko pa ang aking movie watching habit dahil nga sa tindi ng presyo ng movie ticket dito sa Taiwan. It goes without saying na pinipili ko talaga ang sineng papanoorin ko. Kanina, nung nakita ko sa Vie Cinemas ang poster ng pelikulang “I Don;t Know How She Does It,” wala akong idea kung anong klaseng pelikula ito. Wala akong nababasang review pero nakita kong nagkalat ang pocketbook version nito sa Page One bookstore sa Taipei 101. Ang alam ko lang si Sarah Jessica Parker ang bida. At dahil gusto ko siya at gusto kong sulitin ang aking bakasyon, pikit mata akong bumili ng ticket at pumasok sa loob ng sinehan.

Ang aking verdict? Maganda ang pelikula. Tungkol pala ito sa isang working mom at kung paano niya na juggle ang pagiging isang ina at career woman at the same time. Totoong napakasimple ng kuwento, pero ang husay ng pagkakahabi nito. Para siyang docu drama na maraming  voice overs, interviews at kung ano-ano pang visual flourishes na totoo namang nakatulong sa paghabi at pag-usad ng istorya ni Kate Reddy (Sarah Jessica Parker), isang finance analyst na pinipilit maging isang mabuting housewife. Nang hawakan niya ang isang company project kung saan kinakailangan niyang magbiyahe sa iba’t-ibang lugar, lalo siyang nahirapan na mag balance sa pamilya at sa career. Nariyan yung sa gitna ng isang corporate meeting ay nagkakamot siya ng ulo dahil nahawaan siya ng kanyang anak ng lisa (hair lice). Nandyan din yung kinakantahan niya ng lullaby ang kanyang anak sa telepono in between company meetings.

Highly feminist ang pelikula at sine-celebrate ang pagiging mga superwomen ng mga modernong kababaihan ngayon. Na dapat lang naman dahil tunay silang kahanga-hanga. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko si Sarah Jessica Parker na gumanap sa isang role na ang portrayal nya ay malayo sa kanyang Carrie Bradshaw character sa “Sex and the City.” Mahusay din si Greg Kinear bilang asawa ni Parker at si Pierce Brosnan, bilang isa sa mga naging boss ni Parker.

So na-juggle ba ng husto ng character ni Parker ang kanyang role bilang ina at career woman? Maganda ang resolusyon ng conflict at ang pakiramdam ko, maraming kababaihan ang makaka-relate sa naging takbo ng istorya.

Hindi ko alam kung kumita ang pelikulang “I Don’t Know How She Does It” sa Amerika at di ko rin alam kung napuri ito ng mga critics. Pero para sa akin, isa ito sa maituturing kong pinakamagandang pelikulang napanood ko ngayong taon.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s