Bisi-Bisihan

Nung isang araw lang nag sink-in sa akin na isang linggo na lang pala ang natitira bago ako umuwi sa Pilipinas para umattend ng isang five-day workshop at magbakasyon ng another five days. Matagal ko nang hinihintay ang aking pagbabalik-bayan. Hulyo pa lang, nagsisimula na akong mamili ng mga konting pasalubong para sa mga ka-pamilya at kaibigan (parang channel 2 at 5!). Pero two days ago, sinabi sa akin ng aming admin officer na sa November 8 daw ang aming Working Group Meeting. Big deal ito sa amin dahil minsan lang ito mangyari sa isang taon. Ang siste, isang buwan bago mag-November 8, kailangan nang ma-distribute ang mga project proposals sa bawa’t miyembro ng komite. Which means, kailangan kong bunuin ang pagsulat at pag-edit sa mga proposals na ito. Dagdag pa rito, sabi ni Claire, yung assistant ko, kailangan din daw mai-publish na ang aming September newsletter para mahabol sa November 8 meeting.

Kung tutuusin ay malayo pa ang November 8. Kaya lang, October 15 pa ako babalik ng Taipei. October 8 na kailangan ang mga dokumento. To cut a long story short, kailangan kong mag-rush. Bigla tuloy ako na-stress.

Kaya kung sa kaya. May kompiyansa naman ako sa aking abilidad at sipag magtrabaho. Ako pa! Talk about work-related stress, wala na yatang tatalo pa sa naranasan kong stress nung isang taon nang minsang tinorture ako ng isa kong kliyente na tinawag kong “client from hell.” Kaso, marami sa aking susualtin at i-e-edit ay i-e-email pa ng mga proponents . Pero sabi ko sa sarili, hindi ako dapat mag-panic.

So kanina, naranasan kong mag-focus ng todo-todo sa aking ginagawa. Sinubukan kong gumawa ng deadline sa aking sarili. Hindi ko binuksan ang aking YM at Facebook para hindi ako ma-distract. Late na akong nag-lunch at hindi ko nakain ang binili kong meryenda. Kayod kalabaw, ika nga. Na-beat ko naman ang aking deadline. Natapos ko ang pagsusulat at pag-le-layout ng aming newsletter pero hindi ito pulido. Sabi ko, di bale, sa lunes ko sya aasikasuhin. Nilagay ko ang mga materials para sa November 8 Working Group meeting sa aking bag at nangakong sa bahay ko ito gagawin over the weekend.

Pagdating ko sa bahay, naglaba ako kaagad. Iniitsa ko lahat ng aking maruruming damit sa washing machine, nilagyan ko ang mga ito ng detergent at pinindot ang “on” bottton para magsimulang umandar at maglaba ang makina. Sinubukan kong i-psyche-up ang aking sarili kasi sabi ko, sisimulan ko na ang trabaho. Pero pakiramdam ko, may boses na kumokontra sa likod ng aking attempts to motivate myself. Ano ka ba, Ronald? Sabi ng boses. Biyernes ng gabi, mag-tatrabaho ka? May Sabado’t linggo pa! Nakipagtalo naman ang aking mas matinong isip. Cross out Sunday, sabi nito.  May darating kang mga bisita. Yung barkada mong mga graduate students na Pinoy. Nangako ka na magluluto sila sa bahay mo. At di ba sabi mo sa Sabado, may pupuntahan kang trade exhibit? Patay.

In the end, yung may sungay kong sarili ang nanaig. Pagkasampay ko ng mga labada, yumagyag ako sa Vie Cinema sa Xinyi District, bumili ng ticket at pinanood sina Steve Carrel, Ryan Gosling at Julianne Moore sa pelikulang “Crazy, Stupid, Love.” Hindi ako na-disappoint. Nagandahan ako sa istorya ng pelikula. Lumabas ako sa sinehan nang nakangiti. Syempre, dahil nasa Xinyi district na ako, at dahil bagong sweldo, dumaan din ako sa bookstore kung saan napabili na naman ako ng libro at mga magazine na on-sale.

Haayy, yan ba ang busy? Mukhang bisi-bisihan lang.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s