Ang Pag-uwi in Ellen

Nakilala ko si Ellen sa Philippine Airlines Flight PR899 biyaheng Taipei patungong Manila. Katabi ko siya sa upuan. Siya ay nasa window seat samantalang ako ay nasa gitna at isang Taiwanese ang nag-o-occupy ng aisle seat. Noong una’y di kami nagpapansinan ni Ellen. Hindi ko kasi ugali ang mag-strike ng conversation sa eroplano. Gusto ko lang magbasa at matulog. Pero nung nag-distribute ang mga stewardess ng arrival card na kailangang i-fill-up, hindi napigilan ni Ellen na kausapin ako. Napansin niya sigurong ang bilis kong natapos i-fill up ang aking arrival card.”Kuya,” ang malumanay niyang simula. “Anong ilalagay ko rito?” Tiningnan ko ang kanyang arrival card. Nakaturo siya doon sa passport details. Sa unang pagkakataon, napatingin ako kay Ellen.

Maamo ang kanyang mukha. Siguro may mga 35 anyos na siya. Payat. Kayumanggi. Mukhang mabait pero may tapang at tigas akong nakita sa mga mata niya. Nagsimula akong mag-explain. Yung passport number mo dito. Tapos dito sa part na ito, yung date kung kailan ka na-isyuhan ng passport. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong pinutol magsalita. “Wala kasi akong passport,” sabi niya.

Automatic na nanlaki ang mga mata ko. Ha? Paano ka naka-board ng eroplano kung wala kang passport? Tanong ko.

“Nawala ang passport ko.” Eto may affidavit nga ako.” May pinakita siyang one-page na document sa akin na nakasulat sa salitang Chinese. “Ito lang ang pinakita ko sa immigration.”

Naku, sabi ko. Hindi ko alam kung paano yan. Naramdaman niya siguro na kahit ako, nag worry para sa kanya. Pakiramdam ko kasi, mahaharang siya ng immigration officer pagdating niya ng Maynila. Nag-iba siya nang paraan ng pagsasalita. Naging mas honest at confessional.

“Sige na nga, kuya. Ikukwento ko na sa yo ang totoo. Sumurrender ako sa immigration. Overstaying na ako rito sa Taipei. Originally, dalawang taon lang ang kontrata ko bilang domestic helper. Ayaw kong umuwi kasi ang dami kong pinapaaral na pamangkin at may sakit ang tatay ko. Tiga Benguet kami. So, nag TNT ako. Palipat-lipat ako ng amo. Hindi ako umuwi. Walong taon akong nagtago. Nung nakaipon na ako ng sapat na halaga, ako na mismo ang sumurrender sa immigration. Bukod sa pinagbayad nila ako ng danyos na $NT30,000, kinulong nila ako ng isang linggo. Okay naman ang sitwasyon ko sa kulungan. Mababait sila. Ako lang ang Pinoy dun. Mga kasama ko mga Thai at Indonesian. Ang dami nila. Alam mo ba kuya, dinala nila ako sa airport, naka posas ako? Pero hindi na ako nahiya. Maswerte pa rin ako. Excited na excited na akong umuwi at di na ako babalik pa sa Taiwan kahit kelan.”

In less than ten minutes, pakiramdam ko, para akong nanood ng 26 na kabanata ng isang melodramatic na telenobela. Naramdaman ko ang magkakahalong sakit, takot, lungkot, tuwa at pananabik ni Ellen na makauwi sa Benguet. In a flash, sumagi sa isip ko ang plight ng mga OFW. Ang mga issues ng Filipino diaspora. Ininterbyu ko pa sya at ang dami kong nakitang iba’t-ibang facets sa kanyang personality. Para siyang si Nora Aunor na maraming contradictions sa buhay. Mababaw siya na malalim. Parang wala siyang alam pero napakatalino niya. Mukha rin siyang tahimik pero napakadaldal niya lalo na kapag  naging komportable na siya sa kanyang kausap.

Nang lumapat na ang gulong ng eroplano sa runway ng NAIA, napapalakpak si Ellen. “Kuya, nasa Pinas na tayo!” napatingin ako sa kanya at nakita kong nagpahid siya ng luha. Tears of joy. “Tagal kong hinintay ito. Eight years,” sabi niya.

Highly cinematic ito, bulong ko sa aking sarili.  Anong pangalan mo, ulit? Tanong ko.

“Ellen, kuya,” sabi niya. “Ikaw?”

Ronald.

Nice meeting you, Kuya Ronald. Buti ka pa mukha kang mayaman na.

Nyek. Kala mo lang yun. Marami akong utang, sabi ko.

Ingat ka kuya, ha. Sarap mong kausap. Ang saya ko kasi nakauwi na ako.

At nakita ko si Ellen na nagmamadaling lumabas sa eroplano. Hindi na niya ako nilingon pa.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Taiwan Life, Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s