Mga Nilikhang Multo

Sa isang lumang episode ng TV series na “Sex and The City,” nakikipag-usap sa telepono  si Miranda (ang smart na abogada na ginagampanan ni Cynthia Nixon) sa kaibigan niyang si Carrie (Sarah Jessica Parker) nang bigla niyang naramdaman na hindi niya maigalaw ang kanyang leeg. Nagkaroon siya ng stiff neck at nang madulas pa siya sa banyo habang nakikipag-usap gamit ang kanyang mobile phone, lalong hindi siya makagalaw at makabangon sa kanyang pagkakahilata sa banyo. Dahil siya ay naninirahang mag-isa sa kanyang apartment, kinailangan pa ni Carrie na mag-request sa kanyang boyfriend na si Aidan (John Corbett) para puntahan si Miranda, buhatin ang dalaga mula sa banyo at dalhin siya sa ospital. Kung nagkataong walang kaibigan si Miranda sa New York, o kaya’y hindi naka charge ang kanyang telepono, marahil matatagalan pa bago siya makatawag ng saklolo o worse, maaari siyang mamatay doon nang walang nakakaalam.

Sabihin nyo nang gross ako, pero isa ito sa mga fears ko sa aking happy solitary life dito sa Taipei. Ingat na ingat akong madulas sa banyo, makuryente, mabalian ng buto, magkasakit. Lahat ng yan ay dahil sa nag-iisa ako. Syempre, may mga officemates naman akong pwedeng tawagan. Nandyan si Claire, ang aking assistant, na kung tawagin ko’y “my proverbial  lifeline” dahil lahat ng bagay na maaari kong itanong tungkol sa buhay dito sa Taipei ay nahahanapan niya ng sagot. Nandyan din si Jack, ang aming Admin assistant, who is always willing to lend me a helping hand, o kaya’y si Joyce, ang aming accountant, na malimit ko ring makakwentuhan. Mababait silang lahat. Pero ayaw ko silang distorbohin dahil mga pamilyado silang lahat. Of course, may mga kaibigan naman akong Pinoy. Ang aking mga graduate student friends. Pero malalayo silang lahat sa tinitirhan ko.

This takes me to the point I wanted to drive at. Ang downside ng pag-iisa. Sa Canada raw, sabi ng kaibigan kong Pinay na si Mitzi, marami sa mga nakatirang nag-iisa sa mga apartments ay naaamoy na lang ng mga kapitbahay dahil sila ay literal na nabubulok na. Ilang araw nang patay. Di ba ganun sa ibang bansa? Walang pakialaman? So kung hindi mo pa maaamoy na nabubulok na ang kapitbahay mo, di ka magiging concerned. At kapag pinasok sila sa bahay, matatagpuan na lang silang nakahandusay sa sahig o kaya’y may hawak na telepono–apparently attempting to call 911 when they’re starting to experience a heart or an aneurysm attack. Kakakilabot isipin.

Isa pa sa mga ultimate fears ko rito ay ang maka experience ulit ng malakas na lindol gaya nung lindol na naranasan ko sa Tainan nung 1999. Baka himatayin ako sa takot. The other day, pinag-uusapan namin yun sa office at ang sabi ng mga Taiwanese, kawawa daw ang Taipei kapag ang lindol na kasinlakas nung tumama sa Japan ay mapadako rito. Patay. Tatlo pa naman ang nuclear plants within Taipei City. Talagang scary!

Nabasa ko sa Taipei City guide, may 24-hours na telephone  numbers na pwedeng tawagan ng mga foreigners in case of an emergency . English speaking ang sasagot. Nasubukan ko nang makipag-usap sa isa sa mga volunteers ng nasabing social service nang minsang hinahanap ko ang isang Thai restaurant na ni recommend sa akin ng may ari ng condo unit na tinitirhan ko. Hindi ma-locate ng taxi driver ang address na nakasulat sa card kaya tinawagan niya ang emergency number na yun para kausapin ako nung babaeng volunteer. Nagkaintindihan naman kami at narating ko ang lugar na gusto kong puntahan.

I know….I know. Gumagawa ako ng mga sarili kong multo. I should be thinking of happy thoughts. I have to be positive.  I have to have faith. I should always pray. I will do all of that. But I will also have to memorize and store in my cellphone that Taipei emergency number for foreigners.

Naninigurado lang.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Mga Nilikhang Multo

  1. Jean Cabrera says:

    Totoo yan Ronald, dapt laging handa, Boy Scout ika nga. kc dapat nating pangalagaan ang ating sarili. Saan ka man naroon lagi nating isaisip ang kaligtasan. Tulad namin nsa isang private senior home kami. bigla na lang magaalarm kc me nakalimot sa kanyang pagluluto. so me darating na bumbero at susuyurin ang bawat floor kung saan naroon ang amoy sunog. kaya maingat kami ng mister ko kc. Basta alagaan mo ang sarili mo my friend, basta be positive at dasal ke Lord always.To God be the glory.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s