Balik Tanaw

Ang weird kasi parang baligtad. Kaninang umaga, bumalik ako sa Taipei at ang pakiramdam ko, para akong umuwi sa Pinas kaysa the other way around. Gets nyo? Imbes na ma-homesick at ma-miss ko ang Pinas, ang pakiramdam ko, natutuwa akong nakabalik ako sa Taipei. Siguro nga, ito na ang itinuturing kong home base. May kung anong kapanatagan akong naramdaman nang muli kong buksan ang condo unit na tinitirhan ko. Ang tahimik, pero yun talaga ang gusto ko. Marami akong dapat gawin pagkatapos kong alisin ang laman ng maleta ko pero imbes na magbayad ng bills, maglinis, harapin ang nakatambak na naghihintay na trabaho, ang ginawa ko ay dumiretso ako sa kama at natulog. Pagod na pagod ako. Gusto ko talagang magpahinga ng matagal. At yun na nga, buong araw akong natulog.

Kanina ko pang tinatanong ang aking sarili kung paano ko ma-s-summarize ang 17 araw kong pagtigil sa Pinas. Parang ang bilis ng lahat. Marami akong nakitang kaibigan (at marami ring hindi dahil kulang na sa oras) at na-update ako sa mga goings-on ng mga ka-close ko sa Maynila. Sobrang saya ko na makita silang lahat pero isang realization ko ay napaka stressful din na magpalundag lundag buhat sa isang reunion patungo sa isa pang social gathering. My spirit is willing but my body does not cooperate like it used to. Hindi na ako sanay sa inumang pa-morningan. Hikab ako ng hikab sa araw kasi kulang ako sa tulog. Ang sakit-sakit lagi ng likod ko, kinailangan kong magpamasahe almost every other day.

Hindi na rin ako sanay sa traffic. Ang bilis pang uminit ng ulo ko kapag 15 minuto akong nagbabantay ng taxi tapos walang magsakay. Napapailing na ako sa tuwing dumadaan ako sa walang katapusang road diggings na nagdudulot ng matinding traffic. Ingat na ingat ako kapag naglalakad sa Edsa at sa mga lansangan ng Pasay kasi ayoko na talagang madukutan. Halos akapin ko na ang aking backpack.

Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko, parang lumiit ang tingin ko sa Maynila. Parang nag shrink ang size ng Edsa. Parang lumiit ang Makati. Kahit ang kuwarto ko sa bahay namin sa Better Living, parang ang liit. Ba’t kaya ganun?

Sobrang magastos ang umuwi. Hindi ako nag-re-reklamo. I am just stating a matter of fact. Kabado akong i-compute kung magkano ang babayran kong credit card bill sa susunod na buwan. Mukhang hihimatayin ako.

Sa kabila ng lahat ng ito, sobra  ring saya ang nararamdaman ko dahil nakauwi ako at nakita ko ang aking pamilya. Ang nanay ko na tuwang tuwa nung makita nya akong bumalik, ang mga kapatid at pamangkin ko, at syempre, ang mga kaibigan ko na throughout these years, sila ang nagiging source of strength and inspiration ko. Sila na nakasaksi sa akin at my best and at my worst. Sila na walang husga na nag-che-cheer pa rin sa akin kahit palpak ako minsan. Sa kanilang lahat ako nakakaramdam ng unconditional love.

Kanina, pagkatapos ng halos pitong oras kong pagtulog, nagising ako. Pagmulat ng mga mata ko, akala ko’y nasa Maynila pa ako. Tapos nag dawn agad sa akin ang realization na wala na ako sa bahay. Nasa Taipei na ulit ako. Ah, oo nga pala. Sabi ko sa sarili. Bahay ko na rin ito.

I am home.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to Balik Tanaw

  1. Jeannie Pacheco says:

    hindi ko alam ang reaksiyon ko sa blog na eto. Matutuwa ba ako o malulungkot. Tunay na ngang isang Pinoytaipeiboy ka na… sadyang ang pangingibang bansa mo ay nagdulot sa iyo ng mas malawak na pananaw.

    Bagamat hindi pa ako nakakatuntong ng Taipei, sa blog na eto, parang nararamdaman ko na malawak ang bago mong tahanan, maaliwalas, at tila “cosmopolitan”…. Talagang kailangan ko pumunta diyan para maka relate ako sa iyo at makatulong na sagutin ang iyong mga katanungan.

    Sana hindi mo naiwan ang aking pasalubong…este…pauwi… kulang ang labingpitong araw para mo mapagbigyan lahat ng iyong kaibigan…kaya ka nagkaganyan!!! Pasalamat na lang ako …at nasa priority list ako..
    HAHAHAHAHHA….dapat lang, diba?

    I miss you my friend… inaayos ko na ang passport….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s