May Kung Anong Panglaw

Sobra akong naging busy nitong nakaraang tatlong araw. Sa gitna ng aking sipon at ubo, paroo’t-parito ako. Hindi lang mismong pag-attend at pag-intindi sa technical seminar ang aking inatupag. Sinigurado ko rin na nag-enjoy ang aming mga foreign delegates. Sinamahan ko sila sa shopping, nag-entertain ng husto sa mga socials, tsumika at nakihalakhak kahit pagod na. Nang matapos ang aming farewell party,  ang daming nag-imbita sa aking kaibigan na lumabas para mag-unwind. Pero, gumawa na lang ako ng maraming excuses.  Sa totoo lang, gusto ko lang talagang mag-isa. Bumalik ako sa kwarto ko sa hotel.  Hindi ko binuksan ang TV. Ayokong makarinig ng kung anong ingay. Nagbihis  ako, pinatay ang ilaw, humiga sa kama, nagbalot sa kumot at nagdasal na sana…sana mahimbing ang tulog ko. Pakiramdam ko ng mga sandaling yun, bigyan man ako ng malaking halagang salapi para lumabas at mag-enjoy, hindi ko ito tatanggapin. Ang tangi lang makakapagpaligaya sa akin ay isang mahimbing at matiwasay na tulog.

Ang aga kong nagising pero kita ko agad sa labas ng bintana ng hotel na malakas ang ulan. May bagyo ba? Mukhang wala naman. Bumaba ako para siguraduhin na isa-isa na ngang nag-aalisan ang aming mga delegates. Pinaco-compute ko na ang bill na babayaran ko sa aking kwarto. Habang tina-type ko ito, rumaragasa ang malakas na ulan. Ang sarap ulit sanang humilata at matulog pero marami pa akong dapat gawin. Kailangan ko na namang mag-empake.

Sa mga ganitong pagkakataon, yung moment na tapos na lahat at naghahanda na akong umuwi, nakakaramdam ako lagi ng kakaibang klase ng panglaw. Parang nitong mga nakaraang araw, tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Para akong makina na nasusian. Pero nung natapos na ang aking trabaho, parang gusto ko pang magtuloy-tuloy. Parang ayaw ko pa syang matapos.

Alam ko, pansamantala lang na pakiramdam  na ito. Mamayang hapon, nasa Quezon City ako at a-attend ulit ng isang reunion ng mga kaibigan. Aakyat na naman ang mood ko. Ganun lang naman talaga yun.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Homecoming Stories, Reflections, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s