No Other Woman

Pangako ko sa sarili ko, pag-uwi ko sa Pinas, manonood ako ng pelikulang Pinoy.  Sayang nga at na-miss ko ang mga indie films gaya ng “Zombadings,” “Babae sa Septic Tank” at “Rakenrol.” Kanina, sa paglalakad ko sa Greenbelt 1, nagulat ako nang makita ko ang mahabang pila sa “No Other Woman,” isang pelikula ng Star Cinema na dinirek ni Ruel Agbayani at tampok sina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes.  Hindi ko type ang mga artista pero naintriga ako sa dami ng taong pumapasok. Nakipila ako not knowing what to expect. Hindi naman ako na-disappoint.

Kapag nanonood ako ng isang Star Cinema film, hindi ako nag-e-expect ng isang artistic na pelikula. Alam kong commercial ito, at sa layout pa lang ng movie poster, alam kong ma-dramang love triangle ito. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, sana na-execute ng mahusay ang pelikula at sana maganda ang kwento. Bagama’t gasgas na ang plot ng pelikula, nakakaaliw pa ring panoorin ang istorya ng isang ideal couple na nasira ang pagsasama dahil sa pagdating ng isang mayamang temptress. In this case, isang napaka glamorosang heiress na anak ng isang may ari ng marangyang resort. Nasa furniture design ang trabaho ng character na ginagampanan ni Derek Ramsay, and after a few encounters with Anne ay nagsimula na nga ang isang illicit affair. Malinaw ang ginawa nilang rules of the game: bawal silang ma-in-love sa isa’t-isa. No strings attached. No commitments. Pero alam naman natin na hindi ito nangyayari kasi kung ang mga aso nga na nag s-sex ay nagpapakita ng affection sa kanilang kapwa aso, tao pa kaya?

In the meantime, nagsimula nang magduda ang character na ginagampanan ni Cristine Reyes nung nagsisimula nang ma-late si Derek sa mga lakad ng pamilya. At nang minsang makita niya sa notebook ng kanyang asawa  ang isang dinner reservation  sa isang mamahaling restaurant, mas tumindi pa ang kanyang pagdududa. From this point, engaging na ang takbo ng kwento lalo na nga sa pag-inject ng mga writers ng mga malulutong na dialogue sa mga confrontation scenes.

Nang nag-iiiyak si Reyes sa kanyang inang si Carmi Martin, sinabihan siya ng ina na ipaglaban ang kanyang pag-ibig. “Hindi ako fighter, mommy.” Sabi ni Reyes. “That’s not me. Bakit ko dapat siyang ipaglaban eh asawa ko naman siya?” Ang sagot ni Martin: “Dahil nga ang mundo ay isang malaking Quiapo! Napakaraming snatchers!” Tawanan ang audience. Eto pa ang payo ni Martin sa anak: “I-pack-up mo na ang pagiging Lucy Torres mo at maging isang Gretchen Baretto ka,” or something to that effect.

Sa confrontation scene naman nina Curtis at Reyes sa swimming pool kung saan pareho silang naka-bikini, pinuna ni Reyes ang snake skin na bikini ni Curtis. “Ahas ba yan o balat mo lang?” React ulit ang audience.

Bagama’t very formulaic ng pelikula, alam mong ito ang tatak ng Star Cinema para makatabo sa takilya. Napakarangya ng production design. Iisipin mong ang yayaman ng lahat ng tao sa Pinas.  Patalbugan ng mga designer clothes ang mga artista. Parang rarampa silang lahat sa Fashion Week.

Sa larangan naman ng pag-arte, parehong mahusay sina Reyes at Curtis subali’t mas consistent ang pag-atake ni Curtis sa kanyang role bilang isang malditang eredera. Si Ramsay naman ay obvious na nag-e-effort para magampanan ng mahusay ang kanyang role bilang isang confused na family man na may malalim na galit sa kanyang ama. Pero kulang ang kanyang pinamalas na pagganap. May mga eksena na awkward ang kanyang mga crying scenes.

Kapansin-pansin din ang  napakadaling pag resolve ng conflict ng kwento. Maiisip mo tuloy

na sana ganoong kadali ma-resolba ang mga problema sa totoong buhay. Sana ganoong kadali magpatawad at magbago.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, highly viewable and recommended ang “No Other Woman.” Sabi nga ni Kris Aquino sa kanyang endorsement ng pelikula. “This is a film about second chances. Marami kayong matututunang aral.”  Pag si Kris talaga ang nag-endorse, panalo lagi.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment and tagged , . Bookmark the permalink.

One Response to No Other Woman

  1. genegirl says:

    “pack-up mo na ang pagiging Lucy Torres mo at ilabas mo na si Gretchen Barreto!”
    hahahaha… i enjoyed reading ur movie review… panalo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s