In Love sa Taiwan

Hindi mahirap ma-in-love sa bansang Taiwan. Maliit lang siyang bansa (mas malaki pa ang buong isla ng Luzon sa Pinas), pero maraming magagandang tanawin dito. Napakalapit pa nito sa Pilipinas kaya madaling umuwi kung ikaw ay na-ho-homesick o kung may emergency sa bahay. Para ka lang lumipad ng Manila-Davao. Pag sinuswerte ka at nakakuha ka ng promo fare sa midnight flights ng Cebu Pacific, Php900 pesos lang ang one-way ticket. Yun nga lang, dahil sa hindi miyembro ng ASEAN ang Taiwan at dahil sa ating One-China policy, kailangan ng visa para makapunta rito.

Mayamang bansa ang Taiwan. Sa buong Asya, nakikipagtagisan siya sa posisyon ng first world status sa mga higanteng ekonomiya ng Singapore, Japan at Korea. Ayon sa latest Asia Pulse, ang GNP ng bansang ito ay tinatayang aabot sa US$20,000 sa taong ito. Napaka-efficient ng kanyang transport system. Sa Taipei City, 1% lang ang reported poverty rate kaya halos walang krimen. Kahit maglakad ka ng alas dos ng umaga sa mga madidilim na eskinita, hindi ka ma-ho-hold-up. Disiplinado ang mga tao. Bihira ang nag-b-break ng traffic rules. Pumipila sila ng maayos sa mga train stations, bangko at lahat ng lugar na kailangang pumila. Mataas din ang kanyang literacy rate: 96%, ayon sa Wikipedia. Ito nga raw ang isang bansa kung saan napakarami ng mga PhDs.

Generally speaking, kumpara sa mga Pinoy, may angking katahimikan ang mga Taiwanese. Para rin silang mga Hapon na napaka serene. Bihira kang makakarinig ng mga naghahalakhakan at nagsisigawan sa mga publikong lugar. Karamihan, marami sa kanila ay may dala-dalang libro at nag-aaral o kaya’y nagbabasa. Marami rin sa kanila ang tila nakikipag-usap sa kanilang mga sarili habang may mga nakasalpak na earphones sa kanilang mga tenga.

Marami sa nakilala kong Taiwanese ay napaka-honest. Subukan mong iwanan ang cellphone mo sa isang restaurant and chances are, maibabalik ito sa `yo. Noong nag-tatrabaho ako sa Tainan nine years ago, naiwan ko ang aking wallet sa taxi. May kalahating oras na ang nakaraan nung ma-realize kong wala ito sa aking bulsa. Inireport ko ito sa guwardya ng tinitirhan kong dormitoryo. Wala pang 15 minutes, may mga dumating nang pulis. Puro sila may hawak-hawak na walkie-talkie at nakikipag-usap sa mga personnel nang train station kung saan ako bumaba para kumuha ng taxi na mag-uuwi sa akin sa dorm. Apparently, nag-mobilize na sila ng mga tauhan para ma-check ang taxi na nanggaling sa dorm na tinitirhan ko. After 10 minutes, dumating na ang driver dala-dala ang aking wallet.Agad sumagi sa aking isip: milagro ito pag nangyari ang ganitong kuwento sa Pinas!

Mahal ng mga Taiwanese ang kanilang bansa kahit hindi nila ito sinasabi. Nararamdaman at nakikita ko ito. Sila ang unang nag-p-patronize sa kanilang local tourism, sa kanilang mga produkto, sa kanilang mga pelikula. Last week, nanood ako ng “Seedliq Bale,” isang Taiwanese movie na tumatalakay sa paglusob ng mga Hapon sa isang tribo ng mga Taiwanese noong unang panahon. Sobra ang promotion ng pelikula. Pinilihan ito at nakipila rin ako. Walang english subtitles ang sine pero naintindihan ko ang kwento ng “Seedliq Bale.” Very patriotic ng tema ng sine. World-class ang pagkakagawa nito. At the end of the movie, tinapos talaga ng audience basahin ang pagkahaba-habang credits na nag-r-roll sa screen bago sila umuwi.

