Ang Puso ng Seoul

Tatlong araw pa lang ako sa Seoul, South Korea, pero ang pakiramdam ko, isang buwan na ako rito. Hindi ko ito naramdaman sa ibang Asian countries na napuntahan ko ngayong taong ito. Kumbaga sa tao, madali ko siyang nakapalagayang loob. Vibes ko agad, ika nga, Katangahan ko lang, sa tinagal-tagal ko ng nagbibiyahe, hindi ko na-check sa internet ang weather forecast sa Korea bago ako umalis sa Taipei. Nung inannounce ng pilot sa eroplano na “the weather in Seoul is 14 degrees Celcius, ” napa-anak ng tokneneng na naman ako. Wala akong dalang jacket! Sa pagmamadali ko, ni hindi ko na nabasa ang email ng aking Koreanong officemate na si Ho Kyum Lee tungkol sa kanyang travel advisory kung saan sinabi niyang “the weather may drop down to four degrees during evening or early morning.” Di bale, sabi ko sa sarili. Between cold and hot weather, sa cold ako. Kaya ko yan.

And true enough, isa ito sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko agad ang Seoul. Kahit naglalakad ako sa init ng araw sa katanghalian, ang lamig ng simoy ng hangin. “This is the best time to visit Seoul,” pahayag ni Mr. Lee. “It’s the height of autumn.” Yun pa, ang ganda gandang tingnan at damhin ng autumn season. Ang kukulay ng mga dahon ng puno–matitingkad na pula, dilaw at tila nagkukulay ube ang mga nanlalagas na dahon. Syempre, dahil sa lumaki ako sa isang tropical country kung saan walang autumn, parang gusto kong maglulundag sa tuwa. Babaw ko talaga.

Naka-billet ako sa Vabian Suites II, sa 25-10 Uijuro 1-ga, Jung-gu, St., isang three-star hotel dito sa Seoul. One hundred ten dollars a night ang charge. Mahal, pero ano ba ang ire-reklamo ko. Bayad naman ng opisina ang hotel. For the first time, naka-check in ako sa isang kuwarto na may kusina at walk-in closet sa 19th floor, kung saan ang ganda ng view ng cityscape. Ang sarap sanang magluto, pero ba’t ko naman gagawin yun?

Lahat ng mga taong nakakasalubong ko sa daan ay naka pormal na suit–babae man o lalaki. Ah, kasi nga naman malamig. At dahil sa wala nga akong dalang jacket, yung suit na dapat ay suot ko lang during the duration of the conference ay suot-suot ko all day long. Feeling ko tuloy habang naglalakad ako sa mga lansangan ng Seoul, para akong character sa isang sikat na Korean telenovela na mabilis at nagmamadaling papasok sa opisina.

Tatlong araw pa lang ako rito, pero nakain ko na yata lahat ng masasarap na Korean food–mula sa bulgogi hanggang sa traditional na chicken soup na parang version nila ng arroz caldo sa Pinas. Syempre pa, nagpista ako sa kimchi at ginseng. Pang-anim ko na yatang eat-all-you-can buffet itong dinner namin kanina.

Productive at relevant ang aming workshop tungkol sa “Strengthening Local Food Systems in Asia.” Madali kong na synthesize at nai-presenta sa mga international delegates ang naging “meat” ng pagpupulong. Napuri ako ng boss ko. Bukas, field trip na. Excited na akong gumala. Kanina, sa lobby ng hotel, pagpasok ko, tumutugtog sa piped in music ang “I’d Never Dream You’d Leave in Summer,” isang kanta nina Joan Baes at Stevie Wonder na inawit ng isang torch singer na kaboses ni Laura Fygi. Ang dali ko agad na-high. Para akong kinurot sa puso. Isa yun sa mga paborito kong kanta. Malay ko ba namang maririnig ko ito sa Seoul. Hanggang dito pa ba naman, emote pa rin ako?

Mag-isa akong naglakad sa labas ng hotel. Ang sarap ng weather. Click ako ng click sa aking camera. Lahat ng bagay na tila tumatawag sa akin ng atensyon: ang mga neon lights; ang malinis na highway; ang mga benches sa park; ang mga giant urban sculpture; ang makukulay na dahon sa mga puno. Nginingitian ako ng mga Koreano at Koreanang nakakasalubong ko. Totoo nga palang up close, kay gaganda ng kanilang mga kutis. “Hello,” bati sa akin ng isang batang estudyante. “Hello there,” sagot ko naman. Nag-ba-bye sya.

Dama ko ang maganda at busilak na puso ng Seoul. Definitely, I will be back here,” bulong ko sa sarili.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s