Empake Blues

May workshop kami sa Pinas kaya uuwi ako maya-maya. Unang uwi ko ito sa bahay in six months. Exciting na stressful. Kahapon pa ako naka-empake at kahapon ko rin na-realize kung gaano ito ka-stressful lalo na nga’t hindi naman talaga bakasyon ang pakay ko sa pag-uwi. Habang tinitiklop ko ang mga damit na isusuot ko sa workshop, iniisip ko kung may nakaligtaan ba akong trabaho sa opisina. Naisara ko ba ang lahat ng drawers? Kulang pa kaya ang binigay kong pera sa assistant kong si Claire para bayaran niya ang mga bills ko na naka skedyul nang magsipagdatingan? Mayroon ba akong hindi natawagan? Ah, oo. Si Cat, yung kontak ko sa MECO. Kailangan kong makausap. Di bale, mag-e-email na lang ako sa kanya mamaya.

Sa dami ng aking naipong pasalubong, hindi na kasya lahat ng aking gamit sa maliit na maleta kaya sa malaking luggage ako nag-empake. Kailangan ko pang dalhin ang laptop at camera dahil kailangan ko ito sa trabaho. Dapat hindi ako mag-panic, bulong ko sa aking sarili. Gumawa ako ng listahan ng mga gagawin ko pa. I-h-hand carry ko na lang ang laptop ko pero maliit ang aking backpack. Kailangan kong bumili ng mas malaki. Okay, tsek. Done. Kailangan ko ring mag-withdraw ng pera kasi wala na akong cash. Tsek. Ang maiiwan kong bahay, dapat malinis. Kailangang maitapon lahat ng mga mabubulok sa loob ng fridge. Dapat lahat ng mga electrical sockets, walang nakasaksak. Ang halaman ko sa banyo, dapat puno ng tubig para di mamatay. Tsek. Dapat din magpaalam ako sa aking tenant para maipalinis nya ang bahay habang ako’y wala. Done. Tsek.

Ano pa ba? Ang passport at ticket, dapat nakalabas na. Teka muna, ang bigat ng luggage ko. Di kaya ako ma-excess baggage? Sayang din ang pambayad dun, ang mahal. Kalkalin ko kaya ulit ang mga laman ng  aking maleta. Naku, I will start all over again? E isang gabi kong pinagpuyatan ang pag-pa-pack ng lahat ng gamit at pasalubong? Huwag na! Hindi ako siguro marunong mag-pack ng mabuti. Ang mga members daw ng U.P. Madrigral Singers, who practically live in suitcases, ang gagaling mag-empake. Sanay na sanay na silang isiksik ang kung ano-anong gamit sa maleta nang mabilisan. In my case naman kasi, ang nakapagpabigat ng aking bagahe ay ang mga pasalubong. May mga nagbilin pa kasi ng kung ano-ano gaya ng bigas na talaga namang nakapagpabigat sa aking bagahe.

Kanino ba nagsimula itong kultura ng pagbibigay ng pasalubong? Gusto ko silang murahin. Sa Pinas pa naman, big deal ito. Maraming nag-aaway away sa pasalubong. Kapag may nakaligtaan ka, malaking issue. Minsan cause pa ng break up ng friendship. Ang babaw naman noon. Huwag na lang akong magreklamo. Ito na lang ang iisipin ko: I got blessed, I want to share my blessings with others. Period. Ang hindi ko maipapangako ay ang oras for friends. Dahil limited lang ang aking vacation time, hindi ko kayang i-meet lahat sa dami ng aking mga kaibigan. Sorry na lang sa hindi ko ma-me-meet. Tao lang po. I cannot be in two places at the same time.

Bago ko isara ang laptop na ito na last piece of gadget na ipapasok ko sa aking backpack, mag-s-surf muna ako sa Internet para malaman ang lagay ng panahon. Kunsabagay, sabi naman ng CNN, bukas pa raw darating ang bagyo na may local name na Quiel. Sana, wala akong naiwan at nakaligtaan. Mamaya, maglilista ulit ako ng mga things to do sa airport. Sana rin may magagandang items akong mabili doon dahil sa totoo lang, parang kulang pa ang aking mga pasalubong.

Sana rin smooth ang flight at hindi ako atakihin ng claustrophobia. Praying for a happy and safe trip, Lord.

See you, Manila.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Travels and tagged , . Bookmark the permalink.

One Response to Empake Blues

  1. Jean Cabrera says:

    Bakit ba ang Pinoy mahilig sa pasalubong, bahagi na ito ng kultura natin. Noong munting bata pa tayo hindi ba lagi tayong umaasa sa pasalubong niInay at tatay. Anyway, ingat lang kaibigan sa biahe at alam kong mag-eenjoy ka sa pag-uwi mo. Maganda ang trabaho mo lagin On-The-Go. God bless you always.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s