Sa isang survey na ginawa ng CNN.go, nag top ang Taipei City, ang capital nang Taiwan, bilang natatanging bansa sa Asya na available 24 hours ang masasarap na pagkain. Na totoo naman. Mananaba ang isang mahilig kumain sa bansang ito. Pramis.

May 25 relihiyon ang Taiwan. Majority sa mga ito ay Buddhists at Taoists. Almost 4.3% lang ang mga Katoliko. Dahil dito, nagkalat ang mga temples sa bawa’t sulok ng bansa. Magmula sa gitna ng mga pilapil hanggang sa tabi ng mga skyscrapers, may pinupuntahang temples ang mga Taiwanese para sumamba. Pero ano ka. Marami rin sa kanila, ay mga atheists. Walang relihiyon. Hindi naniniwala sa Diyos. Marami akong kilala sa kanila and they are the kindest, gentlest people I know.

Bukod sa mataas ang quality of life ng mga Taiwanese, isa marahil sa mga dahilan kung bakit na-in-love ako sa bansang Taiwan ay dahil sa diversity ng  kultura dito. Isa pa rito ay ang pagpapahalaga ng mga Taiwanese sa mga matatanda at ang kanilang sanlaksang smart way of doing things.

Kalimitan, pag nagkukumpulan kaming mga Pinoy upang magtsikahan, napapagkwentuhan namin ito at natatagpuan na lang namin ang aming mga sarili na nagsasabing: “Sana, pinanganak na lang tayong Taiwanese.”

Mahabaging Diyos at Inang Bayan, ipagpatawad po ninyo kung napaka-unpatriotic namin minsan. E kung pinaparusahan nyo po ba ang mga walanghiyang pulitikong nagpapakasasa at nagungurakot sa aming kabang bayan, marahil ay maunlad na rin ang Pilipinas.

Please do not get me wrong. Mahal na mahal ko ang Pilipinas. Pero huwag nyo akong husgahan kung sasabihin kong mahal ko rin ang bansang Taiwan.

I have my valid reasons.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to In Love sa Taiwan

  1. bogodoy says:

    Hi, Ronald. It took me this long to come to this blog from your message on FB. Sorry I rarely visit FB now and only do so to look at my relatives’ photos. So you’re now in Taipei. What do you do there?

    Biased ako in choosing this post to read. I just wrote a story on my Taiwanese drama watching and my chat with a Taiwanese friend who works in a Taiwanese-owned steel company based here in our barrio. What you wrote here enlightened me on all the things he had been boasting about Taiwan. Salamat.

    Although they are friendly with me, inaaway ko sila sa environmental issues na dinala ng pabrika nila sa lugar namin. You said they’re honest, kaya lang, their business practice here is not so clean.

    I look forward to more posts from you. Actually, I would stalk your site if you were to write some on Taiwanese drama and the pretty Taiwanese actors. Hmmm…

  2. Hi Joy! Thank you very much for liking this post. Yes, marami pa akong ikukwento sa aking mga adventures at misadventures dito at yung mga Taiwanese drama na sinasabi mo. I get to read your blogs, too from time to time. Let’s start sharing stories. Best regards!

  3. nymfs says:

    hindi ka nag-iisa…hahaha buong pamilya kami tumaba sa less than 4 months of staysa taipei… sige ikain mo na lang ako ng mga paborito kong pineapple cake at custard milk pudding.

  4. Jennyfer C Beredo says:

    Tunay na kahanga-hanga ang taipei, Taiwan base sa kuwento ni Mr. Ronald. Pambihira ang mga naging karanasan mo Ronald. Kasi very organized at disciplinado and mga citizens nila. Lahat ng mga traffic rules, school rules, office rules, na nasa libro ay talagang isinasabuhay at naisasagawa nila ng wasto at naaayon sa mga nakatakdang polisiya ng pamahalaan. Saludo ako sa polisiya ng Taiwan. At kung ang ating mahal na bansa ay gaanon din ang pagpapatupad hindi malayong uunlad din tayo. Nasa tao ang Gawa nasa Diyos ang Awa. Pagpalain ka ng mahal Panginoon sa pagmumulat mo ng tulog na kaisipan ng Pinoy. To God be the Glory.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s