Ang Kalbaryo ni Gerry

Hindi ko alam kung ano ang kanyang nakain pero makalipas ang halos 25 taon simula nung huli kaming magkita sa kolehiyo, bigla na lang sumulpot sa Facebook ang aking kababayan at kaklaseng si Gerry (Hindi niya ito tunay na pangalan. Binago ko to protect his privacy). Brief bacgrounder: schoolmate ko since elementary si Gerry. Magkahiwalay lang kami ng section nung high school, pero magkasama kami sa mga activities nang eskwelahan Nung magkolehiyo kami sa U.P. Los Banos, naging dormate ko rin sya. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi kami close talaga sa isa’t-isa. Di ko alam kung bakit pero hindi sya yung tipo ng tao na lalapitan ko kapag ako’y may mabigat na problema. Mahirap i-explain basta as far as myself is concerned, friend ko lang si Gerry. Hindi talaga close friend.

So laking gulat ko na lang nang mag-pop-put ang message nya sa FB chat. Nagkumustahan kami for less than a minute, and when it was my turn to ask him how he was doing, para syang isang dam na pumutok at bumuhos. “My marriage is in shambles,” sabi niya. “Ha?” sagot ko. Teka, asan ka ba ngayon?

Nasa Amerika daw siya. May 14 na taon na siyang anak, mayroon siyang  maayos na trabaho pero yun nga–gusto na daw humiwalay ng asawa nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” patuloy ang daing ni Gerry. Napaawa naman ako so pinanindigan ko na ang pagiging Kuya Eddie sa buhay nya.

Ano ba kako ang nangyari? Dalwang beses na raw siyang niloko ng misis niya. Pinindeho, I suppose. Ngayon, inamin na daw ng misis nya na ayaw na nya sa kanya. She wants to separate. She wants to go back to the Philippines. Hindi daw ito matanggap ni Gerry.

Teka…teka…kako. “Isa-isahin natin ang kaso. Mahal mo ba siya?” Tanong ko. Oo raw. “E mahal ka pa ba niya?”

“Yun na nga…” sagot ni Gerry. Ang sakit tanggapin.”

“Teka ulit,” nag butt in ako. “Ang ibig mong sabiihin, dalawang beses ka na niyang niloko, mahal mo pa rin? Dyos ko naman, Gerry. Konti namang respeto sa sarili. Huwag mo ng hayaang maging tatlong beses ka pa niyang lolokohin. Let her be. Save yourself first. Masyado ka nang damaged. Hayaan mo muna sya. Kung gusto nyang umuwi, let her be.”

“Parang di ko yata kaya,” sagot ni Gerry na parang na-quote verbatim ang awitin ni Jessa Zaragoza.

“Kaya mo yan,” sagot ko. “Hindi ka mamamatay, believe me.”

“Yan din ang payo ng lahat sa akin,” sab ni Gerry. Siguro God used you to get to me. Salamat, Ronald.”

Napangiti naman ako at the thought na aba….parang authority na pala ako on marriage issues. I am being sought out!”

Honestly, hindi ko talaga mapaliwanag kung bakit ang sabi ni Gerry ay hinanap nya ako talaga para mapagkumpisalan ng kanyang kalbaryo.

Wala naman kaming malalim na pinagsamahan nung tao.

Ang weird, pero ang sarap din ng pakiramdam na hiningan ka ng payo at ng opinyon on somethng which is deeply personal.

I really hope and pray that Gerry sees the light.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Reflections, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s