Nakaratay sa Traders

Ala-una na ng madaling araw pero eto ako, nag-b-blog. Dapat sana’y mahimbing na akong natutulog kasi ang ganda ng kwartong tinutulugan ko. Nasa room 1624 ako ng Traders Hotel at ang ganda ng view ko ng Manila Bay. Napaka komportable at napakalinis ng aking kwarto. Na dapat lang naman dahil US$100 a night ang bayad ng opisina namin dito. Pero di ako makatulog. Hatsing ako ng hatsing. Ubo ako ng ubo. Yung sore throat ko na nagsimulang mag manifest noong dumating ako noong Huwebes ay naging isang full-blown flu and runny nose na. Inom ako ng inom ng tubig. Mag-o-order ako sana ng juice pero ang mahal ng fresh orange juice dito. Php310. Anak ng pating, 10 kilong dalanghita na yata ang mabibili nung halagang yun.

Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin habang tina type ko ito. Namumula na ang ilong ko dahil sa kasisinga pero ang taba-taba ko pa rin. Ilang araw na akong naiinis dahil lahat na yata ng na-meet kong mga kaibigan ay ito ang bati. “Sorry Ronald, ha. Pero ang taba mo.” Syempre, super appreciate ko ang honesty ng mga kaibigan, pero pag maysakit ka, that comment is the least you want to hear. Yung isang kaibigan ko kahapon, marunong namang bumawi. Matapos niyang batiin ang aking pagiging mataba, sabay bawi siya ng: “Pero, carry mo naman. Cute ka pa rin. Maaliwalas ang mukha  mo.” Asus.

Ang sarap sanang matulog maghapon bukas. Maghihilata. Magbasa ng pocketbook at manood ng TV. Pero hindi ko ito magagawa. Unless na lang na talagang hindi ako makabangon. Pero kung sipon at flu lang, the show must go on.  Otherwise, dapat umuwi na lang ako dahil hindi justified ang pagtira ko sa US$100 a night na hotel.

Ang hirap nga lang, naka coat and tie pa ako bukas sa conference, tapos hatsing ako ng hatsing. Ano ba yan? Parang ang sarap magkasakit nang naka shorts lang, tsinelas at malaking T-shirt. Pero pag maysakit ka tapos dressed to kill at isputing ang suot mo, ang asiwa. Feeling ko, maporma nga ako  pero dakilang tiga kalat ng mikrobyo. To paraphrase Meryl Streep’s line in the movie “The Devil Wear’s Prada.” I have become an incubus viral plague.

Sana huwag lumala ang aking sakit dahil ang dami ko pang lakad bago ako bumalik sa Taipei sa October 15. Pero kailangan ko na talagang matulog. Pag flu ang sakit, tubig, prutas at pahinga lang talaga ang makapagpapagaling sa tao. Sana dalawin ako ng antok. At sana, pumayat ako dahil sa sakit na ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Events, Homecoming Stories, Reflections. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s