Pamamalantsa as Therapy

Sa listahan ng mga gawaing bahay, ang pinaka-ayaw kong gawin sa lahat ay ang mamalantsa. Paglabahin mo na ako, paglutuin, paghugasin ng plato, paglinisn ng bahay, gagawin ko lahat yun nang nakangiti. Pero pag sinabi mong mamalantsa ako, pwede ko pa rin itong gawin although makikita mo na akong nakasimangot. Kasi mainit ang mamalantsa at sa katulad kong hypertensive, tumataas ang blood pressure ko kapag naiinitan ako. Bukod pa rito, sumasakit ang mga tuhod at likod ko habang nakatayo. Basta hindi ko trip ang mamalantsa.

Pero dahil sa gusto ko namang magmukhang kagalang-galang sa opisina, at ayaw ko namang pumasok nang gusot ang aking damit, wala akong choice. Namamalantsa ako. And since dreaded house chore ko nga ito, pinaghahandaan ko psychologically ang aking lingguhang pamamalantsa. May ritual akong sinusunod. Naliligo ako. Binubuksan ko ang aircon para malamig. Binubuksan ko rin ang TV para maaliw ako. Minsan naman, classical o kaya pop music ang aking isasaksak sa CD player kasi sa totoo lang, ang boring mamalantsa.

Malikot ang aking isip kapag namamalantsa. Sanlaksang thoughts ang pumapasok sa aking utak habang hinahagod ko ng mainit na plantsa ang aking mga t-shirts, pantalon, polo shirts, shorts at mga pang-araw-araw na suot. Patalon-talon ang aking train of thought. Minsan malalim gaya ng fate of the universe. May UFO nga ba? Bakit hindi maipaliwanag ang mystery ng stone hedges? Magtatapos na nga kaya ang mundo sa 2012 gaya ng prediction ng mga Mayans? Minsan naman, kababawan. Pupunta ako sa Pinoy store sa may Minquian station mamaya. Bibili ako ng Boy Bawang na korniks at choc nut. Syempre, kasama na dun ang pagbili sa latest issue ng YES magazine. Dapat updated ako sa showbiz.

May pagkakataon naman na sa aking pamamalantsa, dadaanan ako ng matinding lungkot. Yun ay pag na-trigger ako ng aking napapanood sa TV o kaya ay may tutugtog na sad song sa CD player na magpapaalala sa akin ng mga malulungkot na alalaala. Para akong sira kasi minsan, napapaiyak ako talaga. Sa walang dahilan, naiiyak ako sa aking sarili kasi feeling ko, mag-isa lang ako sa buhay. At pag nanunumbalik ako sa aking tamang sense, matatawa naman ako sa aking sarili. Corny ka talaga! sasabihin ko verbally. Walang kasing baduy. Hanggang dito ba naman sa ibang bansa OA at melodramatic ka?

Pero there was a time na ang train of thought ko, matalas. Nag v-vision and mission planning ako para sa aking buhay. Nag-p-perform ng SWOT analysis para ma-chart ang direksyon ng buhay ko in the next five years. Minsan nga, I mentally manage my finances! Ano? Itong bopols kong ito sa math, mag m-mental manage ako ng aking kadatungan? Weird, but true. Itong sobrang pagkamalimutin ko, nawawala dahil naaalala ko hanggang sa last centavo ang amount ng pera ko sa bangko.

Pagkatapos ko namang mamalantsa, tuwang-tuwa ako. Feeling ko, nakatakbo ako ng 10 kilometro at naghahabulan ang endorphins sa aking mga brain cells. What an achievement, sinasabi ko sa sarili ko. Kaya kanina, habang tinutupi ko ang huling t-shirt na plinatsa ko, sabi ko sa sarili, i-b-blog ko itong pamamalantsa ko. Totoong boring, mainit at nakakainis pero purgic ang effect sa akin. Para na rin syang therapy.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Pamamalantsa as Therapy

  1. Permskee says:

    I find washing dishes therapeutic. Hate ko rin ang pamamalantsa. Sumasakit ang likod ko.

  2. Jennyfer C Beredo says:

    Totoo yan Ronald, nakakinis ang pamamalantsa pero pag nakikita ko ang mga colleague na nagsususot ng hindi plantsado, natatawa ako kasi hindi ko masikmura na pumasok sa work na hindi plantsado ang damit. Sabi pa nila hindi na uso ang plantsa pero sabi ko kayo ako gusto ko plantsado ang damit. Muling pagsaludo kay Sir Ronald sa kanyang magandang artikulo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s