Holiday Bliss

Araw ng lunes ngayon, October 24 at wala kaming pasok. United Nations day ngayon at ang mga empleyado ng international organizations tulad ng opisina namin ay pinayagang magpahinga ng isang araw. Sarap! Matapos ang tatlong linggo ng pagkangarag, ngayon lang ako talaga makapagpapahinga.

Actually, matagal ko ng inanticipate ang long weekend na ito. Sa airport pa lang sa Seoul, namili na ako ng mga librong gusto kong basahin. Nung Sabado, bumili rin ako ng woofer speakers para gumanda naman ang tunog nung CD player na minana ko kay Tina, yung dating nakatira sa bahay na tinitirhan ko ngayon. The whole night of Saturday, hindi ako natulog kasi kinareer ko ang pag-download ng live New York concert ni Lea Salonga sa website nya. Dahil hindi ako techie, ang tagal-tagal bago ko na figure out kung papaano magbabayad sa paypal (lagi nitong ni re-reject nung una ang aking mga sinasubmit na information). Kumain din ng ilang oras ang pag d-download ko ng software para mailipat ang mga kanta ni Lea mula sa laptop ko papunta sa aking HTC na telepono. Natapos ako mag a-alas sais na ng umaga. Sumikat na ang araw.

Kagabi, masaya ang aking pamamalantsa kasi ang ganda ng tunog ng mga old love songs album ni Rod Stewart. Ang gandang pakinggan ng mga paborito kong  kanta gaya ng”I’ll be Missing You” at “A Nightingale Sang in Berkley Square.” Bigla ko na naman tuloy naisip kung bakit inisnab talaga ng Grammys si Rod Stewart. Hindi pa sya kahit kelan nagkakamit ng Grammy Award and I think he deserves it. Talagang nangialam.

Ngayong araw, sinadya kong magpatanghali ng gising. Wala akong fixed schedule pero gusto kong mag detox. Kailangang matanggal ang mga toxins sa aking katawan. Iinom ako ng maraming wheatgrass, ginseng tea at noni juice. Sisimulan kong basahin ang binili kong libro tungkol kay Steve Jobs. Tutulog ulit ako pag inaantok at kakain ng masarap na lunch o dinner sa labas.

Hay, heaven talaga. Sana ganito araw-araw.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s