Si Professor Su

Kahapon, nagpunta ako sa National Taiwan University (NTU), sa laboratoryo ni Professor Hong-Ji Su, isa sa kilalang citrus experts sa buong mundo. Consultant ng aming opisina si Professor Su. Na-meet ko na sya ng ilang beses pero ngayon lang ako  pumunta sa kanyang lab para i-document ang kino-conduct nyang training course on “Managing a pathogen-free citrus plantation” Actually, ako na lang ang nag-simpliify ng title ng training course nya, kasi sa totoo lang, napaka-technical nito. Anim ang trainees ni Professor Su. Apat doon ay Pilipino at ang dalawa ay mga researchers galing Vietnam at Cambodia.

Wala pa akong 30 minutes sa laboratory ni Professor Su pero na-impress agad ako sa kanya. Unang una, napag-alaman ko na 82 taong gulang na sya. Sa katunayan, sabi nya sa akin, 12 years na syang retired pero bumalik sya sa NTU dahil gusto pa nyang magtrabaho. “It’s a bonus for me,” paliwanag niya sa akin. Di ko alam kung bakit pero mahilig akong alamin ang secrets of longevity ng isang tao. Interesado ako sa buhay ng mga matatanda. Sa katunayan, nung college , gumawa ako ng term paper tungkol sa buhay ng mga tao sa Golden Acres, isang home for the aged sa Quezon City.

Anyway, sa pag-o-observe ko kay Professor Su, palagay ko ang  isang sekreto sa kanyang longevity, bukod marahil sa kanyang genetic make-up ay ang kanyang pagiging masayahin. Mapagbiro ang Professor. Mayroon syang smiling face at joke sya ng joke. Tawa ng tawa. Bukod pa rito, sobra syang passionate sa kanyang trabaho. Nung nagkukuha ako ng pictures, hinila nya agad ako papasok sa kanyang opisina at ipinakita nya sa akin ang tatlong libro na ginawa niyang reference materials para sa  kanyang lecture. Pagkatapos noon, ikinwento nya sa akin ang limang PhD students na kanyang minentor. Proud sya sa mga ito kasi namamayagpag na raw ang mga ito sa larangan  ng siyensya.

Nung gabing iyon, dumalo ako sa simpleng closing ceremonies ng nasabing training course sa  private room ng isang restaurant dito sa Taipei. Lauriat ang pagkain. Sunod-sunod na isinilbi sa amin ang talaga namang masasarap na mga putaheng instik–magmula sa steamed grouper, hanggang sa piniritong palaka. And all throughout, nakita ko si Professor Su na talagang nagpapakasasa sa pagkain. Umiinom pa nga sya ng taiwan beer at panay ang kanyang kampay sa aming lahat. “This dish,” turo niya sa isang  putaheng baboy na nilutong parang humba,” this is full of cholesterol. But never mind. If you eat only a little, it’s very good!”

Naalala ko tuloy ang Mama ko. Halos magkasing edad din sila ni Professor Su at mahilig ding kumain. Sana, sabi ko sa sarili ko, kung mabibiyayaan din ako ng mahabang buhay, gusto kong maging katulad ni Professor Su. Matalas ang pag-iisip, malakas at matikas ang katawan, masayahin ang disposisyon, may passion sa trabaho at talagang napaka-positive ng outlook sa buhay.

Nagpaalam kami sa isa’t-isa at ang huli kong narinig kay Professor Su ay kung gaano sya ka-excited magpunta sa Baguio this coming December para umattend ng isang meeting doon. “I hope to see you in the Philippines,” bulong niya sa akin.

Na inspire ako kay Professor Su. Dahil sa kanya, nanumbalik na naman ang aking hilig sa university life. Gusto ko ulit mag-aral. Gusto kong magturo. Gusto kong maging katulad niya.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s