Mga Munting Bangungot


Kagabi, nanaginip ako. Nakakulong daw ako sa isang puting kwarto. Walang kama. Walang silya. Walang kahit ano. Basta puti syang kwarto mula kisame hanggang sahig. Hindi ko mabuksan ang pinto dahil nakasusi ito. Tapos, dahan-dahan kong naramdaman na pumapasok ang tubig sa loob. Shyet, baha. Tumataas ang tubig. Una’y sa tuhod ko, tapos sa  beywang. pataas ng pataas. Gamit ang lahat ng lakas, sinubukan kong buksan ang pinto pero talagang naka-lock ito. Nagsisisisigaw ako ng saklolo. Walang nakakarinig. Panic mode. Malulunod ako. Hindi ako makakahinga. Sabi nila ang death by drowning ang isa sa pinakamasakit na forms of death. Papasok ang tubig sa baga mo. Mag-b-bloat ka. Mamamanas. Nasa leeg ko na ang tubig. Lord, help! If Thy will be done, make it quick and less painful. Hindi naman ako takot na mamatay. Takot lang ako sa physical pain. End of dream. nagising ako na humihingal. Ihing-ihi na ako. Bumangon ako for my bladder break. Iyon daw ang sosyal na term ngayon sa pag-jingle. Putcha, mayroon na palang jargon na ganun.

Ito’y isang sekreto sa buhay ko na bihira kong i-share sa mga kaibigan. Bata pa ako, marami na akong panaginip about falling, drowning and being buried alive. May isang daang beses ko na yatang napanaginip na nahuhulog ako sa building. At the exact moment na babagsak na lang ako sa lupa, automatic na magigising ako. Malimit ko ring mapanaginip na nalulunod ako, gaya ng aking nakuwento sa unang bahagi ng blog na ito. Between the ages of 25 and 30, malimit ko ring mapanaginip na nakabaon ako sa lupa at nararamdaman ko na tinatabunan ako ng lupa. Hindi ako makahinga. Naaamoy ko ang basang lupa.  Tapos, magigising na ako. Back to reality.

Ina-attribute ko ang mga panaginip na ito sa dalawa sa marami kong phobia sa buhay. Ang altophobia (o phobia sa matataas na lugar) at claustrophobia (phobia sa mga enclosed places). Takot na takot akong tumingin sa ibaba kapag nasa itaas ako ng building. Nalulula ako. Dahil sa mahilig ako sa photography, gusto ko minsang mag try ng aerial shot kaya umaakyat ako sa matataas na lugar. Pero hindi ko magawang i-focus ang camera sa baba. Sorry, di kaya ng powers ko yun. Ayaw na ayaw ko rin sa mga siksikang lugar. Minsan, sa MRT sa Pinas, naranasan kong sumakay sa isang punong-punong MRT. Tumigil ang train sa gitna ng EDSA. Namatay ang aircon.Nag-panic attack ako. Pinilit kong buksan ang maliit na vent sa MRT couch kasi makakita lang ako ng konting nakabukas na space, okay na ako. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong sumakay sa eroplano. Masyado syang kulob para sa akin. Di ako makahinga. But I am trying very hard to conquer my fears. Kinakausap ko ang mga katabi ko para ma-distract ang attention ko sa aking phobia. O kaya’y nagbabasa ako.

Nag try  akong i-research kung ano ang ibig sabihin ng aking mga nakakatakot na panaginip. At ayon sa aking natatandaan, sabi ng mga librong kinunsulta ko, marami raw akong angst at fears na hindi ko nalalabas. Hindi ko na pinursue ang pag-re-research pa. Parang nababawan ako sa eksplanasyon. Meron ba namang taong walang angst at fears? Hindi ba’t kung sa mathematical equation ay parang given na yun?

Ano nga kaya? Sinong may kilalang dream expert? Can someone tell me what my recurring dreams mean?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life and tagged . Bookmark the permalink.

One Response to Mga Munting Bangungot

  1. Jean Cabrera says:

    sa aking palagay ang mga panaginip ay bunga ng maghapong pag-iisip at mga encounter mo sa trabaho, halimbawa mga nasaksihang pangyayari so siguro naiipon yon sa likod ng isipan mo at sa gabi pag nattutulog na tayo lumalabas ito bilang panaginip. ako rin nananginip ng masama at binibigyan ko rin ng interpretasyon. natatakot din ako kaya nagppray ako para maibsan ang pangamba.ayokong iapplay ito sa kasalukuyan kong buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s