Ang Mundong Online

Maswerte ang mga nag-aabroad ngayon. Madaling magamot ang kanilang homesickness dahil sa cyberspace. May Skype, may YM, may Facebook, may LinkedIn, Google +, Multiply at marami pang social networking sites na nag ko-konek sa `kanila at sa mga kaibigan at kamag-anak nila sa buong mundo.

Nung una akong mag-abroad nine years ago, nag-sisimula pa lang ang email at ICQ chat. Sa katunayan, naaabutan ko pang magpadala ng mga sulat gamit ang koreo. Yung tipong, mag-aantay ka pa ng isang linggo bago dumating ang sagot sa sulat mo. Alam nyo, na-mi-miss ko yun. I miss writing and sending snail mails. Alam nyo kung bakit? Kasi pag pinadalhan ka ng letter na sulat kamay, para talagang inisip ka ng nagpadala sa yo. It’s very personal. At saka, there is something about going to post offices that I find romantic. Gaya din ng fixation ko sa pagpunta sa mga train at bus stations, pier at airports. Para sa akin, may high drama ang mga lugar na ito. Makikita mo ang mga pagdating at pag-alis ng mga tao. Ang mga pag-welcome at pamamaalam. Punong puno ng emosyon.

Did I digress? Yes, I did. Mundong online nga pala ang pinag-uusapan natin. Anyway, para sa katulad kong nasa ibang bansa, hindi kumpleto ang aking araw kung hindi ako nakakapag-check ng email, nagbubukas ng YM at Facebook accounts, at dahil nga sa nag-b-blog na ako ngayon, nagbubukas din ako ng wordpress.com on a daily basis.

I lately realized that the way you see or perceive the online world everyday also dictates your moods. Halimbawa, kapag hindi sumipot ang kaibigan mong nangakong i-cha-chat ka ng alas tres ng hapon, mabubwisit ka na. O kaya may binati kang friend na hindi mo nakikita in 10 years, tapos bigla kang dinedma sa chat at nag log-out, inis ka na naman. Meron namang mga acquaintaces mo na ayaw mo nang makita for the rest of your life pero makikita mo na lang na naka-online o kaya ay babatiin ka kapag ikaw ay naka-online sa YM. Nakakasira ng araw.

Sa bilis ng forms and modes of communication ngayon, bihira na yata ang taong hindi mo makokontak. O kung di mo man makontak, marahil ay talagang nagtatago na yun sa yo. Like katulad nitong pag-uwi ko, may kinokontak akong barkada nung college. Gusto ko sana syang makita kasi may reunion of college friends na magaganap this weekend pag uwi ko ng Pinas. One month na ang nakakaraan, nag send na ako ng message sa Facebook. Kita-kits kako kami. Aba, deadma. I sent him an email. Deadma pa rin. Kahapon, nag text ako sa kanya. Nung hindi sya sumagot, tinawagan ko ang kanyang 2 numbers sa cellphone. Patay yung isang linya at yung isang number naman, iba ang sumagot. So I gave up. Sabi ko na lang sa aming common friends, hindi ko talaga siya makontak.

Sa kabilang banda, napakarami ko na ring natagpuang mga kaibigan, kaklase at kamag-anak dahilsa cyberspace. Mga taong hindi ko na nakita sa loob ng 20 taong, biglang susulpot. Mga kaklaseng all these years ay iniisip  ko kung nasaan na sila ay biglang babati at mag-he-hello.

Lumiit talaga ang mundo gawa ng internet. Dati, ang feeling ko, nasa ibang planeta ang isang tao kapag siya ay nasa ibang bansa. Kanina, magkakadaldalan kami ng mga kaibigan ko sa YM. Yung isa, nasa Italy, yung isa sa Australia at yung pangatlo kong friend, nakikisabat galing New York.  Para lang kaming nasa Glorietta sa Makati at nag e-exchange ng text messages para magkita mamaya at manood ng sine ng sabay-sabay.

Subukan ko kayang di mag-online ng dalawang linggo? Oo nga. Trip lang. Paano kaya nito mababago ang buhay ko?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life, Technology. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s