Almusal sa Evans Burger

Isa akong breakfast person. Maaari akong magpalipas ng tanghalian at maaari rin akong matulog nang di naghahapunan. Pero pag hindi mo ako pinakain ng almusal, hindi mo na ako mapapakinabangan sa buong araw. Grouchy na ako. Mainit ang ulo. Unproductive. Simula nung dumating ako dito sa Taipei, naghahanap ako ng masarap na restaurant na nagsisilbi ng breakfast o brunch. Na-discover ko itong Evans Burger by accident.

Marami akong guide books sa Taipei at mga two months ago, on the look out ako sa mga magagandang bagay na pan-display sa bahay para sa condo unit na tinitirhan ko. May nabasa ako na nagsabing mayroon daw isang European flea market na malapit sa Zhongxiao Fuxing. Four stations away lang ito via MRT mula sa tinitirhan ko. Natagpuan ko ang lugar pero sarado ito. On the way pabalik, nakita ko itong Evans Burger. Para syang small version ng Fridays. American food ang sinisilbi nila at dahil hindi pa ako nag-aalmusal, pumasok ako para kumain.

Wow, generous ang kanilang serving. Imagine this. Ang kanilang King’s Brunch: mushroom and cheese omelet, tatlong klase ng sausages, may bacon at tatlong malalaking pancakes. Libre na rin ang orange juice at unlimited ang servings ng kape. May kamahalan nga lang ang brunch nila. Something like $NT360. Pero may 50% discount sila pag kumain ka between 9am and 11:30am. Not bad, di ba? Bale lumalabas na $NT180 lang ang babayaran mo. Sa McDonald’s, ang big breakfast nila, aabot na sa mga $NT130 kasama na ang kape at juice. Magdaragdag ka na lang ng konti, super big heavy brunch na ang kakainin mo.

It goes without saying na ang pagkain ng breakfast sa Evans ay napakasarap. Malasa ang omelet. Generous ang serving ng pancake at talaga namang nanamnamin mo ang mga sausages. Ang bango at flavorful ng kape at di gaanong matamis ang juice ( just the way I like it). Bukod pa rito, maganda ang ambience ng Evans. Para syang typical American burger place. At ang importante sa lahat, nakakapag-ingles ng mahusay ang kanilang service crew. Yun nga lang, di sila tumatanggap ng credit card. Cash lagi. Carry lang.

So for the past four or five weekends, nagmamadali ako laging pumunta sa may Zhongxiao Fuxing para mag-breakfast sa Evans. Dito ko dinadala ang aking paboritong libro at binabasa habang kumakain ng brunch. Solved na solved ako at pakiramdam ko lagi, I am ready for a great weekend. Recently, nakwento ko kay Joyce, ang aming Taiwanese na accountat sa office, ang experience ko sa Evans. Sa tinagal-tagal nya pala sa Taipei, hindi pa sya nakakakain dito. “You’re really so adventurous,” sabi niya sa akin. There’s also a brunch of Evans in the Shida area near our office. Maybe I will try that if you highly recommend it.”

I do, sagot ko. Totoo naman, highly recommended ko ang Evans Burger. Yun nga lang. Aware ako na di ko ito pwedeng i-patronize regularly. Kasi sa dami ng calories at cholesterol na nakatambak sa mga pagkain dito, delikado ako dyan. Hirap na hirap na nga ako mag-reduce so I have to control my eating binges. Paminsan-minsan na lang ako pwedeng mag-indulge.

Pero sa walang problema sa timbang at walang pakialam sa calories at cholestrol, subukan nyong kumain sa Evans kapag nadako kayo rito sa Taipei. Sigurado akong it will perk up your mornings.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to Almusal sa Evans Burger

  1. Jean Cabrera says:

    Dito rin sa lugar namin San Fernando Valley, sakop ito ng LA county, paborito ko kainan ang Sizzlers. Style american kc me steaks. order ka ng main menu na gusto pati salad then puede ka nag magstart. eat all u can sa salad bar nila na talagang super dami ng choices. pati fried chicken wings atbp. sa salad na lang busog ka na meron din kasama newly baked bread. dine for two e 35dollars din. bihira akong kumain doon kc out of the way. sa filipino resto meron pinoypinay, goldilocks, manila sunset, DJ bibingkahan, jollibee, chowking, seafood city, barrio fiesta. kaya lang type ko pa rin ang sariling luto, kc umiiwas sa high cholesterol at high blood. meron ako noon kaya me maintenanace meds na. bumibile ako ng luto pag gustong kumain ng karekare at litson kawali. sa mexican food gusto ko e burrito, tacos, el pollo loco. magastos kumain sa labas kaya sa bahay na lang kami.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s