First Homecoming

Unang uwi ko sa bahay in six months at sinalubong agad ako ng dalawang balita. Una, may strike ang employees ng Philippine Airlines. Sa katunayan, nang mag landing ang eroplano na sinasakyan namin inannounce agad ng piloto na matatagalan daw kaming mag-deplane kasi walang available immigration officers. Halos isang oras bago ko nakuha ang aking maleta kasi nga on-strike ang mga workers. Pangalawa, may paparating na hindi lang isa, kundi dalawang bagyo! What a way to welcome me! Sabi ko sa aking sarili.

On the way patungong Better Living Subdivision kung saan ako nakatira, for the first time, napansin ko na kumpara sa mga bansang napuntahan ko over the last six months–ang dilim ng Maynila sa gabi. Kulang ang mga poste sa kalsada at tila mas lumala ang traffic situation. Pero oks lang, sabi ko sa sarili. Mas nakakabwisit yata ang traffic sa Bangkok. At least dito sa may coastal road, umuusad kami kahit gumagapang. Sa Bangkok, isang oras na nakatirik at di gumagalaw ang taxi na sinasakyan ko mula Central World Mall papunta sa hotel kung saan ako naka-check in.

The following day pagkatapos kong dumating sa Maynila, ang una kong ginawa pagkagising ay ang kumain sa Jollibee. Na-miss ko ang corned beef “Breakfast Joys” nila. Yun pa rin naman ang lasa pero kapansin pansing nabawasan ang volume ng corned beef. Siguro mga one-third of the volume ang nawala. Syempre, bumili ako ng Philippine Daily Inquirer, ang paborito kong newspaper. Loyal ako sa dyaryong ito kasi since 1998, nag-co-contribute ako ng articles dito on culture and the arts. Ganun din ang aking napansin. Parang lumiit ang dyaryo. At numipis ito.

On a positive note naman, natutuwa ako tapos na ang skyway connecting Magallanes and Alabang. Halleluiah! At least, magandang balita yan.

Aside from that, nothing much has changed. Sa greenbelt kung saan unang naganap ang pagkikita namin ng aking kaibigang si Helen, napansin ko lang na nawala na ang dating Music One Record bar at napalitan ito ng Muji, ang aking paboritong Japanese boutique sa Taipei. So far yun ang aking mga naging obserbasyon.

Tatlong grupo na ng friends ang aking na-meet in three days, Mamayang gabi, may ka-meet ulit ako. Kahit nakakapagod at magastos, ina-admit ko na ito ang pinakamasayang bahagi ng isang homecoming–ang meeting of family and friends. Nakakahalakhak ako ng buong lakas at lutong. Matindi ang reminiscing at waxing in nostalgia. Walang katapusan ang mga updates, tsikahan at tsismisan.

Nung hindi pa ako nag-a-abroad, may isa akong kaibigan na nagtatrabaho sa Singapore. Every two months, umuuwi sya sa Maynila kasi sabi niya, gusto lang niyang tumawa at makipagkwentuhan. Ang weird naman nun, sabi ko sa aking sarili. Napakagastos na kuwentuhan.

Ngayon ko na-re-realize na ganun nga pala. Kahit gaanong kasaya ang buhay mo sa abroad, mananabik at mananabik ka pa rin sa kwentuhan at tsikahang Pinoy. At uuwi ka kahit mahal ang pamasahe dahil hindi mo mararamdaman ang saya at warmth ng company of family and friends sa ibang bansa.

Priceless ito at gaya nga ng sabi ko sa kaibigan kong si Jean, nakaka-maintain ng mental health.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Homecoming Stories, Taiwan Life, Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s