Pag-aabang sa Bukang Liwayway

Pangalawang araw ko ito sa Trader’s hotel. Kagabi, sinet ko ang alam clock ng alas singko ng umaga. Isang oras siyang mas maaga kesa sa aking regular waking time na alas sais. Ang dahilan–gusto kong makita ang bukang liwayway. Drama no?

Ewan ko, pero sa edad kong ito na 47, ang panonood sa paglubog at pagsikat ng araw ay nagkakaroon ng mas ibayong kahulugan para sa akin. Mas nagiging emosyonal ako sa pagbabago ng araw, sa pagtingin sa pagpapalit ng mga kulay sa langit.  At sa pagkakataong ito, gusto kong abangan ang aking unang Philippine sunrise makalipas ang anim na buwan. Drama talaga.

Eto ang mas drama. Kahit ako na-O-A `yan.

Nung isang araw, nakasakay ako sa taxi galing Makati nang lumiko ang sasakyan sa may bandang Mall of Asia. Nung nakatira pa ako sa Pinas, dito ako bumababa araw-araw para sumakay ng jeep papuntang Better Living. Napatingala ako at nakita ko ang papalubog na araw–my first Philippine sunset in six months. Para akong kinurot sa puso. Naluha ako.

Bakit kanyo? Kasi between October of last year and the time I went to Taipei last March, halos araw-araw akong nagpupunta sa Manila Bay para kunan ng picture ang sunset. Daan-daang sunsets na ang aking nakunan mula sa may Cultural Center of the Philippines hanggang Mall of Asia. Yan yung mga panahon na kabibili ko lang ng aking unang DSLR na Nikon camera at sunset ang aking unang naging paboritong subject.

Nakakalma ako kapag nakikita ko ang sunrises at sunsets. Para akong nagbabagong dahon. Hindi ko kailangang magsalita. Nararamdaman ko ang pagbabago ng paligid at nababago rin ako nito.

So, if you’ll excuse me, tatapusin ko na ito. Nakahanda na ang aking upuan at ang aking fully charged na battery ng camera.

Aabangan ko na ang pagbubukang liwayway. Nagsisimula nang sumilip ang tila nahihiyang araw sa mga asul na ulap.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Homecoming Stories, Reflections. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s